Dear Bestfriend,
I'll still call you my bestfriend although you don't want to be. Ano ba? Anong nangyari Bert? Mas mabilis pa sa pagsikat ng isang artista yung pagbabago mo. Hindi kita maintindihan kasi hindi ka naman nag-explain. Wala. Basta sinabi mo lang na parang pinuputol mo yung connection mo sa'kin. Pwede ba 'yon? Pwede bang magkaroon ka ng pagkain kung hindi ka bumibili o 'di kaya nagluto? Pwede ka bang tumaba kung hindi ka naman kumakain ng tama? Parang gano'n din yung sayo. Hayst. Oo naiinis ako sa'yo. Bakit? Sino ba namang hindi?
Pero kung 'yan yung gusto mo, wala akong magagawa. But you're still my bestfriend. Okay na rin siguro 'to, para hindi ako mahirapang layuan ka kasi matutulungan mo 'ko.
Umamin na kaya sa'yo si Mila? Sana kapag dumating man yung time na kayo yung magkatuluyan, pwede tayong maging magkaibigan ulit. Dalawa lang kayong tinuturing kong kaibigan eh.
Namimiss na kita. Kung alam mo lang. Yung kulitan moments na'tin, photoshoot kuno, yung pantitrip na'tin at yung iba pang mga ginagawa na'tin dati. Malapit pa naman ng magbakasyon.
Still here for you,
Chen

BINABASA MO ANG
Dear Bestfriend, (Chen) [ON-HOLD]
Dla nastolatkówDear Bestfriend, Parang kailan lang inaasar kita sa crush mo,tapos ngayon nasasaktan na 'ko sa tuwing kinikilig ka sakanya. Mahal na ata kita bestfriend. Love, Chen