Krystal's P.O.V
Nakaupo kaming lahat, habang tahimik na nag-uusap.
"Ano daw ang sabi ng doctor?" Mangiyak ngiyak na sabi ni dad. Kanina pa siya hindi mapakali, kanina pa siya paikot ikot hindi niya alam ng kanyang gagawin.
"Selective amnesia ang tawag po sa sakit ni Niana." Malungkot na tugon ni ella.
Bigla namang sinuntok ni dad yung pader. Kaagad ako napatayo at pinigilan siya. "Dad please." Malumanay kong sabi.
Saglit siyang tumingin sa akin at bumitaw. Naglakad siya papunta kay niana at lumuhod habang hawak hawak ang kamay niya.
"Niana anak im very sorry." Dun na napaiyak si dad ng todo. Sobra siyang naguilty, alam kong wala siyang kasalanan.
"Pahinga ka muna dad." Nilapitan ko siya, at pinahiga sa isang sofa. Si Mom danica naman bumili ng makakain namin. Mabait naman siya.
Hinintay ko munang makatulog si dad bago kami mag-usap ulit ni ella.
"Ate krystal alam niyo po ba yung tungkol kay dwayne at kay niana?" Sabi niya.
Umiling lang ako. "Meron bang namamagitan sa kanila?"
Tumango siya. "Opo."
Nagulat naman ako, may relasyon pala sila ni dwayne hindi ko man lang alam. Siguro tuma-timing pa siya kung kailan niya balak sabihin sa amin ni dad. I know naman na matatanggap ni dad si dwayne kasi alam niyang kaya ni dwayne buhayin si niana.
"Alam niya na ba ang tungkol dito? Na nasa hospital siya ngayon?"
"Hindi pa po. Hindi ko rin po alam kung kailan ko po pwede sabihin. Alam kong malulungkot siya at mag-aalala. Paniguradong hindi nanaman siya makaka focus sa school kakaisip kay niana."
Huminga ako ng malalim. "Hay, kailangan niyang malaman ito."
"Sigurado po ba kayo?"
"Oo. Tawagan mo nalang siya." Sabi ko.
"Sige po kakausapin ko lang po siya sa labas." Lumabas siya.
Nakita ko namang may isang teddy bear na nakalagay sa tabi ni niana. Nilapitan ko iyon at tiningnan. "Ganto yung mga gustong teddy bear ni niana eh." Kausap ko sa sarili ko.
Napalingon naman ako ng pumasok si ella, bakas sa kanyang muka ang lungkot. "Anong sabi niya?"
"Wala po, gusto daw niyang makausap si niana kahit wala po siyang malay" Lumapit si ella kay niana.
Narinig kong umiiyak si dwayne. "My Queen, wag ka munang aalis papakasalan pa kita. Tandaan mo mahal na mahal kita, ikaw ang magiging nanay ng mga magiging anak ko. Kaya wag kang susuko, gumising ka na kaagad para makapunta ka na dito ulit sa Pinas. I miss you so much." Ani ni dwayne.
Napayuko nalang ako habang naririnig ko yung mga sinasabi ni dwayne sa kanya.
Inalis ni ella yung cellphone sa tapat ng tenga ni niana, at kinausap si dwayne. Maya maya pa pinatay na niya iyon at muling humarap kay niana.
"Sis heto na yung teddy bear mo oh. Eto yung pinabili mo sa akin diba? Kaya gumising ka na diyan para makita mo na yung teddy bear."
Bakit sobrang malas ng araw na ito?