Chapter 11

2.3K 81 0
                                    

Niana

Habang kumakain ako mag-isa, hindi ko parin maalis sa aking isip yung nangyari kagabi. Nakakainis lang masyado na sweet siya masyado. O sinasadya nalang na paasahin ako at saktan. Psh! Bakit kasi hindi ko kaagad naisip na Ganun ang ugali niya lalo na at playboy pa siya.

Hindi na ako magpapaligoy pa. Kailangan kong itigil ang nararamdaman ko sa kanya. Isa pa nerd ako at mag kaiba ang level naming dalawa. Imposibleng maging kami.

Muntikan na akong mabulunan ng nakita ko si dwayne na papunta dito sa kusina binilisan ko ang pagkain at tinapos ko iyon kaagad.

Dali-dali akong umalis, lalo tuloy akong namula nung mag sagi ang kamay naming dalawa habang tumatakbo ako. Niana naman pigilan mo ang sarili mo!

Kumaripas ako ng takbo sa kwarto, at napagpasyahan kong mag bihis na ng uniform. Wala akong pakielam kung maaga akong makarating dun, ayaw ko lang muna makita ngayon si dwayne.

Sinuot ko na ang salamin ko, saka binitbit ang aking bag. Dire-diretso lamang akong bumaba sa hagdan saka lumabas ng mansion.

"Ella!" Sigaw ko ng makalabas ako ng gate. Nakita ko siyang kalalabas lang rin ng kanilang bahay.


Naglakad ako papunta sa kanya. "Buti naman at na chambahan kitang papunta sa school." Sambit ko.

"Sabay na tayong pumunta sa school." Naglakad kaming dalawa, well malapit lapit lang naman dito yung school namin kaya, napagpasyahan nalang naming maglakad.

"Kamusta kayo ni dwayne?" Tanong niya.


Napa buntong hininga ako. "Bigyan mo naman ako ng signs kapag nagkakagusto na ako sa isang tao."


Napahinto siya sa paglalakad at hinawakan niya ang kamay ko. "Niana! Nagkakagusto ka na ba kay dwayne?!" Kinikilig niyang sabi sa akin.


Inirapan ko siya at inayos ang salamin ko. "Hindi! Ano ka ba naman. Asa namang magkagusto ako aa unggoy na yun. Palagi nalang akong inapi."


Ngumisi siya at may kinuhang papel sa kanyang bag. Nakita ko namang may sinusulat siya. "Ayan, tignan mo yan. Check mo kapag naramdaman mo na yan sa isang tao. Kapag na checkan mo na yan lahat. Meaning ay may gusto ka na sa isang tao."

Hindi ko namalayan na nandito na pala kami sa school. Itinago ko muna yung papel, saka kami dumiretso sa classroom. Wala pang klase kaya pumunta kaming dalawa sa fountain at dun tumambay sandali.


Kinulbit niya ako. "Basahin mo na! Kapag may nakita ka diyan sa mga signs ko na naramdaman mo na, sabihin mo sa akin ha!" Nakangiti niyang sabi. Nakoo mukang mas excited pa siya keysa sa akin.

Napailing nalang ako saka kinuha yung papel at binasa muli.

— Kinikilig ka kapag nakikita mo siya.
— Hindi mo ma explain ang nararamdaman mo kapag nakikita mo siya.
— Namumula ka kapag inaasar ka niya o nilalambing.
— Napapangiti ka kapag masaya siya.
— Natatawa ka sa mga simpleng jokes niya.
— Parang nalilimutan mo na ang sarili mo kapag, kinakausap mo siya.

Napalunok naman ako habang binabasa ko ito.

Tumingin siya ulit sa akin. "Ano? May naramdaman ka na ba diyan sa mga signs na yan?"

"Hindi ako sure?"

"Nako sis! Kahit isa palang ang nararamdaman mo diyan sa mga signs na yan! Posibleng may gusto ka na talaga sa kanya."



"Sino naman ang magugustuhan ni panget?"

Just A Nerd | IUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon