"Ano? Bukas?" Napataas ang boses ko dahil sa sinabi niya. Lumakad ako ng konti papalayo sa kanya.
"Hindi, Razec. Dito ka lang..sa tabi ko." Sabi ko sa kanya
"Hindi pwede, Maysel. It's an order from our Prince. Hindi ko pwedeng tanggihan 'yun." Sabi niya atsaka hinawakan ang kamay ko.
"Paano kung ikaw naman ang mawala? Hindi ko kakayanin, Razec?"
"Mag-iingat naman ako eh." Sabi pa niya atsaka hinawakan ang pisngi ko at ang kanyang mga mata ay nagsusumamong payagan ko siya.
"Dito ka lang sa tabi ko. Hindi kita papayagang umalis." Sagot ko at nagtungo na sa loob ng bahay nila Terra.
"Nararamdaman ko ang sakit na nararamdaman mo." Sabi ko sa kanya at saglit lang niya akong tiningnan.
"Magpaalam na tayo, Terra kay Kerk. Ililibing na siya." Sabi ni tita at inalalayang tumayo si Terra.
Sa huling pagkakataong makikita ni Terra si Kerk ay nananatiling walang lumalabas na salita sa kanyang bibig at tanging luha niya ang nagsasalita para sa kanya. Ang luhang tumutulo sa kanyang mga mata ay mga tinik na sa pagbagsak nito ay siya pa rin ang nasasaktan.
Niyakap ko si Terra at sa abot ng aking makakaya ay pinilit kong bawasan ang sakit na nararamdaman niya ngunit mabawasan man iyon ay patuloy pa rin babalik. I was wondering kung kailan hihilom ang sugat sa pusong sariwang-sariwa pa.
Ipinagpaubaya na namin ang paggabay kay Terra sa kanyang ina at ama. Si Kerk naman..alam naming nasa itaas kana ngayon."Alam ko Kerk, nakatingin ka ngayon kay Terra. Alam kong kahit wala kana physically ay aalagaan at babantayan mo pa rin siya spiritually katulad ng pag-alaga mo sa kanya dati sa kung paano mo punasan ang balat ni Terra, kung paano mo ito kantahan sa loob ng ospital, kung paano mo siya halikan sa noo." Sabi ko sa aking sarili habang nakatingin sa langit. Alam ko Kerk, naririnig mo ako.
Subalit..
Gustuhin ko mang ipaghiganti ka ni Razec sa pagkamatay mo, hindi ako makakapayag. Alam kong naiintindihan mo ang nararamdaman ko kagaya ng pag-iintindi mo sa nararamdaman ni Terra nang mawala ka. Ayokong mawala sakin si Razec kaya pasensya. Hindi ko maibibigay ang permisyong nais mo at nais ng inyong pinuno para sa inyong pamilya.
Dumating na kami sa bahay nang hindi pa rin pinag-uusapan ang gustong mangyari ni Razec. Magdadapit-hapon na ng kami'y makauwi. Naligo muna ako at pagkatapos ay nagdiretsong kusina para magluto ng hapunan namin.
Natigil ako sa paghihiwa ng carrots na ilalagay sa caldereta nang magring ang telepono namin. Inalis ko ang aking apron at nagtungo sa sala at sinagot ang tawag.
"Kanina pa kami tumatawag sa'yo, razec. Kailangan mo ng bumalik dito sa Japan as soon as possible." Dinig ko mula sa kabilang linya. At boses iyon ni Princess Anthea
"RAZEC!" Napataas ang kanyang at galit nag alit.
"S-si Maysel po ito." Sagot ko at napatigil siya saglit.
"Makinig kang mabuti, Maysel. Naiintindihan kita kung bakit ayaw mong pabalikin si Razec dito but he need to. Kailangan niyang sundin ang utos ni Anhiro. Hindi pwedeng wala siya dito, angkan namin ang nakasalalay dito at kung ayaw niyang mawala ang kabuhayan ng pamilya niya better..payagan mo siyang bumalik dito." Sabi niya subalit tahimik lang akong nakikinig.
"Pakisabi sa kanya, tomorrow evening ang usapan sa paghihiganti sa statutory gang. Makisama ka maysel dahil pare-parehas tayong mamamatay." Dagdag pa niya at namatay na ang tawag. Wala akong masasot sa mga sinabi niya at natutulala ako.
"Sino ang tumawag?" Tanong ni Razec
"Maysel?" Tawag niya sa akin. Umupo ako sa sofa at huminga ng malalim.
"Bumalik kana..sa Japan." Sabi ko at tumabi naman siya sakin.
"Tutulungan na kitang mag-impake." Sabi ko at tumayo na at nagpunta ng kwarto. Kinuha ko ang maleta at isinilid doon ang kanyang mga gamit at damit. Tahimik lang akong nagtutupi ng kanyang mga damit samantalang siya ay nakatingin lang sakin habang nakaupo sa kama.
"Si Prince Anhiro ng nakausap mo?" Tanong niya at umiling-iling ako.
"Hindi. Si Princess Anthea ang tumawag." Sagot ko
"Hindi mo naman na kailangang gawin 'yan, Maysel. Hindi na ako tutuloy sa Japan." Sabi niya at napatingin ako sa kanya.
"Pero si Anthea na mismo ang nagsabi sakin na kailangan mong bumalik. Hindi..ko na ikaw pipigilan. Basta. Mag-iingat ka." Sabi ko. Tumayo ako at lumapit sa kanya.
"Kailangan mo ng umalis." Dagdag ko at hinawakan ang kanyang pisngi at hinalikan siya sa noo.
Sana hindi ko pagsisihan ang naging desisyon ko. Sana hindi mangyari samin ang nangyari kay Terra at Kerk. Eto 'yung, wala naman akong magagawa eh. Kailangan kong magsacrifice, kailangan kong isacrifice ang kagustuhan kong makasama si Razec laban sa pamilya niya. Alam ko namang hindi pa dito mageend ang kwento namin pero 'yung fear na nararamdaman ko, 'yung worries, hindi ko alam kung saan ko ilalagay. Napahinga ako ng malalim. This decision is best for both of us, for his family, for Terra and Kerk.
Bago siya pumasok ng taxi ay niyakap ko siyang muli. Baradong-barado na ang aking lalamunan na kanina pa gustong umiyak. Madalang nalang nga akong magsalita dahil anytime, alam kong bubuhos na ito.
"Babalik ako." Sabi niya at tumango nalang ako atsaka hinalikan ako.
"Babalikan kita." Dagdag niya at muli akong hinalikan at niyakap ko naman siya ng mahigpit na mahigpit, 'yung yakap na parang sampung taon kayong hindi nagkita.
"Kailangan ko ng umalis. Baka malate ako sa flight." Sabi niya habang inaalis ang pagkakayakap ko sa kanya. Pati 'yung taxi driver ay inip na ding naghihintay sa kanya.
"I just wanted to hear your heartbeat." Sabi ko at itinapat ang aking tainga sa kanyang dibdib at dinama ang init ng kanyang yakap.
"Pag-uwi mo gusto kong babalik ka ng buo. Ibinigay kita ng buo sa kanila, bumalik ka sakin ng buo." Sabi ko sa kanya atsaka tumilhay para maabot ang kanyang labi. Hindi ko pa yata nasasabi na, mas matangkad siya kesa sakin.
"Gusto kong maramdaman ulit ang tamis ng halik mo.." Wika ko at muli siyang hinalikan.
"Gusto ko.." I said and wipe my tears.
"Maramdaman ang init ng yakap mo ulit." Dagdag ko at hinalikan ang bawat gilid ng kanyang labi sa huling pagkakataon.
"I love you."
"I love you too." At doon na nagtapos ang pagpapaalam ko sa kanya. Pinanood ko ang taxi-ng papalayo nang papalayo sa akin hanggang sa hindi ko na matanaw at bumagsak nan g tuluyan ang luha ko. Nababaliw na yata ako. Bakit ba iniisip kong hindi na siya babalik? Na mababalitaan kong patay na rin siya. Damnit! Inuntog ko ang aking ulo sa pader. Kapag 'yun ang naiisip ko lalo akong naiiyak. Natatakot akong mangyari sakin ang nangyayari ngayon kay Terra. Muli kong inuntog ang ulo ko sa pader hanggang sa mawala na ang negative thoughts ko.
"Babalik siya Maysel. Babalik siya. Wag kang mag-alala. Babalik siya." Sabi ko sa aking sarili at pumunta na sa kwarto. Humiga ako sa kama at huminga ng malalim habang nakatitig sa ceiling ng kwarto namin. Tumayo muli ako at pumunta sa study table at kinuha ang notebook ko.
Dear Heart,
Please don't be scared. Please don't overthink that he will not come back. Please throw away your fears and worries but..change it with trust and hope. Trust that he will come back and hope that he's alive. Everything is fine and..be okay. Alisin mo na ang takot mo dahil lalo lang tataas ang tsansang mangyari ang kinatatakutan mo. Be brave my heart and let your love take good care of everything.
Writing a letter for my heart made my heavy feelings lighter. Medyo gumaan na ang pakiramdam ko at medyo nabawasan na ang pag-aalala. Pagkatapos ay bumaba na ako patungong kusina upang ipagpatuloy ang naudlot kong pagluluto kanina.
/////////////
Thank you for reading :)
BINABASA MO ANG
Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]
RomanceDon't spend your life chasing or finding your happiness. Be your own happiness. -Maysel