Entry#9

12 3 0
                                    

Dear Bestfriend,

    Goodnight. Hindi ko na kaya. Sobrang sakit ng puso ko este ulo ko pala. Baka bukas ko nalang ikwento. Ang sakit. Sobra. Matutulog na ko. Kakauwi ko lang galing sa practice. Pagod na 'ko. Pagod na pagod.

Sobrang sakit Bert.

Lalo na nung sinabi mo 'yon.

"Ano bang pakialam mo kung gusto kong makasama si Jasper? Kaibigan lang naman kita. Hindi mo ko pwedeng diktahan ng gagawin ko. SINO KA BA? HA! HINDI KITA MAGULANG! WALA KA NG PAKIALAM KUNG GUSTO KONG IPAGSIKSIKAN YUNG SARILI KO SAKANYA! KAIBIGAN LANG KITA!KAIBIGAN!"

Oo nga pala.

Kaibigan mo lang ako.

Isang hamak na Kaibigan.

Isa mo akong kaibigan.

Ako si Gretchen Lim na kaibigan mo.

Ako si Gretchen Lim na minamahal ang kaibigan niyang si Mac Robert Dy na mukhang imposible niyang maramdaman at masuklian.

Ako si Chen na umaasang makita ni Bert nang higit sa isang kaibigan .

But all of a sudden,I felt that it will never happen. N E V E R. Four letters yet seems so true.

Sana gumaling na ang sakit ko sa puso este ulo ko.

P.S:Don't worry,mawawala din tong feelings ko sa'yo. Ako na gagawa ng paraan. Nahiya naman ako sa'yo eh. Hinding-hindi na matutuloy yung Operation: Make your bestfriend fall for you.

Broken,
Chen

A/N: Si Mac Robert (Bert) Dy yung nasa media. Enjoy Reading! God Bless you❤

Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon