Chapter 10

362 11 1
                                    

Nagtungo ako sa CR at doon nagkulong at umiyak. Napaupo ako sa bowl habang patuloy na pinupunasan ang aking luha na patuloy na tumutulo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Pupuntahan ko ba siya dun? Ayokong makita siyang nasa kabaong. Lalo pang bumuhos ang luha ko dahil sa thoughts na 'yun. Jusko naman. Razec. Biba sabi mo babalik ka? Razec. Magdamag akong nag-iyak sa loob ng CR. At hindi ko malaman ang dapat kong gawin dahil sa dami ng aking iniisip. I bet, maga na ang mata ko. Tngna naman. Ganito pala kasakit ang nararamdaman ni Terra. Hindi ko pa siya nakikitang inililibing pero ang sakit-sakit na agad. Kinakain na ng sakit ang puso ko. Ganito rin siguro ang ginawa ni Terra nang mamatay si Kerk. Umiiyak lang siya.

Nang sumapit na ang gabi ay lumabas na ako ng CR. Tulalang naglalakad at wala akong pakialam kung sino ang mabanggaan ko. Alas syete na ng gabi at marami ng naglalabasang estudyante mula sa pang-gabi nilang klase.

"Maysel!" May naririnig akong tumatawag sa akin subalit hindi ako lumingon. Napatigil nalang ako nang hawakan niya ang braso ko. Humarap siya sa akin subalit tiningnan ko lang siya.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Joey subalit hindi ko siya sinagot.

"Pauwi ka na ba?" Tanong niya

"Ihahatid na kita." Dagdag pa niya

"Thank you pero gusto kong mapag-isa." Sagot ko at iniwan na siya doon sa may harap ng gate. Salamat nalang sa pagnanais mong maihatid ako subalit ang pagnanais kong mapag-isa ang nais kong sundin.

Tinungo ko na ang daan patungo sa bahay namin..ni Razec. Wala na akong pakialam kung delikado ang dinadaanan ko basta gusto kong mapag-isa. Alam kong maraming masasamang loo bang nakatingin sa akin ngayon subalit wala pa rin akong pakialam. Kung gusto nila patayin na rin nila ako eh.

Napatigil ako sa paglalakad nang may humarang na kotse sa daan ko. Hinintay ko kung sino ang lumabas. Napatingin ako sa langit na kasalukuyang maraming kumikislap na bituin at bumwelo king katotohanan ba ang aking nakikita. Hinawakan niya ang kamay ko.

"T-tumawag si Anthea sakin kanina. Sabi niya patay kana daw." Alam niya sa boses na naiiyak na ako subalit ngumiti lang siya sakin.

"Magdamag akong umiyak sa loob ng CR." Sabi ko at malakas siyang sinampal, nakatingin lang siya sakin. At malakas ko ulit siyang sinampal at muling sinampal.

"Nasaktan ka ba sa ginawa ko?" Tanong ko at tumango lang siya.

"Mas masakit na malaman kong patay kana. Hindi mo ako sinaktan pisikal pero 'yung puso ko...parang sinama mo na rin sa pagkamatay mo." Sabi ko at ibinigay ko sa kanya ang mainit kong yakap.

"Akala ko. Totoo ang sinabi niya." Sabi ko habang umiiyak.

"Paano mo nagawang biruin ako ng ganito? Hindi ako nasiyahan." Dagdag ko pa at inihiwalay niya ako sa pagkakayakap sa kanya at pinunasan ang luha. Nakangiti lang siya sakin.

"At ninginingitian mo lag ako? Hindi mo ba alam kung gaano ako nasaktan sa balita ni Anthea?" wika ko

"Mahal mo pa nga talaga ako.." Napakunot ang noo ko sa kanya.

"Akala ko kasi..hindi mo na ako mahal. Sinusubukan ko lang ikaw kung mag-aalala ka sakin."

"Baliw ka ba? Sinet up niyo ako ni Anthea! Kagagawan niyo lang 'yun?" Tanong ko at tumango lang siya. Sinipa ko ang tuhaod niya.

"Awww!"

"Walanghiya talaga kayo." Sabi ko at pumasok na sa kotse. Sumunod naman siya habang hinihimas ang kanyang tuhod. Nagdrive na siya at tinungo na ang daan pauwi. Hindi ko siya iniimikan hanggang sa makauwi na kami. Dumiretso nalang ako nang kwarto at agad itong sinarado.

"Maysel, galit ka ba?" Tanong niya subalit hindi ako sumagot. Nagpalit na ako ng pantulog.

"Maysel, sorry." Sabi niya habang kinakatok ang pinto.

"Diyan ka nalang matulog." Sabi ko atsaka binuksan ang pinto at hinagis sa mukha niya ang kumot at unan. Naghilamos na ako at halatang-halata sa aking mata na umiyak ako ng sobra. Kinuha ko na ang tuwalya at nagpunas.

"Buksan mo itong pinto, kung hindi, sisirain ko ito!"

"Edi sirain mo."

"Maysel, sorry na nga." Sabi niya. Lumakad ako patungong pintuan at binuksan ito.Agad akong umiwas sa kanya subalit agad naman niya akong niyakap mula sa likod.

"Sorry na." sabi niya

"Ang totoo niyan, Maysel. Si mama ang nag-utos kay Princess Anthea na sabihin sa'yong patay na ako." Natigil ako sa kanyang iwinika.

"Ayaw na niya akong pabalikin dito at dahil mahal kita at hindi ko kayang iwan ka, bumalik ako." Sabi niya at huminga ako ng malalim. Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at pinaupo ako sa kama, tumabi siya sa akin.

"Pinapili niya ako. Babalik ako subalit hindi na niya ako susustentuhan, wala na daw siyang pakialam sakin o magstay sa Japan na ibibigay niya ang naisin ko. Ang pinili ko ay ang bumalik sa Pilipinas dahil nandito ka."

"Pero hindi kana niya bibigyan ng pera?"

"Okay lang. Kaya ko namang kumita ng pera na panggastos natin, kaya ko namang magtrabaho. Titigil nalang muna ako sa pag-aaral." Sabi niya at ramdam ko ang lungkot niya.

"Razec."

"hm?"

"Thank you." Sabi ko at hinawakan ang kamay niya. Nakangiti siya sakin. Sa mga mata niya akala mo okay lang siya dahil sa mata niyang tumatawa ngunit sa loob alam kong namomroblema siya.

"Mahal kita at hindi kita iiwan." Sabi niya

"Pakasalan mo na ako." Sabi ko at napangiti naman siya.

"Kailan mo gusto?"

"Ngayon na." sagot ko

"Diba ang gusto mong kasal doon sa dagat?" Tanong niya

"Nagbago na ang isip ko." Sabi ko

"Saka na, Maysel. Gusto kong ibigay sa'yo ang gusto mong set up ng kasal." Sabi niya at sumimangot naman ako.

"Pero gusto ko na kasing maramdaman 'yung ano eh." Nangingiti siyang tumingin sakin.

"Kaya pa naman nating pigilan diba?" Tanong niya at tumango ako.

"Hayaan mo. Mag-iipon na ako ng pera para sa kasal natin." Sabi niya at napangiti naman ako.

Being with him is enough. It was all enough to feel his hug, kiss and touch. It was all enough for us na mahalin namin ang isa't-isa pero hindi pala. Darating yata talaga ang araw na magbabago ang feelings niyo dahil na rin sa pagbabago ng takbo ng buhay niyo.

///////////

Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon