Chapter 13

2.2K 86 1
                                    

Weekend na ngayon kaya naisipan ko nalang tumawag kay ate krystal.

"Hii ate krystal! Kamusta ang lovelife mo este ang life mo diyan?"


Tumawa naman siya. "Okay lang naman ako dapat nga ikaw ang tanungin ko diyan."


Nag iba ang aura ng muka ko. "Ok lang."


Nagtaka naman siya. "Asus bakit? Na fafall ka na ba sa kanya?"



Umiling naman ako kaagad. "What? Hindi! Asa siyang magustuhan ko siya. May rules kami, isa na doon bawal kaming mag kagusto sa isa't-isa."



"Hindi naman porket may rules hindi mo na pwedeng gawin ang bawal. May chance rin na magustuhan mo siya. Lalo na kung palagi kayong magkasama."



Napaisip naman ako. "Hays basta ayaw ko sa kanya, lalo na sa kanyang ugali napakasama."



Nagkibit balikat nalang siya. "Sabagay. Di-bale ikaw ang bahala diyan sa mga desisyon mo. I need to go na, may inuutos sa akin si dad."



Pinatay ko na ang aking cellphone. Lumabas ako ng kwarto nang makaramdam ako ng gutom. Hays ano kaya ang makain?



Napahinto naman ako sa pag-lalakad. "Kanina ka pa ba diyan dwayne?"


Umiling lamang siya. "Mag-bihis ka na may pupuntahan tayong dalawa."



Pasaan naman kaming dalawa? Bumalik na ako sa kwarto at nagsuot ng simpleng damit.


Lumabas ulit ako at pinuntahan si dwayne. Nang makita niya ako tumayo na siya sa kanyang inuupuan.



"Lets go." Sabi niya, habang nilalaro yung susi papalabas ng bahay.



Sumakay na kaagad ako sa loob. Nagtataka siyang tumingin sa akin. "Gagawin mo nanaman akong driver?"




Inirapan ko nalang siya, saka lumipat sa tabi niya.



"Kahit ano pa ang isuot mo muka ka paring manang." Pang aasar niya.



"Pinalipat mo lang ba ako dito para asarin ako?" Inis kong sabi. Tinawanan niya lang ako, kaya natulog muna ako habang nasa byahe kami.




"Nandito na tayo."


Nagising ako, at napa atras kaagad ang aking muka ng makita ko siya. Paano ba naman kasi sobrang lapit na ng muka namin.




"A-ahh Tara." Inayos ko na ang aking sarili, saka lumabas sa kotse.

Nang makapasok kaming dalawa. Napangiti kaagad ako ng bigla akong sinalubong ng mga cute na aso at pusa.



"Sumunod ka sa akin." Utos niya.

Habang nasa counter kami, nagpabili ako sa kanya ng chocolate cake at frappe hindi ko maalis ang aking tigin sa mga aso na dumadaan sa paligid. Nakaka-aliw.



Umupo kaming dalawa. "Pwede ko rin bang pakainin sila?" Turo ko sa mga aso.

Tumango siya. "Yep." Ipinagpatuloy niya ang pag inom ng kanyang frappe.

Habang ako naman nag tira ako ng pagkain para sa mga aso. Pinakain ko naman sila isa-isa.

"Lets go." Tumayo siya kaagad.


"Wait lang. Pwede 5 minutes pa?" Nag-pout ako sa kanya habang hawak hawak yung aso.


"Kanina mo pa sinasabi yan. Tara na." Hinila niya ako papalabas ng cafe, padabog akong sumakay sa kotse. Pero hindi pa siya sumakay at bumalik ulit sa cafe. Susunod sana ako kaso nakalock.

"Pasaan ka!?" Sigaw ko nang mabuksan ko ang bintana.


"Nakalimutan ko ang aking wallet sa loob, diyan ka lang baka makipag laro ka nanaman sa mga aso dito."


Inis na inis akong sumandal sa kotse at hinintay siya.
Maya-maya pumasok siya sa loob ng kotse at napairit ako ng makita kong may hawak siyang asong shitzu!

Kinuha ko kaagad iyon. "Wow para sakin ba to?"

"Hindi naman yan para sa iyo. Akin yan."


Nag pout naman ako at inis kong binalik sa kanya yung aso. "Oh ayan sak sak mo sa baga mo."


Tumawa naman siya. "Im just kidding, sa ating dalawa yan. Hindi lang yan para sayo. Para din yan sa akin, parehas nating aalagaan yan."



"Waaah!! Ano bang magandang pangalan? Babae siya?"


"Oo babae siya since wala akong maisip na pangalan. Pinagdugtong ko yung name nating dalawa, so anica yung pangalan niya."

Napa ahh nalang ako sa sinabi niya, psh madami namang magagandang pangalan yun pa ang naisip.

"Ang cute niya! Thank u talaga, matagal ko nang gusto mag ka aso." Sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang kusa kong nayakap si dwayne.

"Para-paraan ka mayakap lamang ako, pwede mo namang sabihin eh." He smirk.



Hinampas ko siya sa balikat. "Ang hangin mo talaga."


Tinawanan niya lang ako at umalis na kami.

Just A Nerd | IUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon