Our relationship has finally come to an end. Tumayo na ako at lalakad na sana papunta sa shop namin nang may humawak sa kamay ko at higitin niya ako papalapit sa kanya.
"Hindi ko kaya." Umiiyak na sabi niya at niyakap ako at hinalikan ang buo kong mukha kahit na basa ito ng pinagsama ng aming luha.
"Umalis ka nalang kasi para hindi na tayo mahirapan!" Tinulak ko siya papalayo sa akin.
"Lalo lang tayong mahihirapan kung patuloy nating mamahalin ang isa't-isa." Dagdag ko at napahawak siya sa kanyang ulo.
"HINDI KO KAYA! NAIINTINDIHAN MO BA?! HINDI KO KAYANG IWAN KAAAA!!!" sigaw niya sa akin at wala na kaming pakialam sa mga taong nakakapansin sa amin. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat.
"Mahal mo ba ako?" Tanong niya sa akin subalit hindi ako makaimik dahil sa aking sunod-sunod na paghikbi.
"SABIHIN MO! SABIHIN MONG MAHAL MO AKOOOO! ISIGAW MO SA MUKHA KOOOO!!" Sigaw niya sa akin habang inuuga-uga ang aking katawan. Bumabaon na ang kuko niya sa aking balat dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
"Sabihin mong mahal mo ako, Maysel. Kahit ngayon lang." Sabi niya at nagtungo sa gitna ng kalsada.
"SABIHIN MONG MINAHAL MO AKOOOO!!! ISIGAW MOOO!!" sigaw niya habang nakatingin sa akin. Napatingin ako sa sasakyan na nakatigil sa harap niya at hinihintay na umalis siya.
"Please, wag mong gawin 'yan, Razec. MAHAL KITA AT MINAHAL KITAAAA!!!" sigaw ko sa kanya at napaupo siya sa gitna ng kalsada at inip na bumubusina ang mga sasakyan.
"Bumalik kana dito, Razec." humihikbi na sabi ko. Nakatingin lang siya sakin. Ilang minuto din siyang nakaupo doon bago tumayo. Lumapit siya sa akin.
"Ano bang dapat kong gawin para magbago ang desisyon mo?" Tanong niya.
"Gusto mo halikan ko buo mong katawan para bumalik kana sakin?" Umiiyak na tanong niya atsaka lumuhod at pinaghahalikan niya ang paa ko, tuhod at hita. Umupo ako para mapantayan siya.
"Hindi mo na kailangang gawin 'yan, Razec. Ako na ang nagmamakaawa sa'yo, umalis kana. Wag na nating pahirapan ang mga sarili natin." Sabi ko sa kanya at pinipilit kong ipaintindi sa kanya ang sitwasyon.
"Mas mahirap ang wala ka. Mas mahirap ang gigising sa umaga na wala ka sa tabi ko. Mas mahirap kung hindi kita nakikita. Mas mahirap kung wala na akong dahilan para mabuhay pa. Mas mahirap, mas mahihirapan tayo sa mga araw na wala ang isa't-isa. Kinakain ko na ang pride ko Maysel, ako na ang nagmamakaawa sa'yo na bumalik ka. Pero bakit ikaw, tinataboy mo ako palayo? Huh? Ipaintindi mo sakin kung bakit mo ako tinutulak palayo?" Umiiyak na tanong niya.
"Gusto mo ba lumuha pa ako ng dugo para bumalik kana? Ha?" Dagdag niyang tanong.
"Pwede bang..pwede bang hindi ko ngayon sabihin sa'yo? Saka ko na sasabihin sa'yo kapag nagkita na ulit tayo pero sa ngayon, umalis kana muna please?"
Bago pa magbago ang desisyon ko Razec, umalis kana.
Napatigil siya sa pagtangis dahil sa sinabi ko. Tumayo na ako at tumalikod na sa kanya at naglakad na patungo sa furniture shop namin. Nagtungo ako kay papa at niyakap siya.
"Maysel!" Dinig kong sigaw niya. Umalis sa pagkakayakap si papa sa akin at lumapit kay Razec at kinausap ito. Nakatalikod lang ako sa kanya habang umiiyak at napapakagat nalang sa aking kuko.
"Mahal na mahal ko po ang anak niyo, alam niyo 'yan! Lahat gagawin ko para sa kanya pero ang dali nalang niya akong paalisin. Kapag ayaw na niya, ganun ganun nalang 'yun? Papa, alam ko may iba pa siyang dahilan. Hindi niya sinasabi sakin." Dinig kong wika ni Razec.
BINABASA MO ANG
Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]
RomansDon't spend your life chasing or finding your happiness. Be your own happiness. -Maysel