Chapter 18

188 4 2
                                    

KINABUKASAN..

Nagising ako dahil sa halik ni Razec sa aking noo.

"Yammie, luto na ang almusal. Kain kana. Papasok na ako." Sabi niya at tumango lang ako sa kanya.

"Pasok ka ngayon ha. Gusto mo ihatid na muna kita sa school?" Wika niya

"Wag na, Razec. Ako nalang. Kaya ko naman. Ingat ka nalang papasok." Sabi ko at tumayo na sa kama.

"I love you."

"I love you too." Sagot ko at lalabas n asana siya ng kwarto nang pigilan ko siya.

"Magood morning ka muna sa kanya." Sabi ko pointing to picture of Rosebel.

"No need, Maysel." Sagot niya at tuluyan nang lumabas ng kwarto. Naligo na ako at pagkatapos maligo ay nagtungo na ako sa kusina para kumain. One reason I can't let him go: Masarap siyang magluto XD

Bago ako pumasok sa school ay suminghap muna ako ng malamig na hangin. Be good to me my soon to be alma mater. Give me all your positive energy. I said to myself atsaka nagtungo na sa room.

"Bakit ka absent kahapon?" Tanong agad ni Dayne sa akin pagkaupo ko palang.

"Tinatamad kase ako."

"Nagexam kahapon si Sir."

"Sa Accounting?"

"Oo. Hinahanap ka nga niya."

"Pwede pa kayang kumuha ng exam?" Tanong ko

"Hindi ko lang alam. Tanong mo si Sir."

"Nakakatakot. Mainit pa naman ang dugo nun sa akin."

"Kausapin mo ng maayos. Wag kang matakot doon." Sagot ni Dayne

"Mamaya pag dumating makikiusap ako." Sagot ko. Kinuha ko ang aking cellphone sa bag dahil nagvibrate.

RAZEC: Nakapasok ka na ba? Galingan mo sa pag-aaral, Yammie. I love you. Mwuaaaaaaah :*

Napangiti lang ako sa kanyang message. Nabasag ang kilig ko nang sikuhin ako ni Dayne.

"Nandiyan na si Sir."

"Ke aga-aga, cellphone agad ang hawak. Absent na nga kahapon." Sabi ni Sir. Alam kong ako ang pinaparinggan niya. Pasimpleng sumulyap ang mga mata ng kaklase ko sa akin.

"Get your exams here. Half of the class only pass in my exam." Sabi ni sir at inabot sa mga kaklase ko ang paper nila.

"Siguradong bagsak ako diyan. Papaano papasa kung right minus wrong? Erasures means wrong. Tapos ang hirap pa ng exam niya." Bulong sa akin ni Dayne

"Kakausapin ko na siya."

"Goodluck." Sabi ni Dayne. Tumango na ako at lumapit kay Sir.

"Sir, pwede pa po bang kumuha ako ng exam?"

"Bakit may isasagot ka ba?" tanong ni Sir.

"Hindi na pwede." Dagdag pa niya

"Sir, baka pwede---"

"Sinabi nng hindi na pwede diba? Bakit ka ba absent ng absent? Wag ka ng umasang papasa ka sa aking subject. Idrop mo na ito."

"Sir.."

"Ano pang aasahan mong grade? E sa tuwing magkaklase ako e wala ka?" kahapon lang naman ako umabsent. Napataon lang na nagexam siya.

"Second chance po, sir."

"Do you think you deserve my second chance?"

"I believe, everybody deserves a second chance." Sagot ko

Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon