Chapter 23

1.8K 64 1
                                    

Krystal's P.O.V

"Dad paano ko i eexplain kay niana?"


Napabuntong hininga siya. "Anak alam kong maiintindihan niya na iyon. Kaya kung maaga pa sabihin mo na kaagad."



Wala akong nagawa kundi ang sumang-ayon kay dad. Ganito kasi iyon, saktong kakatapos lang namin mag usap ni niana saka dumating si dad and then, sinabi niya sa akin na pupunta kaming america. Its not what i mean na dun na kami titira at hindi babalik rito sa Pilipinas.




Hindi ko alam ang dahilan kung bakit binalak ni dad na pumunta dun sa America. Ang pagkaka-alam ko lang nandun sina grandma maybe bibisitahin namin siya or tungkol nanaman iyon sa business ni dad.




Ang masama pa nito ipapatigil na ni dad ang fake nilang marriage. Oo pinag usapan namin ito kahapon pa, hindi ko lang masabi kay niana. Sakto pang tumawag siya tungkol sa fieldtrip, kaya may chance ako na makausap siya.





Alam narin ito ng mga magulang ni dwayne. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nilang dalawa kapag nalaman nila ang tungkol dito.





Kumain na ako ng mabilis at pinuntahan si niana sa kanilang tinitirhan.



Bumusina muna ako bago bumaba ng kotse. Lumabas naman siya at may dalang ngiti sa kanyang muka. Ang saya niya ngayon kasi alam niya na pupunta ako dito, pero paano na kung malaman niya yung tungkol sa pag-alis namin. Im sure ika-lulungkot niya iyon, and alam ko rin na may feelings siya kay dwayne kaya mahirap na basta siyang iwan.



"Hi Ate!" Bungad niya sa akin.



Kumalma ako, at ngumiti sa kanya. "Hello, kamusta ka dito? Okay ka lang ba."




Nagtungo kami sa loob, and muka namang okay lang kasi malinis siya at tahimik. Maliban nalang dun sa isang aso, na paikot ikot sa akin.




Lumuhod naman ako atsaka kinuha siya. "May aso na pala kayo dito."




"Oo ate binili yan ni dwayne para alagaan naming dalawa, look ang laki laki na niya dati muka pa siyang baby nung binili siya ni dwayne. And take note its a girl."


"Whats her name?"


"Anica." Ngumiti siya



Binitawan ko naman siya at hinayaang maglaro kung saan saan, buti hindi siya tumatahol kapag may bisita.




Umupo kami sa sofa tapos siya nag lagay ng pagkain sa lamesa. "Kain ka muna ate."



"No thank you, busog pa ako." I refused. "Saka eto nga pala yung bayad mo para sa fieldtrip niyo." Iniabot ko sa kanya iyon.



She held her chin. Mukang nagiisip yata ito. "Ikaw nalang kaya ate ang pumirma nun since nandito ka naman eh."



I knodded. Umalis siya saglit sa harapan ko, naiwan akong mag-isa dito. Paano ko ba sasabihin ito.




"Oh, ate krystal nandito ka pala." Saktong dumating naman si dwayne. Alam niya kaya ang tungkol dun?




Nginitian ko siya. "Oo kasi iniabot ko yung bayad para sa fieldtrip and may kailangan rin akong sabihin na importante."





Kumunot naman ang kanyang mga noo. "Ah ano naman iyon?" Umupo naman siya sa sofa kasama ko.



"Hintayin muna natin si niana." Ano ba yan kinakabahan ako.



Nang maka baba na si niana, iniabot muna niya sa akin ang papel. At sinimulan ko iyong pirmahan.



"So... ano ang sasabihin mo ate krystal?" Sambit ni dwayne.




Kumunot ang noo ni niana. "May sasabihin ka pala ate krystal? Ano yon?"





Nilaro laro ko ang aking daliri sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung magagalit ba sila kapag sinabi ko iyon, or tatanggapin nila na may halong lungkot. Aish! Dapat kasi si dad nalang ang nag explain. Hindi ko tuloy alam kung paano ko sisimulan.




Huminga ako ng malalim. "Ano kasi pinapacancel na ni dad ang inyong Kasal, Kasi pupunta tayong America Niana."

Just A Nerd | IUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon