Chapter 5

481 10 12
                                    

"Bakit hindi ka nagpaalam sakin na sasama ka sa kanya?" Sabi niya at alam kong galit siya.

"Tulog ka pa kasi kanina kaya hindi na ako nakapagpaalam. Ayoko namang istorbohin ka sa pagtulog, nagsabi ako kay mama, hindi niya ba sinabi sa'yo?"

"Pero sumama ka sa kanya.." sagot niya

"Nangisda lang naman siya, nagkwentuhan lang kami, 'yun lang." pagpapaliwanag ko

"Wag ka ng magalit." Dagdag ko pa at niyakap siya mula sa likod.

"Mahirap ba para sa'yo ang magpaalam sakin? Saan ka man pumunta? Papayagan naman kita eh, gusto ko lang ang magpaalam ka." Sagot niya at inalis ang pagkakayakap ko sa kanya at humarap sa akin.

"Andito naman na ako eh. Wala namang nangyari saking masama. Pag-aawayan pa ba natin 'to? Simpleng bagay lang, Razec." Sagot ko at nakatingin lang ako sa kanya.

"Wala siyang ibang intension sakin. Sa'yo lang ako, Razec." Dagdag ko pa hoping for his appreciation.

"Okay. Sa susunod magpapaalam na ako sa'yo." Wika kong muli ngunit nakatingin lang siya sakin.

"Ayoko lang na may mangyari sa'yong masama lalo na't wala ako sa tabi mo." Sagot niya habang hinahaplos ang balikat ko.

"Kilala ko naman siya eh. Wag ka ng mag-alala nandito naman na ako sa tabi mo." Sagot ko at hinalikan siya sa pisngi at ngumiti. Ngumiti na rin siya saw akas.

"Kumain kana ba?" tanong ko at umiling-iling siya. Ayan. Nagtitiis siya ng gutom dahil sakin.

"Tara, kumain na tayo. Nagugutom na rin ako." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya at lumabas na ng kwarto namin.

Kinahapunan ay iniligpit na namin ang mga gamit namin dahil mamayang gabi ay aalis na kami. Sina Andrea at Rafael ay nasa Palawan, Puerto princesa na dahil doon daw magaganap ang honeymoon nila.

"May nakakalimutan ka bang pangyayari bukas?" Napatingin ako kay Razec na nagtutupi ng damit namin. Kunwari hindi ko naaalala ang anniversary namin. Kumunot ang noo ko.

"Anong pangyayari?" Tanong ko

"Ah, wala. Siguro, ako lang ang nakakaalala. Ipagpatuloy mo nalang ang ginagawa mo. Wag mo nalang intindihin 'yung sinabi ko." Sagot ni Razec at malungkot na tinungo ang CR at natawa naman ako sa itsura niya. Ang matampuhin niya talaga. Of course, 17 ay laging nakamark sa kalendaryo ko.

Hanggang sa sumapit ang gabi ay ganoon pa rin ang mukha ni Razec. Nakakatawa lang. Nagpaalam na kami kana lolo at lola. Isa sa pinakamahirap na feeling ay kapag umaalis, ang bigat sa loob tapos 'yung iyak mo nastuck sa lalamunan. Parang ayaw kong iwanan sila lola at magstay nalang dito.

"Alagaan mo Razec ang apo namin." Sabi ni lolo

"Opo, lolo. Aalagaan ko po siya." Sagot ni razec atsaka bumless sa kanila. Niyakap ko naman si lolo at lola.

"Siya sige. Lumakad na kayo at baka wala na kayong maabutang barko." Sabi ni lola at alam kong naiiyak na ang mahal kong lola. Pagkatapos naming magpaalam ay umalis na rin kami.

Nakapila kami para magbayad ng terminal fee nang may tumawag sa akin at nang lumingon ako ay si Joey pala. Pumila na rin siya.

"Buti nalang naabutan ko kayo. May kasabay ako sa biyahe." Sabi niya

"Oo nga eh. Halata ngang nagmamadali ka maabutan lang kami." Sagot ko naman

Pagkatapos naming magbayad at magsign sa logbook ay sumakay na kami sa barko. Mahabang biyahe na naman ang tatahakin namin.

Sa tatlong oras na biyahe sa barko ay magdamag kaming magkausap ni Joey. Tinanong ko naman si Razec kung pwede kaming magkwentuhan ay um-oo naman siya. Ang saya nga niya kausap, may sense ang kanyang mga sinasabi, ang dami niyang baong kwento about sa buhay.

Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon