Huminga ako ng malalim. Saglit akong tumigil sa harap ng bahay namin, sa bahay pala ni Razec. Simula ngayong araw wala na akong kabahagi sa kung anong meron si Razec kase break na kami. Nakipagbreak na ako sa kanya. Sa totoo lang, ayoko, ayokong makipagbreak sa kanya kase alam kong hindi ko kaya. Madali kong sinabi na break na kami pero alam kong ako din ang mahihirapan. Sa tatlong taon na pagsasama namin ni Razec, hindi 'yun biro, 'yung mga pangarap na binuo namin, 'yung mga memories namin habang magkasama kami, sa tatlong taon na 'yun masasabi kong naging matibay kami dahil lumaban kami, hindi lang siya kundi ako. Dalawang minuto palang ang nakakalipas bago ako makalabas ng bahay niya at sinasabi ng puso ko na bumalik ako sa bahay na iyon, yakapin si Razec at sabihin na hindi ko kaya pero matibay ang isip ko, desidido na ang isip ko na iwan siya dahil kami lang din ang magsasuffer sa kaligayahan na hindi totoo.
Pinunasan ko ang aking luha at tumalikod na mula sa bahay niya at tinahanak na ang daan papalayo sa kanya.
Kapag hinabol niya ako sa mga segundong ito, kapag hinawakan niya ang kamay ko at pinigilan niya ako mula sa aking paglalakad papalayo sa kanya, kapag niyakap niya ako mula sa likod, hindi ako magdadalawang isip na bumalik sa kanya. Pero malabong mangyari ang iniisip ko ngayon, pagod na din siya, ramdam ko 'yun kaya hindi na niya ako pipigilan na umalis.
Hindi ko lubos na maisip na break na nga talaga kami. Parang kahapon lang nag-aaway kami, kahapon lang okay kami pero ngayon break na kami. Break na ba talaga kami? Hindi magsink in sa utak ko na break na kami.
Napaupo ako sa kalsada at tiningnan ko ang daan galing sa bahay ni Razec. Wala akong nakikitang Razec na humahabol sa akin para pigilan ang pag-alis ko. Napabuntong hininga ako at tumingin sa langit na natatabunan ng mga malalaking puno. Napaub ub ako sa aking maleta habang bumabagsak ang aking luha sa semento.
Akala ko nung una kami na ang may perfect relationship. Malaya kaming nakakapagsama ni Razec, boto sa kanya ang mga magulang ko, 'yun nga lang hindi ko ramdam na boto sa akin ang pamilya niya, kanina pinaramdam nila sa akin na parang pinababayaan ko si Razec pero alam ko sa sarili ko na hindi naman pero kahit ganun, pinaglaban niya pa rin ako sa kanila kagaya dati, noong bumalik si Razec sa Japan sinabi sa akin ni Princess Anthea na patay na si Razec, 'yun pala inutos lang sa kanya ng pamilya ni Razec. Bumalik siya dito sa Pilipinas para sa akin, itinigil ng magulang niya ang pagsusustensyo sa kanya at nagtrabaho siya nang sa kanya para may makain kami. Siya na yata ang nakilala kong perfect guy na dapat mahalin pero di ko maipapagkailang minsan na niya akong niloko pero kahit ganun, pinatunayan naman niya sakin na ako lang ang mahal niya. Haaaays. Hindi ko na alam ang gagawin sa mga oras na ito. Ang bigat-bigat ng paa ko para lumakad papalayo sa kanya.
Kinapa-kapa ko ang pantalon ko at hinanap ang cellphone ko, naalala ko,tinapon niya nga pala 'yung cellphone ko kagabi. Pinilit ko ang sarili ko na tumayo kahit na parang buhat-buhat ko ang buong kalawakan.
May papadaan na taxi kaya doon ako sumakay. Pinunasan ko ang aking luha at parang mabubutas ang aking lalamunan sa kakatiis ng aking luha.
"Bakit po kayo umiiyak?" Tanong ng taxi driver.
"Nakipagbreak po kasi ako sa boyfriend ko." Sagot ko habang nakatingin sa labas ng bintana.
"Bakit ka umiiyak e ikaw naman pala ang nakipagbreak? Minsan talaga ang mga babae, kahit alam nilang hindi nila kaya, makikipagbreak pa rin sila. Masakit din para sa amin na lumayo ang minamahal namin." Sagot ng taxi driver at binuksan niya ang kanyang radyo.
"Makinig nalang tayo ng radio para maalis ang sakit sa puso mo." Sabi niya at natawa lang ako.
Di lang ikaw by Juris
Pansin mo ba ang pagbabago
Di matitigan ang iyong mga mata
Tila hindi na nananabik
Sa 'yong yakap at halikSana'y malaman mo
Hindi sinasadya
Kung ang nais ko ay maging malaya
BINABASA MO ANG
Saving my last Goodbye [SMTS Book 3]
RomanceDon't spend your life chasing or finding your happiness. Be your own happiness. -Maysel