Nagising ako sa aking kwarto na mag-isa lang at tila ba may hinahanap. Alam ko kung sino ang hinahanap ko, si Razec. Tuwing umaga gigising ako na nandiyan siya sa tabi ko, yayakapin ko siya kahit tulog pa siya at bigla ko siyang ikikiss. Nagising ako sa aking kwarto, tahimik at ako'y nag-iisip. Parang bumalik ako sa edad na 15, kung saan gigising akong nakangiti sa aking kwarto, mag-isa, babangon, maliligo at papasok sa school. Ganoon ang routine ko noong wala pa si Razec sa buhay ko. Si mama ang nagluluto ng almusal ko at hinahatid naman ako ni papa. Pero ngayon, tanging sakit sa puso nalang ang naiwan sa akin.
Narealize ko na kasalanan ko. Kasi ako ang lumapit kay Razec, ako ang nagkagusto sa kanya, siya ang pinili ko na mahalin pero sa huli, ako ang pumili na iwan siya at hindi ko napanindigan ang pagpasok ko sa buhay niya. Akala ko madaling makasama ang taong mahal mo sa iisang bahay, akala ko palagi lang masaya kase kasama mo ang mahal mo, pero hindi pala. Bago pumasok sa permanenteng bagay, dapat siguraduhin sa sarili na 'yun talaga ang gusto mo.
Napahawak ako sa aking ulo. Inalis ko na ang aking kumot at nagtungo sa CR, naligo, at nagpalit. At isinuot ang aking relo. Isang araw palang ang nakakalipas bago ko ibigay sa kanyang ang partner ng relong ito. Umiikot pa rin siya, meaning kailangan ko ng matutunan na kalimutan siya, kailangan kong iadopt ng maayos ang pagbabago sa buhay ko.
Sasama ulit ako kay papa sa furniture shop namin para tulungan siyang magbenta, ayokong magtahan dito sa bahay dahil baka mabaliw ako sa kakaisip kay Razec. Nagtungo na ako sa kusina at naabutan ko silang kumakain ng almusal. Naupo na ako. Pinaghainan naman ako ni mama.
"Ayos ka lang? Naikwento sa akin ni papa 'yung nangyari sa inyo ni Razec." Sabi ni mama at tumango lang ako.
"Isa ba sa rason kung bakit ka nakipagbreak sa kanya ay dahil sa nakaraan mo?" Tanong ni mama at napatigil ako sa pagkain.
"Forgive him, anak. Your past has no power over you. You deserve to be happy at alam ko ang kasiyahan mo na iyon ay ang makasama si Razec." Sabi ni mama.
"Bakit mo hinayaan ang sarili mo na sirain ka ng nakaraan mo?" Tanong muli ni mama at napatayo ako sa aking kinauupan.
"Sinong hindi nagsabi sakin ng totoo, diba ikaw? Kayo? Tinago niyo sakin ang katotohanan, sana una palang sinabi niyo na sa akin na isa akong rape victim para napatawad ko na agad siya. Ano 'yung pagpapatawad in a glimpse of an eye, bigla-bigla mo nalang siyang papatawarin dahil sinabi mong patawarin ko siya? Dahil kailangan kong patawarin siya dahil ako lang din ang masisira? Ang maapektuhan? E paano kung sabihin ko sa inyo na hindi madaling magpatawad? Pag ba hindi ko siya pinatawad pag namatay ako, sa impyerno ako mapupunta e siya naman itong may kasalanan sakin? Ma, biktima ako, biktima, bakit parang tinatrato mo ako na parang walang nangyari sakin?" Halos maiyak na sabi ko sa kanya. Nakatingin lang sa amin si papa habang si Jennika ay nakatingin lang sakin habang namumuo ang luha sa mata.
"Dahil ayokong nakikita kang malungkot at nahihirapan. Alam ko hindi madaling magpatawad pero ang gusto ko lang iparating sa'yo, bakit ka nagpaapekto sa nakaraan mong hindi mo na mababago? Dinamay mo pa si Razec. Sinasabi ko sa'yo anak, ang desisyon na hindi pinag-iisipan at ang desisyon na galing sa galit na puso at labi, sa huli ikaw ang magdudusa." Sabi ni mama.
"Hindi natututunan ang pagpapatawad. Kung may malinis ka na puso at may takot ka sa Diyos, kahit hindi siya humingi ng tawad sa'yo, papatawarin mo siya." Dagdag ni mama.
"Matatagpuan mo ang tunay na kahulugan ng kasiyahan sa pagpapatawad sa taong nakagawa ng kasalanan sa'yo sa nakaraan." Dagdag niya at nag walk out ako. Nauna na ako kay papa na magtungo sa furniture shop at doon nalang nag-isip.
Hindi ako robot na kapag sinet mo ang setting sa forgiveness mode ay mapapatawad ko na siya. Parang pumasok at lumabas sa tainga ko lang ang sinabi sa akin ni mama pero may isang phrase akong natandaan sa sinabi niya "Matatagpuan mo ang tunay na kahulugan ng kasiyahan sa pagpapatawad sa taong nakagawa ng kasalanan sa'yo sa nakaraan."
May point si mama sa sinabi niya subalit ibang kasiyahan ang hinahanap ko. Ewan ko ba. 'Yung genuine and delicate happiness ang gusto ko, a never ending happiness. Naalala ko noong bata pa ako tinanong ako ng teacher ko kung anong gusto kong maging paglaki ko, sabi ko maging isnag businesswoman o kaya lawyer o doctor but now I realize, ang gusto ko ay magkaroon ng kapayapaan sa puso at walang hanggan na kasiyahan.
Dumating na si papa at nagbenta na kami sa shop. Marami kaming benta ngayon at halos sunod-sunod ang bumibili. Then i found myself na nakatulala, kung hindi pa ako tawagin ni papa, hindi ako babalik sa realidad na may kausap akong customer.
Nagmemeryenda kami ngayon ni papa.
"Sorry pa, hindi ako naging isang good girl na anak." Sabi ko sa kanya.
"Maysel, noong sinabi niyo sa amin ni Razec na magsasama na kayo, hindi na ako nabigla, masaya pa nga ako e. Pumayag kami kase may tiwala kami ni mama mo sa'yo at kay Razec. I want you to live your life to the fullest at ang magmahal, masaktan at magpakatanga sa isang lalaki, masasabi kong nagkaroon ng saysay ang buhay mo. Letting you go anak kahit na malungkot sa side namin ng papa mo ay ang pinaka the best decision na nagawa namin dahil ang hayaan ka sa gusto mo, alam namin na magiging matatag at malakas ka. Gusto ko, hindi ka lang maging isang independent woman, i want you to be strong and no matter what life throws at you, alam mo kung paano lumaban. You have been a good girl to us anak, naging mabuti kang anak sa ami at gusto ko, kapag nawala na kami ng mama mo, ituro mo sa magiging anak mo ang ginagawa namin sa'yo at ang mga natutunan mo sa buhay." Wika ni papa at habang nagsasalita siya at napatulo ang luha ko.
"Kaya mo 'yan, anak. Naniniwala ako sa'yo na kaya mo 'yan. Kapag wala ka ng lakas, kumapit ka lang sa amin ng mama mo at bibigyan ka namin ng energy." Dagdag ni papa at napangiti ako habang umiiyak.
"Sa totoo lang papa, hindi ko kayang ipagpatuloy ang araw na wala si Razec, nahihirapan nga ako ngayon kahit kaaalis lang niya kahapon pero kailangan ko siyang palayain papa, ayoko na siyang ikulong sa akin." Sagot ko at hinaplos-haplos niya ang likod ko.
"Wag kang mag-alala anak, if Razec really loves you, he will come back to get you." Sabi ni papa at tumango nalang ako. Ang sarap pala sa feeling na makausap mo ang papa mo. Kokonti lang ang mga anak na nakakausap ang tatay niya ng masinsinan kaya napakablessed ko para makausap ko si papa ng ganito.
//////////////
Nagdaan ang isang linggo, hindi ko alam na makakasurvive ako na wala siya, hindi ko alam na makakaya kong wala siya sa tabi ko. Tama nga sila, you will never know unless you try. Kapag wala akong ginagawa, napapatitig nalang ako sa aking relo at tinitingnan ang paggalaw ng oras. Kinakabahan ako na baka isang araw, tumigil bigla ang paggalaw nito. Paano kung sa araw na tumigil ang orasan na 'yan, hindi pa rin ako move on? Tanong ko sa sarili ko na itinanong din sa akin ni Razec dati.
If this watch stopped at mahal ko pa siya at hindi pa ako nakakamove on, susundan ko siya sa Japan.
Nakabili ako ng cellphone, binigyan ako ng pambili ni papa at ngayong araw, nagbabalak ako na pumunta sa bahay ni Razec, nagdadalawang-isip pa akong puntahan siya doon.
Paano kung nandoon pa siya at hindi naman talaga siya umalis? Imposible.
Paano nga kung ganun? E, hindi ko na alam ang gagawin.
Imbis na sa bahay ni Razec ay binisita ko nalang si Joey sa bahay niya. Nagdoorbell ako at nashock pa siya noong makita niya ako, agad niya akong niyakap.
Di na muling luluha
Di na pipilitin pang ikaw ay aking ibigin
Hanggang sa walang hangganDi na makikinig ang isip ko'y lito
Malaman mo sanang ikaw ang iniibig koAt kung hindi man para sa akin
Ang inalay mong pag-ibig
Ay di na rin aasa pa
Na muling mahahagkanDahan dahan mong bitawan
Puso kong di makalaban
Dahil minsan mong iniwan
Labis na nahihirapan"Ang drama ng kanta mo ah." Natatawang sabi ko at nakisabay pa siya sa pagkanta. Pagkarating ko kase sa bahay niya nagmumusic siya. Naupo ako sa couch at parehas kaming nakinig.
/////////////
BINABASA MO ANG
Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]
RomantikDon't spend your life chasing or finding your happiness. Be your own happiness. -Maysel