KINABUKASAN...
Maaga akong gumising para maaga akong makapasok. Baka maawardan na naman ako ni Sir. Agad akong nagprepare ng uniform ko atsaka naligo na. I feel like it was my first time to wake up na ang magaan ng pakiramdam. Nabawasan ng kaunti ang bigat ng loob ko kahapon at isa pa, wala akong masamang panaginip kagabi. I feel like I was new today.
Pagkatapos kong maligo ay kinuha ko na ang bag ko. Kinuha ko na rin ang cellphone ko na dati rati'y iniiwan ko lang sa bahay dahil wala akong pakialam kung sino man ang nagtext. Tiningnan ko ang calendar ng cellphone ko. Wednesday ngayon. Nilagay ko na sa bag ko ang cellphone ko at lumabas nan g kwarto at nagtungo nang kusina at naabutan ko si Razec na hinahainan ako ng pagkain. Ngumiti ako sa kanya.
"Ang aliwalas ng mukha mo ngayon, Yammie." Sabi ni Razec. Napansin niya rin 'yun. Ngumiti lang ako sa kanya.
Tahimik lang akong kumakain. Hindi ko alam kung tinitingnan niya ako pero wala akong pakialam. Naninibago siguro siya sakin. Pagkatapos kong kumain ay nagtoothbrush na ako at aalis na sana ako nang tawagin niya ako kaya napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko
"Galit ka pa ba?" Tanong niya at ngumiti ako.
"Hindi. Hahayaan na kita sa gusto mong gawin pero wag kang magtataka kung isang araw..ako na ang mawala." Sagot ko atsaka lumabas na ng bahay.
Naglakad na ako sa labasan atsaka sumakay na sa taxi. Pagkarating ko sa school, I just wished na maganda na ang araw ko.
"Maysel.." napatingin ako sa tumawag sa aking pangalan. Si Joey pala.
"Ang aga mo yatang pumasok ah." Sabi pa niya at natawa naman ako.
"Kailangan eh." Sagot ko
"Sige. Pasok ka na, nagmamadali ka ba?" Tanong niya
"Hindi naman masyado. Papasok ka na rin ba?" Tanong ko at tumango lang siya.
"Sige. Pasok na ako ha?" sabi ko at tatalikod n asana ako nang muli niya akong tawagin.
"Pwede bang sabay tayo maglunch mamaya?" Tanong niya
"Sige. Hintayin mo nalang ako sa cafeteria." Sagot ko atsaka ngumiti sa kanya. Pumasok na ako sa room namin at mabuti nalang wala pa 'yung teacher namin na masungit.
"Si Ms. Maysel?" Tanong ng support staff ng department namin.
"Yes Sir?" Sabi ko atsaka tumayo
"Pinapatawag ka ng teacher mo sa accounting. Pumunta ka ngayon sa faculty room." Sabi niya atsaka lumabas na ng room. Bigla akong kinabahan. Pinagpapawisan ang kamay kong lumabas ng room at pumuntang faculty room. All is well. Kalma ka lang, Maysel. Pagkabukas ko ng faculty room ay nag-good morning ako sa mga teachers at nagpunta sa cubicle ni sir accounting.
"Good morning sir." Bati ko sa kanya at may inabot siya sa aking papel.
"Look at your grades. Your midterm grade, quizzes and recitation. Tell me if you still need a second chance?" sabi ni sir at napakagat ako sa aking labi dahil sa nakita ko. Tangina. Bakit puro singko ang grades ko? Ganyan ba ako Katanga? Pumapasok pa ba ako ng ganyang lagay e sa pagkakaalam ko wala pa sa tatlo ang absent ko sa kanya.
"Kahit maka uno ka sa ibibigay ko sa'yong quiz, hindi pa rin mahahagot nun ang final grade mo atsaka imposibleng maka uno ka kase ikaw ang pinakatanga sa klase ko. Just fill up this form of dropping subject para hindi kana mahirapan. May next year pa naman." Sabi ni sit at naiiyak na akong nakatayo sa harap niya
BINABASA MO ANG
Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]
RomanceDon't spend your life chasing or finding your happiness. Be your own happiness. -Maysel