Chapter 9

2.2K 85 1
                                    

"WAAAAH! Wag kang lalapit sa akin!" Sigaw ni dwayne sa isang zombie na lumalapit sa kanya.



Ako? Imbes na matakot ay tumawa lamang ng tumawa dahil sa kanya. Hindi ko ma explain kanyang itsura sa sobrang takot niya. Hindi daw siya takot psh. Mayabang.



Hinila ko nalang si dwayne habang nag lalakad kami, sunod sunod ang pag labas ng mga multo, killer clowns at iba pa. Habang siya panay tago sa likod ko at muntikan na akong matumba kakahila niya ng uniform ko.



Lumingon ako sa kanya. "Hoy! Ano ba mahirap mag plantsa ng uniform noh!"


"Tss! Bakit pa kasi pumasok pa tayo dito!" Inis niyang sabi.



Tinawanan ko nalang siya tapos dirediretso ang paglalakad ko, minsan magugulat ako minsan hindi.



May sumulpot nanamang isang zombie. At hinawakan ang aking balikat, siyempre nagulat ako kasi parang itutulak niya ako sa pagkahigpit ng kanyang hawak.



Biglang inalis ni dwayne yung kamay nung zombie sa aking balikat. Nagtaka naman ako.


"Thats my wife! So dont touch her!" Sigaw niya saka hinila ako papalabas na ng booth.



Pagkalabas namin umupo muna kami saglit. Sumunod sina ella.



"Grabe hindi ko kinaya." Hingal na hingal na sabi ni ella saka umupo sa tabi ko.




Huminga siya ng malalim. "Niana, kita kits tayo mamaya. May kailangan lang akong asikasuhin." Ngitian ko nalang siya.



Naalala ko yung sinabi ni dwayne kanina dun sa zombie. "Dwayne ano yung sinabi mo dun sa zombie, hindi ko masyado naintindihan." Err.



Umiling lang siya. "Wala sabi ko kamuka mo yung zombie."


Tuluyan na siyang umalis sa harapan ko. Nakakabwisit na talaga yung lalaking iyon.



Napagpasyahan ko muna kumain dahil gutom na gutom na talaga ako. Dumiretso ako sa canteen, at umorder ng isang French fries at burger saka juice.



Umupo ako at kumain na ng kumain.




Nakita ko na dumating si ella. At lumapit siya sa akin.




Nagtaka naman ako. "Paano mo naman nalaman na nandito ako?"



"Wala lang. Hindi kasi kita nakita sa classroom, library or sa labas ng booth. Kaya naisipan ko na dito kita puntahan."



Tumango nalang ako sa kanya.



"Matakaw ka pala." Natatawa niyang sabi.



"Hindi naman, gutom lang talaga ako." Iiling iling kong sabi sa kanya.




Tumawa naman siya saglit. "Sabay na tayong umuwi later!"



"Sige. Magkalapit lang tayo ng bahay diba?" Sabi ko sa kanya. Binigyan ko naman siya ng fries at kinain niya.



"Yep. Balita ko magkasama kayo ni dwayne sa iisang bahay?"



What? Paano naman niya nalaman.



"Huh. Paano mo nalaman?" Nagtataka akong humarap sa kanya.


"Nakita ko kasi kayong dalawa sa may bintana na nag babangayan kanina lang."




Napaikot nalang ang aking dalawang mata. "Tss, sanay nanaman akong laging ganun ang ginagawa namin. Hindi kami magkasundo palagi."




"Kayo na ba?" Sakrastik niyang tanong.




"Hindi. Magiging asawa na niya ako." Plain kong sabi.


Nanlaki naman ang kanyang mga mata. "What! Kailan pa? Nagpakasal na ba kayo? Buntis ka na ba?"


Huminga ako ng malalim. "Kumalma ka nga, finix marriage lang kami okay? Saka hindi pa kami kasal, at lalo na hindi ako buntis."



"Ahh so soon ba? Bridesmaid mo ako ha! Ready ako diyan!"


Hinampas ko siya sa kamay ng mahina. "Ano ba, mag hihiwalay naman kami pagkatapos ng kasal. Para lang yun sa kompanya ni dad."



"Weh? Asus alam mo ba yung mga ganyan pwede rin magkatuluyan hanggang sa huli? Kasi madali kang ma fafall kung lagi kayong magkalapit sa isa't-isa."



Napaisip ako. "Hays. Hindi yun mangyayari. Never ko yun magugustuhan. Ugali nga niya ayaw ko na. Pagdating pa kaya ng araw na mag asawa na kami? Mas lalong ayaw ko." Seryoso kong sabi. Kahit parang napaisip ko na may mali sa sinabi ko. Hays naguguluhan na ako.



"Bahala ka niana. Basta tandaan mo ang sinabi ko." Nakangiti niyang sabi.



Since hapon na, napagpasyahan namin dalawa na umuwi na. And kailangan ko ring mag madali dahil tuturuan ko pa si Dwayne. Bakit pa kasi ako ang pinili niyang tutor.

Just A Nerd | IUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon