"Anong pangalan mo?" Tanong ni Dean.
"Maysel Denola." Sagot ko atsaka sinulat niya ang pangalan ko sa papel.
"Ngayon ang pangalan mo ay nasa black list na. Oobserbahan kita. At kapag ginawa mo ulit, ng boyfriend mo ang ginawa niyo kanina. Expel kana dito sa school. Maghanap kana ng malilipatan." Sabi niya
"And you can go out now." Dagdag pa niya atsaka lumabas na ako. Napaupo nalang ako pagkarating ko sa room. What a nice day. Really. Ang malas! Haaays. Ako na yata pinakamalas sa buong mundo. Sa dami ng pwedeng mahuli. Kami pa? Hindi naman PDA un ah! Kiniss at niyakap ko lang siya. Yung iba ngang estudyante naghahalikan pa mismo tapos ung iba finifinger pa. E yung amin yakap at kiss sa pisngi lang e may mas malala pa! Haaaaays. Ang malas talaga.
Kinain ko nalang ang dinalang pagkain sa akin ni Razec at pinunasan ko ang tumulong luha sa aking mga mata. Ayoko na talagang mag-aral. Ayoko na.
Yung mga mayayaman nga, mga walang natapos na bachelor's degree yan pero sila pa ang mas mayayaman ngayon, sila ang may ari ng mga malalaking kompanya at business dito sa Pilipinas. Ako, ganun nalang din ang gagawin ko. Entreprenuer naman ako. Kaya ko ding magtayo ng business kahit walang pinag-aralan kaya titigil na ako sa pag-aaral. Nakakapagod ng pakisamahan ang mga professor ko. Ako ng ako ang napapagalitan! May balat yata ako sa puwet para maging ganito kamalas. Idagdag mo pa ang lalaki na lumalabas ng lumalabas sa panaginip ko.
Pagkarating ko sa bahay ay nahiga ako sa couch at napahinga nalang ng malalim. Lumapit naman sa akin si Razec.
"Anong nangyari?" Tanong niya.
"Bakit ba kasi dinalhan mo pa ako ng pagkain?" Balik kong tanong sa kanya at napakunot ang noo niya.
"Anong mali sa gusto kitang dalhan ng pagkain?" Balik niya muling tanong.
"Kung hindi mo ako dinalhan edi sana hindi tayo nakita ni Dean. Ayoko na, Razec. Ayoko ng pumasok. Last na 'to. Ayoko na talaga." Wika ko sa kanya at tumalikod sa couch. Hinipo niya ang braso ko.
"Isipin mo naman ang mga magulang mo kung bakit kailangan mong mag-aral." Wika niya at napatingin ako sa kanya.
"Ang hina ng fighting spirit mo." Sabi niya
"Bakit pa kailangang lumaban? E mismong mga pangyayari na ang lumalapit sa akin para sumuko." Sagot ko sa kanya at napaupo sa couch.
"Sige. Kung 'yan ang desisyon mo. Sana sa huli hindi ka magsisi." Sagot niya at tumayo na.
"Punta kana dito sa kusina at kumain na." Wika niya at naglakad na papuntang kusina. Napabuntong hininga nalang ako at napahiga muli sa couch.
"Ano? Hindi ka pa ba babangon diyan?" Tanong niya
"Eto na. Babangon na nga eh." Sagot ko at nagtungo na sa kusina.
"Saan kayo nanggaling kanina ni Joey at magkasama kayo?" Tanong niya habang hinahainan ako ng pagkain.
"Wala."
"Anong wala?" Napakunot ang noo niya sa sagot ko.
"Wala nga. Hindi na importante yun." Sagot ko at kumain nalang. Tinitingnan niya lang ako. Hindi nalang siya muling nagsalita.
Pagkatapos ay natulog na kami. Maaga pa ang pasok niya bukas at ako naman, hindi na ako papasok. Desidido na ako sa desisyon ko. Suko na ako. Napatingin ako kay Razec na biglang kiniss ang leeg ko hanggang mapunta na sa labi.
"Gusto ko yammie." Sabi niya
"Gusto mong?"
"Alam mo na."
BINABASA MO ANG
Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]
Roman d'amourDon't spend your life chasing or finding your happiness. Be your own happiness. -Maysel