Chapter 12

2.2K 89 0
                                    

"Sino naman ang magugustuhan ni panget?"


Nang marinig naming dalawa ni ella iyon, bigla akong napalingon at nakilala ko naman kaagad kung sino yung umimik. Si Dwayne.


"A-ah w-wala naman, aalis na ako." Nauutal kong sabi.


Itinaas ni ella ang kanyang kamay. "Nag-riring na pala ang bell. Bye." Bigla niya akong hinigit ng may bakas ng kahihiyan sa muka.

Nakatingin lamang si dwayne sa akin at mukang iniisip niya yung pinag sasabi namin kanina.


Saktong dumating yung professor namin, habang ako iniisip ko kung ano na ang nangyayari sa aking buhay. Ang daming mga tanong na pumapasok sa aking isip.


Nagising ako sa katotohanan nang kinulbit ako ni ella sa tagiliran. "Kanina ka pa tulala diyan may naiintindihan ka ba sa mga dinidiscuss sa atin ng prof?"

Umiling lamang ako. "Huh. Wala naman akong iniisip, makinig ka nga lang." Itinuon ko muli ang pansin sa pakikinig.

Ngumiti naman siya ng nakaka-asar. "Aba mukang kilala ko na iyang iniisip mo. Sige tatahimik na ako baka maistorbo kita kakaisip sa kanya."


Hinampas ko mahina siya sa balikat. Bigla tuloy lumingon ang aming professor, at saglit niyang itinigil ang pagtuturo. Napapunta tuloy ang atensyon sa aming dalawa.


"Is there something wrong?" Seryoso niyang sabi.


Siniko ako ni ella ng patago, alam kong sinesenyasan niya ako.


"Hay nako ngayon lang ako nakakita ng nerd na nag-iingay. Kala mo naman maganda kung makapag ingay." Mataray na sabi nung ka-klase kong babae. Nagsimulang magtawanan ang buong klase.

Inayos ko ang aking salamin, at hindi siya pinansin. Baka mag karoon nanaman ng malaking gulo.


"Eww so cheap." Dugtong pa niya.


Bago pa man kaming dalawa masermonan kasama na yung babae na nang lait sa akin ng wagas. Saktong nag ring na ang bell. Kaya umalis naman kami kaagad. Nagtungo kami sa locker at nag ayos ng gamit.


May swimming lesson nga pala kami mamaya.

Pumunta muna kami sa cafeteria at bumili ng aming makakain.


"Excited na ako mamaya, marami akong makikita na pang-ulam. Mabubusog tuloy ako." Kilig na kilig na sabi ni ella sa akin.

Kumunot naman ang noo ko. "Ano bang pang-ulam ang pinagsasabi mo?"


Ngumiti siya ng malapad.

"Siyempre abs."


Itinaas ko ang aking kilay. Napaka luka niya talaga. Ipinagpatuloy ko nalang ang aking pagkain.


Matapos naming ubusin ang pagkain kinuha namin ang aming damit pang swimming.


Pumito ang coach namin, tinanggal ko ang aking salamin. At pansamantala ko munang nilagay ang aking goggles sa ibabaw ng ulo ko. Kami muna ang unang pinapasok sa pool area.



"Niana mas maganda ka kapag walang salamin, sa susunod sasamahan kitang mag-make over kapag weekends."


Aangal sana ako sa sinabi niya kaso tinakpan agad iyon ng malalakas na tili nung mga babae isa na dun si ella, na feel ko tuloy ako ang awkwardness ng malaman kong ako lang ang nakatulala at hindi umiirit. Paano naman kasi mga naka shirtless lang yung mga boys. Napaiwas tuloy ako ng tingin kay dwayne. Hay bwisit.


"Okay guys pagkatapos natin mag training kapag may free time pwede kayo mag swimming kung gusto niyo." Sabi ng coach namin.


Naghiyawan ulit sila at nagsimula na kaming mag training, matapos ang ilang oras, may natirang free time at nagswimming yung mga ka-klase ko si ella pinatawag ng adviser namin. Kaya nauna na agad umalis.


Nakaupo lang ako sa gilid, medyo napagod ako kaya nag pahinga nalang ako.



Pagkatapos non, nag simula na kaming mag sialisan. Nagulat ako nang madulas ako sa pool hindi ako makahinga ng maayos.


Naaninag ko ang muka ni dwayne, binuhat niya ako at nagkatitigan kami saglit. Para tuloy tumigil ang mundo. Hindi ko ma explain kung bakit.


Kumibo ako. "Umm." Umiwas ako ng tingin.



Kitang kong nagulat rin siya at umahon na kami, napaubo ako dahil sa nainom kong tubig.



Nagulat ako ng kusa niyang nilagay sa aking katawan yung tuwalya. "Magbihis ka na panget, magkakasakit ka pa niyan. Lalo ka tuloy papanget." Tuluyan na siyang umalis at iniwan akong nakatulala.





"Ano ba ang nakain ni dwayne at nag kakaganyan siya ngayon?"

Just A Nerd | IUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon