After 2 weeks
Niana's P.O.V
Maraming nangyari sa akin, akala ko katapusan ko na naman. Akala ko yun nalang yung huli kong ngiti, tawa, lungkot at galaw
Flashback
Ella's P.O.V
"Niana!" Sigaw ko nung makita kong linya nalang yung nasa monitor.
Heto na ba ang huli?
"NIANA WAG KANG BIBITAW SA KAMAY KO!" Wika ni dwayne, bakas sa kanyang mga muka ang pag-aalala. Naawa ako sa kanilang dalawa.
Maraming mga pagsubok ang dumaan, akala ko magpapatuloy ang kanilang love story pero paano? Lagi nalang may sumisira sa pagitan nilang dalawa palagi nalang may nangyayaring masama.
Yumuko si dwayne at niyakap ng mahigpit si niana. "Wag mo akong iiwan, sige ka mang chi-chix ako! Kaya please gumising ka na! May pangako pa ako sa'yo na ihaharap kita sa altar at sa mata ng diyos."
Hindi ko ba alam kung nagpapatawa si dwayne o hindi. Nagmumuka tuloy akong baliw. Natawa habang naluluha ang mga mata.
Biglang may nagbukas ng pinto.
"N-niana!" Tumakbo ang ama ni niana papunta sa kanya, si ate krystal naman natulala at hindi alam ang gagawin. Tapos yung mom niya nagulat din sa nangyari.
"Anong ginawa mo sa anak ko!" Biglang kinewelyuhan niya si dwayne, pero si dwayne walang ginawa. Nakayuko lang siya.
"Dad! Hindi niya kasalanan!" Sabi ni ate krystal.
Lumapit naman yung mom ni niana sa kanya.
"Hindi niya kasalanan." Pigil nito sa ama ni niana.
Nagulat ako kasi nagtatagalog pala siya. Aish!
Huminga siya ng malalim.
Kumalas siya.
"Im sorry." Sambit niya.
Ang gulo.
"Ako po ang doctor niya, pero pasensya na kasi hindi na siya maliligtas pang mula. Sobrang lala na ng kanyang sakit." Doctor.
Napasapo naman ako sa aking noo.
Umiyak si ate krystal. Kaya napatingin ako kay dwayne na sobrang tahimik. I know deep inside sobrang galit na galit si dwayne, alam ko ring hindi niya hahayaan na mawala si niana.
Malakas ang loob ko na babalik siya.
"Niana, kilala kita. Lalaban ka kahit papaano." Sabi ko, saka lumapit sa kanya. Hindi ko na kaya nanghihina ako. "Mag papahangin lang po ako sa labas."
"T-teka! Nagkaroon ng heartbeat si niana! Tawagan mo ang doctor!" Sigaw ni ate krystal.
Halos tumalon na ako sa sobrang saya. Kilalang kilala ko talaga si niana.
"Ako nalang." Sabi ni dwayne, saka kumaripas ang takbo. Grabe ilang segundo lang wala na siya sa harapan ko. Hays! Basta para kay niana.
Pumasok ako sa kwarto, napangiti naman ako.
"Anak!" Masayang sigaw ng dad ni niana.
Pumasok naman kaagad ang doctor at chineck ang kanyang pulso.
Lumingon siya at hinarap kaming lahat. "Mukang malakas ang anak niyo sir. She's now alive." Lumabas na rin ang doctor kaya nagpasalamat kami sa kanya.
"Sabi ko na nga ba eh, hindi mo ako hahayaan na iwan ako. Gusto mo bang magpakasal na tayo?" Nakangiting wika ni dwayne.
Unting unti minulat ni niana ang kanyang mga mata, alam kong kahit wala siyang malay naririnig niya kami at sigurado ako don.
Dahan dahan siya tumango. "I- i love you." Sabi ni niana.
"Ugh." I said. Hinalikan kasi ni dwayne si niana, natawa nalang sina ate krystal.
End of Flashback
"Mam eto po yung mga place na pwede sa kasal niyo." Sabi nung babae.
"Panget, maganda dito sa beach." Sabi ni dwayne.
Kahit kailan tinatawag niya parin akong pangit.
"Ikaw bahala, kung saan mo gusto basta kasama kita." Natatawa kong sabi. Nahiya naman ako dun sa babae pagkatapos ko iyong sabihin.
"Ikaw talaga bumabanat na, sige miss eto nalang. Gusto ko mas maganda pa diyan dapat." Sambit ni dwayne.
Tumango naman yung babae. "Maasahan niyo po yan sir. Sige po mauuna na po ako." Paalam nito.
"Oh ano? Pagplanuhan naman natin ang honeymoon?" Biro nito.
Hinampas ko naman siya sa balikat. "Ugh! Pwede ba! Hindi kita iluluto ng favorite mong pancake eh!" Sabi ko.
*pout* "Joke lang. Sorrryyy!" Pinisil pisil niya pisngi ko.
"We're home!" Sabi ni mom.
Nagkaayos na kaming lahat at sobrang saya ko don.
I kiss her cheeks pati narin si ate krystal at dad. "Anong ulam?" Tanong ko.
Tumawa naman si dwayne. "Hello po, ako nalang po magluluto para sa asawa ko hehe. T-tita ay Mom po pala. Pwede pong turuan niyo ako? Now na?"
Natawa naman kaming lahat. "Sure! Sumunod ka sa akin sa kusina." Sabi ni mom, medyo fluent na siya magtagalog.
"Ikaw dad? Gusto mo bang samahan ka namin ni ate manuod ulit ng movie?" Sabi ko.
"Oo naman! Namiss ko yan gawin eh." Inakbayan kaming dalawa ni dad. Pumunta kami sa living room saka nanunod.
"Nga pala, ayos na ba yung sa kasal niyo?" Tanong ni ate krystal.
"Yes po." Sabi ko habang nakangiti.
"Im so happy for you. I love you lil sister!" She hugged me.