Nagising kaming dalawa ni Razec dahil sa sunod-sunod na doorbell.
"Ano ba? Sino ba 'yun?" sabi ko habang inuunat ang aking braso.
"Hindi ko alam." Sagot niya at tumayo atsaka nagtungo sa baba. Ang tagal niyang bumalikkaya bumaba na rin ako. Napakunot ang aking noo nang bumungad sa akin ang batang kausap niya sa may pintuan. Nag-iisa ito at walang kasamang magulang. I think seven years old palang siya, gusgusin siya at malungkot ang mga mata habang ang kamay niya ay nakahawak sa ibabaw ng kanyang maduming putting damit.
"Dalawang araw na po akong nawawala. Nagcamping po kasi kami, napahiwalay po ako sa mga kasama ko."
"Kawawa ka naman. Kasama mo ba mga magulang mo sa pagcamping?" Tanong ko at umiling-iling siya.
"Ate, kuya. Nagugutom na po ako." Sabi nung bata at napatingin ako kay Razec.
"Papasukin mo siya." Sabi ko at pinapasok siya ni Razec. Dinala namin siya sa kusina at isinabay na sa pag-aalmusal namin.
"Ilang taon kana? Nag-aaral ka ba?" Tanong ko
"Eight years old na po ako at grade three na po ako." Sagot niya sabay inom ng tubig na inabot ko.
"Alam mo ba ang phone number nang mga magulang mo para matawagan natin sila." Tanong ni Razec at umiling-iling siya.
"Sa probinsiya po ako nakatira." Sagot ko
"Anong probinsiya?"
"Marinduque."
"Marinduque? Ang layo naman ng pinagcamping-an ng pamilyo mo. May kamag-anak kami sa Marinduque. Kung alam mo lang sana ang address mo, matutulungan ka namin." Sagot ko habang pinapanood siyang kumain. Ang dami niyang kain at mukhang nasarapan siya sa luto kong itlog na may kamatis.
"Dito ka muna sa bahay namin. Hintayin nalang natin ang mga magulang mo. Sure naman akong hinahanap ka nila. Safe ka naman dito samin ni Razec." Sabi ko atsaka ngumiti.
"Salamat po." Sagot niya at napatingin naman ako kay Razec.
"May pasok ako ngayon. Sinong magbabantay sa kanya?" Sabi ko at nagkibit-balikat naman siya.
"Maghahanap ako ng trabaho ngayon." Sagot ni Razec
"Ano palang pangalan mo?" tanong ko
"Jimjim po." Sagot niya at bumalik na muli ako sa pakikipag-usap kay Razec.
"Wala siyang kasama dito. Hindi ko siya pwedeng isama sa school." Sabi ko. Lumapit si Razec kay Jimjim.
"Kaya mo bang mag-isa dito?" Tanong ni Razec at tumango naman siya.
"By the way, ako si Maysel at siya naman si Razec." Sabi ko
"Ate Maysel, Kuya Razec kaya ko pong mag-isa. Sana'y na po akong mag-isa."
"Basta mag-iingat ka dito sa bahay. Wala kang papakialaman na kahit ano. Iiwanan ka nalang namin ng pagkain, ayos lang ba 'yun sa'yo?" sabi ko at nagthumbs up pa sa akin. Alam mo naman ang mga bata, malilikot. Hindi pa nila alam ang mga bagay na dapat at hindi dapat pakialaman. Tumayo na ako.
"Razec, ikaw ng mag-intindi sa kanya. Maliligo na ako, baka malate ako sa klase. Ikaw na pati ang magpaligo sa kanya, ang bantot na kasi." Sabi ko
"Okay." Sagot naman ni razec
//////////
"May anak na agad kayo?" Tanong sa akin ni Mice, kaklase ko, irregular student siya. Kaklase ko lang siya sa Accounting.
"Nino?" tanong ko
"Nang boyfriend mo, nakita ko kaninang hinatid ka niya at may kasamang bata, sa bagay, di na ako magtataka kung magkaka-anak agad kayo, mukha namang manyakis 'yang boyfriend mo." Dagdag na sabi ng kaklase ko. Sa sinabi niya gusto ko kaagad hilahin ang buhok niya at itali sa flagpole. Walang magawa sa buhay kaya pati buhay ko ay pinapakailaman. Kadarating ko lang sa school tapos ganyang mga salit agad ang bumungad sa akin. Ang hirap naman makasurvive sa full of judgemental people sa mundong ito, minsan wala ka nalang ibang magagawa kundi ngitian sila.
"Hindi namin anak 'yun. Nawawalang bata lang siya."
"Anak niyo man o hindi, wala akong tiwala sa boyfriend mo..pero last week nakita ko ikaw may kasamang lalaki at alam kong hindi mo 'yun boyfriend." Sagot niya at sa isip ko'y mukhang si Joey ang tinutukoy niyang kasama ko.
"Bagay kayo nun at siya ang gusto ko para sa'yo." Napapamura nalang ako sa masyadong pakielamera kong kaklase. Anong karapatan niyang mamili ng dapat sa akin? Sarap pakainin ng ballpen na hawak ko nang mabulunan man lang sa mga sinasabi.
Napabuntong hininga nalang ako at dumating na ang professor namin at nagklase na.
Kinahapunan..
Bago ako umuwi ako sa bahay ay bumili muna ako ng popcorn at minicake para kay JimJim at pagka-uwi ko ay agad ko itong binigay sa kanya.
"Hmmm..salamat ate maysel. Ang saraaaaaaaaap." Sabi niya habang nilalantakan ang pagkain na binigay ko. Pinapanood ko lang siyang kumain at natatawa nga ako kasi ang dungis niya kumain.
"Razec, pakikuha nga ng tissue." Kinuha ni razec ang tissue at ibinigay sa akin at pinunasan ko ang bibig at pisngi ni JimJim.
"Mag-asawa po ba kayo?" Tanong niya
"Parang mag-asawa na pero hindi pa kami kasal. Matatawag lang kami na mag-asawa pag kinasal na kami." Sagot ko
"Pwede po bang kayo muna ang papa at mama ko pansamantala?"
"Syempre naman, it was our pleasure na tawagin mo kaming mama at papa." Nangingiting sagot ko at nasiyahan naman siya sa aking sinabi.
"Wala po kayong anak?"
"Magkakaanak kami pag kami ay naikasal na."
"Ganoon po ba 'yun?"
"Oo, at paglaki mo, pag high school kana mapapag-aralan mo din ang sinasabi ko. Kailangan maikasal muna bago magka-anak."
"Gusto ko na din pong lumaki kagaya niyo para marami na rin akong alam."
"JimJim, hangga't bata ka pa mag-enjoy ka lang. Wag kang mamomroblema sa mga bagay na hindi mo kayang gawin. Alam ko hindi mo pa ako masyadong naiintindihan basta..gawin mo kung ano ang makakapagpasaya sa'yo. Maglaro ka hanggang sa gusto mo as long as masaya ka, okay?" Sabi ko at tumango naman ako. Parang naiintindihan naman niya ako but I know someday, maaalala niya rin ang sinasabi ko.
Naghain na si Razec ng hapunan namin. Si JimJim ang nasa gitna habang kami naman ni Razec ay nasa magkabilang gilid niya.
"Magdasal po muna tayo. Ganito po kasi ang ginagawa namin nila mama sa tuwing kakain kami." Sabi Ni JimJim
"Lord, salamat po sa pagkain. Salamat po at binigyan mo po ako ng mababait na pansamantalang magulang. Sana po magkaanak na rin sila at sana po mahanap na ako nila mama. Amen." Natawa nalang kami ni Razec.
Kumain na kami. Kain. Kain. Kain. At pagkatapos ay nanood naman kaming tatlo ng tv at makalipas ang isang oras na panonood namin ay nakatulog na si jimjim, nakasandal ang ulo niya sa braso ko.
"Razec, saan siya matutulog?"
"Sa kwarto natin?"
"Sige, buhatin mo na. Dahan-dahan lang, baka magising." Sabi ko at binuhat na niya ito. Pinatay ko na ang tv ant sumunod na sa kanila papuntang kwarto.
Sa gitna namin siya humiga.
"Ipasyal natin siya bukas. Ibili natin siya ng damit." Sabi ko kay Razec at tumango naman siya.
"May nahanap ka ng trabaho?" Tanong ko
"Sa runaway house ako magtatrabaho. Magwiwaiter nalang ako doon."
"Mabuti." Sagot ko. Lumapit sa akin si Razec at hinalikan ako sa noo at sa labi at pagkatapos ay pinatay na niya ang ilaw.
////////////
BINABASA MO ANG
Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]
RomanceDon't spend your life chasing or finding your happiness. Be your own happiness. -Maysel