"Nia!" Masayang bati sa akin ng ate ko.
Ngayon nasa airport kami kakarating lang namin galing america, dahil dun ako pinag aral ng dad ko. Since umuwi na kami, bagong school nanaman ang papasukan ko.
Bagong problema.
Sumakay kami sa loob ng kotse. "Dad pwede ba pumunta muna tayo sa mall?" Paalam ng ate ko.
Mall nanaman.
Tatanggi na sana ako kaso pumayag naman agad si dad, nainis ako at tumingin nalang sa bintana.
Siya ang ate ko si Krystal. Hindi katulad ng ibang magkakapatid diyan na mahal na mahal ang isa't isa pwes kabaliktaran iyon sa aming dalawa.
"Ano ba!" Bigla akong napasigaw nung kinuha yung salamin ko, nahilo tuloy ako at nanlabo ang paningin ko.
"Niana naman, try mo mag contact lense para hindi sagabal sa muka mo yung salamin mong pag sa laki." Inagaw ko sa kanya yung salamin ko.
"Ayoko. Nasanay na akong nakasalamin kaya wala pa ako sa mood mag contact lense. Saka hayaan mo na nerd naman ako diba. As in NERD." Diniinan ko yung salitang yun para damang dama niya. Iba kasi ako sa kanya.
Siya kasi pang model ang katawan ako pang statwa.
Huminto na kami sa parking lot at sabay sabay kaming pumasok sa loob.
Pumasok kami sa isang restaurant at pumila si ate para bumili ng kakainin naming tatlo habang kami ni dad naghanap ng upuan. Kakaunti lang ang tao kaya naka upo agad kami.
May nakita akong isang bookstore.
"Umm Dad pwede ba akong pumunta sa book store?" Nag puppy eyes ako sa kanya, hindi na kayo mag tataka kasi nerd naman ako diba kaya ang hilig ko sa mga libro.
Nginitian niya ako at tumango siya. "Sige. Basta babalik ka kaagad dito. Meron ka bang dalang pera?" He asked.
"Opo." Saka umalis na ako.
Daddy's girl kami ni ate krystal kaya ganyan kami ka close sa kanya. Halos hindi na nga kami mapaghiwalay.
Pumasok ako sa loob ng bookstore at nag hanap ng bagong babasahin.
Napahinto naman ako sa gulat. "Hindi ito place ng mga couple na pwedeng mag PDA." Akalain mo naman, nag hahalikan sa may sulok. Kakadiri lang.
Huminto rin sila sa halikan buti narinig nila ako. Yung lalaki naman itinulak yung babae at umalis yung babae sa harapan niya. Aba bastos lang?
Lumapit sa akin yung lalaki at ako naman napaurong ng konti. Sobrang lapit ng muka namin. Napalunok nalang ako sa gagawin niya masamang tao ito for sure. Halata naman sa pagmumukha niya e.
"Sa susunod wag na wag kang mangingielam. Baka ikaw naman ang sunod kong halikan." He smirk. Napaka misteryoso ng lalaking ito halos suot niya ay kulay black naka mask pa. Snatcher ba to? Umalis na siya sa harapan ko.
"Manyak ka." Mahina kong sabi.
Nagulat ako nung lumingon siya. Narinig ba niya ang sinabi ko?
Nataranta bigla ako, umiwas ako ng tingin sa kanya at naghanap ako ng libro na magagamit ko.
May kinuha akong isang libro. At pumunta na ako sa counter para magbayad.
"190 Pesos po Mam."
Tumango ako at kinuha ko yung wallet ko.
"Kulang ang dala kong pera. Pwede ko bang balikan? Malapit lang naman dito yung restaurant na kinakainan namin. Kukunin ko lang yung pera."
"Nako hindi po pwede mam, kung wala po kayong pangbayad wag niyo na po ito bilhin, maghanap nalang po kayo ng mas mura pa dito."
"Ako na magbabayad."
Napalingon ako, si mysterious guy. Bakit siya nandito at nangingielam.
"Bakit ikaw nagbayad? May pera naman ako?!" Nagtataka akong humarap sa kanya.
"Boyfriend mo ba siya nako nahiya ka pa magsabi na wala kang pera." Kilig na sabi nung kahera.
Nanlaki yung mata ko bigla. "Huh!? Hindi!"
Nag smirk lang yung lalaki.
"Your welcome." Bulong niya sa tenga ko, automatikong nag taasan ang balahibo ko.
Bwiset.