Chapter 33

78 1 0
                                    

Nagising kami ni Razec sa doorbell. Napatingin siya sa akin na nagtatanong kung anong ginagawa ko sa gilid niya. Tumayo nalang ako at nagtungo sa pintuan at binuksan ito. Halos mahulog ang puso ko sa aking dibdib nang makita ko kung sino ang mga dumating. Hindi ko sila kilala pero isa lang ang nasa isip ko, "sila ang pamilya ni Razec".

Gulo-gulo pa ang buhok ko, hindi pa ako naghihilamos at siguro may panis na laway pa ako sa pisngi at muta sa mata. Nakakahiyang makita nila akong ganito.

"Who are you?" Tanong ng babae na sa tingin ko ay sixty years old na, may pangilang-ngilang puti ang kanyang buhok at kita na ang kulubot sa kanyang mukha dahil sa katandaan. Kasama niya ang kanyang asawa na nakasumbrero, nakasalamin siya. At ang isang lalaki at babae na sa tingin ko'y nag-aaral palang sa senior highschool. Hinihintay nila ang sagot ko.

"A-ako po ang g-girlfriend ni Razec." Nauutal na sagot ko dahil sa kaba. Naramdaman ko si Razec sa tabi ko.

"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Razec sa kanila.

"watashi tachi wa anata no ie ni kangei shi te i mase n?" (Aren't we're welcome in your house?) Sabi nung mama ni Razec at hindi ko siya naintindihan.

"Is she your girlfriend brother?" Tanong ng kapatid niya at tumango naman si Razec.

"Ah, she's the one you choose between us." Wika nung mama niya atsaka ngumiti sa akin. Pumasok na sila sa bahay at naupo sila sa living room habang kausap sila ni Razec habang nagtungo naman ako sa CR at naligo.

Nandito ba sila para sunduin si Razec? Akala ko ba itinakwil na nila si Razec? Kung sa bagay, may karapatan naman silang makita si Razec anytime kasi anak nila ito. Kinakabahan at ninenerbyos ako.

Pagkatapos kong maligo at lumabas na ako at nagtungo sa kusina.

"Maysel.." tawag sa akin ni Razec. Tumingin ako sa kanya.

"Magluluto lang ako ng kakainin nila." Sabi ko atsaka kumuha ng pwedeng lutuin sa ref. Niyakap niya ako mula sa likod at narinig ko ang paghikbi niya. Humarap ako sa kanya at umiiyak nga siya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ko at umiling-iling siya. Naiiyak na rin ako.

"Bakit sila nandito?" Tanong ko.

"Magbabakasyon lang sila ng dalawang araw dito at pagkatapos, isasama na nila ako." Sabi niya at ngumiti naman ako.

"Hindi kita iiwan, Maysel." Dagdag niya. Pinunasan ko naman ang aking luha.

"Sumama ka sa kanila, Razec." Sabi ko at umiling-iling siya.

"Anong mangyayari sa atin kung sasama ako? Paano pa tayo magkakaayos? Ayaw kitang iwan." Wika niya. Umalis na ako sa pagkakayakap niya.

"Hindi ko alam." Sagot ko habang inaayos ang aking paglulutuan.

"Bumalik kana sa kanila, Razec. Okay lang ako. Siguro, ito na 'yung tamang oras na dapat maghiwalay na tayo. Isantabi na natin ang pangarap natin sa isa't-isa lalo na ang pangarap nating magkapamilya. Hindi ka sasaya sa piling ko Razec at mas lalong hindi ako sasaya kung patuloy tayong mag-aaway." Dagdag ko.

"At pagkatapos.."

"Subukan mong magmahal ng ibang babae at susubukan kong magmahal ng ibang lalaki. Kung hindi tayo sasaya, hanapin natin ang isa't-isa at ipagpatuloy natin ang pagmamahalan natin." Sabi ko at isinandal niya ang ulo niya sa aking balikat habang umiiyak.

"Paano mo nagagawang sabihin yan sakin, Maysel? Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita pero bakit kailangan pa nating subukan sa iba kung kaya naman natin?"

"'Yun lang ang naiisip kong paraan." Sagot ko sa kanya. Umalis na siya sa kusina at nagtungo sa sala kasama ang pamilya niya. Nagluto na ako ng makakain nila at pagkatapos ay inihain ko na sa lamesa.

Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon