Chapter 44

77 1 0
                                    

Ipinagpatuloy ko ang pagpipinta sa tabi ng ilog kasama si Joey. The last time we've been here ay hindi pa kami.

"Naalala mo 'yung sinabi ko sa'yo dati noong nagpunta tayo dito?" Tanong ni Joey at tumango ako.

"Sabi mo, hindi mo pa natataguan ang kared string mo. Sabi mo, siguro natagpuan mo na siya pero may iba siyang pinagkakaabalahan. Ako yata ang tinutukoy mo  dun eh." Sabi ko at natawa siya at tumango.

"Tama ka at ngayon akin kana." Sagot niya. Nanghuhulu siya ng isda habang nagpipaint ako. Palubog na ang araw at nakatatlo na siyang huli ng tilapia.

"I really like the ambiance of our province. Ang payapa, ang sariwa ng hangin, walang maingay na mga sasakyan." Sabi ko.

"Gusto mong dito nalang tayo magtayo ng bahay?" Tanong niya.

"Pwede rin." Sagot ko.

"Bibilhin ko ang lupa na'to tapos dito tayo magtatayo ng bahay. Malapit s ailog." Sabi niya at ngumiti naman ako.

"Ayaw mo ba?" Tanong niya.

"Gusto syempre."

"Hindi ka kase sumasagot kaya akala ko ayaw mo." Sabi niya at natabunan na ng maitim na ulap ang araw. Ang magaan na dapit-hapon ay naging mabigat na nagbabadyang pagbagsak ng ulan.

"Tapos kana diyan?" Tanong niya

"Mukhang uulan eh. Dalian natin." Dagdag niya at inililigpit palang niya ang mga gamit ay pumapatak na ng paunti-unti ang ulan hanggang sa tinutungo na namin ang daan pauwi ay tuluyan ng bumagsak ang malakas na ulan kasama ang kulog at kidlat.

Basang-basa na kami, pati na ang ipininta ko, nabasa na rin. Nakarating kami sa bahay ni lolo na basang sisiw.

"Oh, bat kayo nagpaulan?"

"Naabutan po kami sa ilog eh." Sagot ni Joey kay lola. Binigyan niya kami ng tuwalya at nagtungo sa kwarto at nagpalit nanv mapansin ko na basa ang relo ko. Hindi ito gumagalaw. Bigla akong kinabahan, baka nasira na. Parang half of my life nasa relo na'to kaya ganito nalang ako mataranta. Paano pa pag tuluyan nang hindi ito gumalaw? Katapusan ko na siguro. Agad ko itong hinubad at itinapat sa electric fan pero hindi pa rin siya gumagalaw. Aish. Pinupokpok ko na nga, ayaw pa rin.

"Anong nangyari?" Tanong ni Joey.

"Nabasa ng ulan. Ayaw na gumana." Sagot ko.

"Ipaayos natin bukas." Sabi niya at hindi na ako umimik. Pero kinabukassn hindi na namin pinaayos kase gumana na ulit. Tinapat ko lang sa electric fan magdamag. Akala ko hindi na siya gagana. Natakot ako doon ng konti.

Nang matapos na ang bakasyon ay bumalik na kami ni Joey sa Manila. Pasukan na niya samatalang ako naman, naiwan sa apartment niya, nagpipinta. Ipinagluluto ko rin siya kagaya ng ginagawa ko sa bahay ni Razec. Speaking of bahay niya, matagal na akong hindi nakakapunta doon.

"Babe, andito na ako." Wika ni Joey at lumapit sa akin at hinalikan ako sa labi.

"Ang sarap ng ganito. Uuwi ako nang nanditi ka tapos may luto na. Sana habang buhay na ito." Dagdag pa niya at ngumiti lang ako.

"Kumain kana." Sabi ko at hinainan na siya ng pagkain.

"Babe sabi ng VP ng school, doon nalang daw tayo magpainting exhibit."

"Pwede rin naman."

"Ang he offered a scholarship to you, kung gusto mo ulit mag-aral." Dagdag niya.

"Good news 'yan pero pag-iisipan ko." Sagot ko sa kanya. Nagtungo ako sa painting area at kinuha ang ipinaint ko kanina. Ibinigay ko iyon sa kanya.

Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon