Niligpit ko na ang aming pinagkainan at biglang nag ring ang kanyang cellphone. Tinitingnan ko lang siya subalit hindi niya sinagot ang tawag, pinatay niya lang ang tawag.
"Sino 'yun?" Tanong ko
"Wala man."
"Anong wala? May tumatawag eh."
"Wala nga." Sagot niya. Kinuha ko sa kanyang cellphone at tiningnan ang call log. Anonymous number. Walang pangalan. Hindi naman siya international number. Sa +639 nagsisimula kaya sure akong taga Pilipinas lang ang tumatawag.
"Bakit hindi mo sinagot?" tanong ko
"Wala lang 'yun."
"Baka importante." Sabi ko
"Hindi man. Hindi 'yun importante."
"Paano mo nasabing hindi importante?" Tanong ko
"Basta."
Pagkatapos kong hugasan ang mga plato ay bumalik na kami sa kwarto. Dinig na dinig pa rin ag malakas na hangin at ulan sa labas.
"Pahiram ng cellphone mo, tatawagan ko si mama." Sabi ko at kinuha na ang cellphone niya at tinawagan si mama.
"Ma..kamusta kayo diyan?"
"Okay lang, anak. Kayo ni Razec? May pagkain ba kayong naimbak diyan?"
"Meron po Ma. Ingat po kayo diyan, I love you po."
"I love you din, Maysel. Ingat din kayo. Wag na kayong lalabas ng bahay."
"Opo."
*End Call*
Tumabi na ako kay Razec na kasalukuyang nakahiga na sa kama. Niyakap ko siya para naman mabawasan ang lamig na nararamdaman ko. Inopen ko ang music playlist sa kanyang cellphone at nagpatugtog.
"Baka malowbat." Sabi niya
"Hindi 'yan." Sagot ko at pinlay ang Mirrors by Justin Timberlake
Aren't you somethin' to admire?
'Cause your shine is somethin' like a mirror
And I can't help but notice
You reflect in this heart of mine
If you ever feel alone and
The glare makes me hard to find
Just know that I'm always parallel on the other side
'Cause with your hand in my hand and a
Pocket full of soul
I can tell you there's no place we couldn't go
Just put your hand on the glass
I'll be tryin' to pull you through
You just gotta be strong...
Nakisabay ako sa pagkanta at natigil ang pagkanta ko dahil sa tumatawag.
Umupo ako at Sinagot ito.
"Babe?"
"WHAT? Babe?"
Biglang inagaw sakin ni Razec ang cellphone niya at pinatay ang tawag.
"Babe.." natatawa kong sabi habang ang dugo ko ay unti-unti ng nahahaluan ng galit.
"Babe talaga ha..kaya pala kanina, nagtaka ako kung bakit nagbabe ka sakin." Dagdag ko pa
"Yammie at Yaddie ang tawagan natin. Nakalimutan mo na ba? Akala ko nakokornihan kana sa tawagan natin kaya babe ang naitawag mo sakin kanina." Nagsink in na sa utak ko ang galit. Tahimik lang siya. Nakikisabay ang emosyon ko sa galit ng bagyo sa labas. Huminga ako ng malalim. Inhale. Exhale. Ayokong magsigawan na naman kami dito.
BINABASA MO ANG
Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]
RomanceDon't spend your life chasing or finding your happiness. Be your own happiness. -Maysel