"Hala di nga!?" Tanong ni ella.
Sa kasalukuyan nandito na kami sa airport nasa may waiting area kami. Kasama ni ella yung kanyang mga kapatid siya pala yung bunso.
Ilang minuto nalang aalis na kami. "Oo nga ang kulit."
Sinabi ko sa kanya yung tungkol sa nangyari kahapon. Ewan ko pero grabe ang kilig ko habang kinekwento yun sa kanya.
"Yieee! Sabi ko sa'yo kayo rin ang magkakatuluyan. Pero paano naman si diana?" Tanong niya.
Nagkibit balikat ako. "Alam mo namang playboy si dwayne, saka ginamit niya lang daw si diana para kalimutan ako."
Tinusok niya ako sa tagiliran. "Alam kong hinding hindi ka niya paglalaruan."
"Ewan ko sa'yo hahahaha. Kamusta kayo ni tyron?" Pang-aasar ko, kita ko namang umiwas siya ng tingin.
"Ano? Nanliligaw na ba siya sayo?" Dagdag ko.
"Hindi grabe naman ito, hindi ko siya type." Inirapan niya ako.
"Anong hindi type ka diyan? Hoy gwapo yun at mabait, sa tingin ko may abs yon. Oh diba full package ka na sa kanya." Pagbibiro ko.
"Baliw ka talaga." Tumawa kaming dalawa.
"Guys aalis na tayo." Sabi ni Dad.
Tumayo na kaagad kami at umalis.
—
Mahimbing na natutulog ang dalawang magkaibigan. Lumapit naman ang ama ni niana.
"Nandito na tayo sa america. Ihanda niyo na ang inyong mga gamit, malapit na tayo bumaba." Sabi nito.
Nagising naman ang dalawa, inayos nila ang kanilang sarili. Excited na sila na bumaba, bakas sa kanilang nga muka ang saya.
Ella
Nandito na kami sa America! Wohoo!
Medyo magkalayo nga pala yung bahay na tinitirhan namin ni niana.Pinuntahan ko si niana sa kanila pagkatapos kong mag-imis ng gamit ko sa aming bagong tirahan. Mag Ma-mall kaming dalawa.
"Tara na?" Sabi ko.
Tumango lang siya. "Yas! Lets go! Buti nalang nakatapos kaagad ako ng pag-iimis. Baka mainip ka mabagal kasi ako kumilos."
Tumawa naman ako. "Ako din naman niana, chamba ko lang talaga mapabilis ang pagkilos ko."
Sumakay kami sa taxi papunta sa mall.
—
MALL
Niana
Nakakita ako ng isang cute na teddy bear huhu kaiyak. "Ella ibili mo naman ako nito!" Turo ko.
"Aba wala akong perang dala."
"Please!" Sabi ko.
Napabuntong hininga siya. "Buti medyo mura itong teddy bear, sige ibibili na nga kita! Pero may kapalit, bibili mo ako ng pagkain!"
Napangiti naman ako. "Sige sige!" Kinuha ko yung cellphone ko ng bigla itong tumunog.
Dad : Anak umuwi ka muna, may kailangan akong ipakilala sa'yo.
Nagtaka naman ako ng mabasa ko iyon. Huh sino naman ang ipapakilala niya?
"Ella i need to go. Kailangan ako ni dad now na eh, basta ibili mo ako niyan ha! Mamaya kita ililibre." Kumaripas na ako ng takbo at umalis na.
—
Hingal na hingal akong nakatayo sa harap ng bahay namin.
Pumasok ako sa loob.
"Grandma!" Tumakbo ako at niyakap siya ng mahigpit.
Narinig ko namang tumawa siya. "Apo i miss you so much."
Napangiti ako. "I miss you too grandma." Pagkatapos nun humarap naman ako kay dad.
"Dad eto ba ang papakilala mo sa akin? Eh hindi ko naman po siya nakalimutan eh." Sabi ko.
Umiling siya. "Nope hindi siya ang papakilala ko." Tumingin siya sa likod ko.
Napataas naman ang kilay ko, Lumingon ako at may isang babae na nakatayo at nakangiti sa akin.
"Who is she?" Tanong ko.
Tita ko ba siya o ninang? Bakit parang hindi ko siya kilalang-kilala.
"Niana, Pangalawang asawa ni dad." Seryosong sabi ni Ate krystal.
No way. Hindi pwede. Ayaw kong mapaltan si mom!
"Seriously dad kaya mo ba kami dinala dito para lang diyan sa asawa mo?"
Isang sampal ang dumapo sa pisngi ko. "Niana Shut up! Respect naman!"
Tumulo yung luha ko. "Ganyan naman kayo palagi. Gusto niyo kayo palagi ang nasusunod. Oo kahit na sobrang close na po natin sa isat isa, yung tipong daddy's girl. Pero feel ko parang wala na 'yon. Dad ganon nalang ba kadali mag move on at palitan nalang basta basta si mom?" Nakaramdam ako ng inis.