Chapter 17

2K 75 0
                                    

Nang magising ako sa sinag ng araw nakita ko sa aking tabi si dwayne na mahimbing matulog. Susko po naman nakakaiyamot na yang lalakeng yan talagang dun natulog sa kama ko. Iniwan ko nalang siya mag-isang natutulog. Bumaba naman ako para mag-almusal.


"Goodmorning po." Bati ko.


"Ay goodmorning rin po ma'am. Wala po ba kayong pasok ngayon?" Sabi ng Maid namin.



"Meron po. Bakit niyo po pala naitanong?"



Napakamot siya sa ulo. "Mukang tinanghali ka yata iha ng gising. Ilang minuto nalang malalate ka na at magsisimula na ang klase mo."



Nanlaki naman bigla ang mga mata ko. "What?! Yaya pwede po ba na sa school nalang po ako mag almusal? Pakain niyo nalang po yan kay anica or kainin niyo nalang po mukang dipa po kayo nag aalmusal. Sige po magbibihis na ako!" Iniwan ko muna si yaya dun sa kusina.




The fudge, nakalimutan kong mag-alarm kaya pala ako tinanghali ng gising.



Dumiretso na ako sa banyo at binilisan ang pagligo. Doon na ako sa loob ng banyo nagsuot. Alangan namang lalabas ako ng banyo tapos dun magbibihis eh tulog nga si dwayne.



Inayos ko na ang aking gamit at binitbit ang phone ko. Nag suklay ako ng maigi at nag light make up ulit ako.



Muka naman hindi ako zombie. Hehe.




Nang makababa na ako . Kaagad na akong nag paalam sa aming maid. At sumakay sa taxi. Wala akong pake kung malapit lang. Magmumuka daw akong losyang kapag haggard. Kaya hindi na ako tumakbo, at akoy nag taxi nalang.




Bumaba agad ako sa taxi at nagbayad.



Leshe ilang minuto nalang magsisimula na ang klase buti malapit lang ang classroom ko ngayong oras.



Pumasok na ako sa classroom, at mukang magsisimula pa lamang sila.




"Oh your on time. Please sit down." Sabi ng prof namin.



Nginitian ko nalang siya at umupo sa tabi ni ella.



"Are you a transferee?" Tanong ng prof.



Umiling lamang ako. "Si niana po ako."




Bakas sa kanyang muka na nagulat siya. "Ohh. You look gorgeous today. Hindi kita nakilala." Pagbibiro niya.



Natawa naman ako sa sinabi ni prof.



Maya maya pa nagsimula na ang klase ng bigla akong kulbitin ni ella.


"Hey bakit parang nalate ka ngayon? Dati maaga kang nadating ah." Bulong sa akin ni ella..



"Nakalimutan kong mag alarm. Atsaka may kailangan akong ikwento sayo mamaya." Ani ko. Ayaw kong makipag chismisan sa kanya ngayong klase baka masita nanaman kami.



After a long discussion



"Goodbye class." Paalam ng prof namin.




Pumunta kami ni ella sa library para tahimik kaming makapag-usap. Marami kasing mga epal sa canteen, saka malalakas ang pandinig kaya nagkakaroon agad ng kung ano anong issue sa mga naririnig dito sa school.



Umupo kami sa may isang sulok.



"Okay so ano ang ikwekwento mo?" Panimula niya.



Huminga ako ng malalim. "Si dwayne bumalik sa mansion, ang masama nito ay natulog siya sa kwarto ko. Ang malas diba? Nakakasura."





Hinampas niya ako at halata sa kanya na kinikilig siya. "Omaygad meron ka pang ikwekwento? Kaya siguro tinanghali ka ano?"




Tinaasan ko siya ng kilay. "Hays kapal naman ng muka nun. Saka napaka manyak mo. Alam mo bang humingi siya ng favor sa akin."



"Ano naman?"



I rolled my eyes. "Sinabi niya na kung pwede daw niya akong tulungan pagselosin si diana."



Kung kanina kinikilig siya ngayon naman, mukang tigre na mangangain ng buhay. "Buset na dwayne na yan. Talagang sa iyo pag humingi nang ganung klaseng favor."



Napa facepalm ako. "Oo alam ko, tss ano pa ba magagawa natin? Diba no choice na kasi naka oo na ako sa kanya. Gusto ko lang makita na masaya si dwayne sa kung anong meron siya ngayon."



Nang matapos kami mag-usap. Lumabas kaming dalawa at naabutan ko si dwayne na nag lalakad sa hallway.



"Hi babe." Bigla niya akong inakbayan.



Nagpumiglas ako. "Ano ba ang landi mo naman. Tss." Inis kong sabi.



"Hindi mo na ba tanda yung pinagusapan natin kagabi?"



Hays oo nga pala yung favor niya.



"Ehem mukang nilalanggam na ako. Kalma guys wala pa si diana oki? Kaya wag kayo mag acting agad." Singit naman ni ella.



"May laro kami ng basketball later in the afternoon. Kailangan nating mag act dun. Kailangan mo rin mag cheer sa akin." Matapos niyang sabihin yon. He pat my head saka umalis.




"Anong gagawin ko?"



"Edi gumawa ka sa isang cartolina nakalagay ay GO DWAYNE!'" Pahayag ni ella.



Napa 'ahh' naman ako.



"Well well well." Mataray na sabi ni diana.



Napalingon naman ako.




"Problem?" I ask first.




"Wala naman, balita ko lang na magkasama kayong dalawa ng boyfie ko?" Pagtataray niya.




"Okay and then?"



Itinaas niya ang kanyang kilay. "Wag kang feelingera porket magkasama na kayo. Magugustuhan ka na niya. Pwes hindi, kasi ang isang hampas lupang katulad mo ay hindi nababagay sa kanya. Akin lang siya niana."



Aakmang sasampalin ko na siya kaso pinigilan na ako ni ella. Bwisit yung bruhang iyon kung wala lang dito si ella baka kanina ko pa yata siya nasampal kaliwat kanan.



"Pwede ba diana lumayas ka nalang at wag mang gulo?" Inis na sabi ni ella.




Tinarayan niya lang si ella atsaka umalis.


"Nako masasapok ko iyon kapag pumatol pa." Sambit ko.




"Hayaan mo nalang siya, insecure lang yun sayo." -ella.



"Bahala siya. Samahan mo nalang ako gumawa ng banner, at tingnan natin ang magiging itsura niya kapag nakita iyon. Sobrang selos na selos iyon."

Just A Nerd | IUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon