Chapter 12

444 9 1
                                    

KINABUKASAN...

"Hindi na muna ako papasok." Sabi ko kay Razec na kasalukuyang nagpupunas ng ulo niya, katatapos lang niya maligo. Nakatopless pa, nakakashet lang. Nakatingin lang nga ako sa katawan niya, siniseduce niya yata ako. Nakakapula ng pisngi. Meron nga siyang scar sa right chest niya, katulad ng nasa panaginip ko.

"Halika daw dito." Sabi ko habang kinakampay siya papalapit sakin. Lumapit naman siya. At ako na sa kasalukuyang nakaupo sa kama ay niyakap ang topless niyang katawan. Ang lamig ng katawan niya at ang bango pa. Inamoy-amoy ko ito.

"Anong ginagawa mo maysel?" Nangingiting tanong niya.

"Gusto lang kitang amuyin. Ang bango mo." Sabi ko at hinigpitan pa ang yakap sa kanya.

"Baka maubos ang amoy ha." Sabi niya at natawa lang ako. Hinalikan ang katawan niya pataas hanggang sa labi, ilong, pisngi, noo at mata.

"Buo na ang araw ko dahil sa lambing mo, Maysel." Sabi niya atsaka niyakap ako ng mahigpit.

"Mamamasyal tayo ngayon diba?" Sabi ko at napakunot naman ang kanyang noo.

"Ayy nakalimutan mo na agad. Kasasabi ko lang kagabi eh." Nagtatampong sabi ko. Umalis na ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Oo nga pala. Sorry na po." Sabi niya atsaka niyakap ako at ako naman ang hinalikan niya at kiniliti.

"Tama na, Razec baka magising si JimJim."

"Gising na nga siya."

"Maayos naman ba ang tulog mo, JimJim?" Tanong ko  at tumango naman siya.

"Mamamasyal tayo ngayon."

"Talaga po?" Masayang tanong niya at tumango ako.

"Tumayo kana diyan at mag-aalmusal na tayo at pagkatapos mamamasyal na tayo!" Sabi ko at inalalayan na siyang tumayo. Nagpunta na kaming kusina. Maaga akong nagising kanina para magluto ng almusal namin. Mas nauna pa nga akong nagising kay Razec tapos pagbalik ko ng kwarto tapos na siyang maligo.

Pagkatapos naming kumain ay pinaliguan ko na si JimJim. Parang anak talaga namin siya ni Razec. Someday, magkakaanak din kami pero huwag muna ngayon, may mga pangarap pa kaming dapat matupad.

"Ang bango mo. Kasing bango mo na si Papa Razec." Sabi ko habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang katawan at pagkatapos ay binihisan na siya.

"Ako naman ang paliguan mo." Sabi ni Razec

"Naligo kana kaya." Sagot ko at itinapon sa mukha niya ang tuwalya.

"Sana ako nalang si JimJim, pinapaliguan mo." Nang-aasar pa si Razec. Tumayo ako at hinigit siya papuntang CR.

"Papaliguan na kita. Tara." Sabi ko

"Hindi babe, joke lang 'yung sinasabi ko." Natatawa niyang sabi subalit inirapan ko lang siya. Never na nagsama kami ni Razec maligo sa three years na pagsasama namin. Ewan. Hindi naman sa mabagal kami, kundi syempre..dapat ienjoy-in muna namin ang pagiging magkasintahan namin. Ang pagpapakasal at ang magkaroon ng anak ay ibang usapan na kasi 'yun. Atsaka why do we have to take a bath together? Hahaha

     Nagpunta kaming park at doon sobrang saya niyang naglaro. Binilhan din namin siya ng damit, 'yung mumurahin lang kasi baka magshort ang budget namin ni Razec. Ayoko namang magpadagdag ng allowance kay mama kasi nakakahiya.

"Saan mo gustong kumain?" Tanong ko kay JimJim

"Kahit saan nalang po."

"Razec, saan tayo kakain?"

"Ikaw, saan mo gusto?"

"May malapit bang restaurant dito?" Tanong ko

"Meron."

Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon