"Dad why?!" Inis kong tanong kay dad. Pina arranged marriage lang naman kasi ako sa asungot na iyon.
"Para ito sa company natin. Hayaan mo mag hihiwalay rin naman kayo eh." Malumanay niyang sagot sa akin
"Hindi naman ganon kadali maghiwalay."
"Anak please understand. Ginagawa ko ito para sa inyo." Saglit siyang tumingin sa akin.
Napahinga ako ng malalim. "Okay fine. Gagawin ko ang gusto niyo."
He pat my head. "Thank u anak." He smiled. Nginitian ko naman siya pabalik. Gagawin ko na ang gusto ni dad dahil alam ko namang ito nalang ang pwede magpasaya kay dad.
Umakyat na ako sa aking kwarto at inimis ko ang aking mga gamit.
"Ate nasaan ang ipad!?" Sigaw ko sa kanya. Ganyan naman kami palagi kapag tinatamad lumabas ng kwarto. Sumisigaw nalang.
"Wait lang! Naka charge pa ehh. Gagamitin mo nga pala ito bukas." Sabi niya mula sa labas.
Nagpalit na kaagad ako ng damit.
Tinanggal ko na ang contact lense at isinuot ko ang aking salamin. Sakto namang pumasok si ate.
"Hays kahit kailan ka talaga niana. Taste mo talaga ang magsuot ng ganyan." Saka umalis na siya sa labas ng kwarto ko pagkatapos niyang abutin yung ipad.
Shinutdown ko nalang muna iyon para hindi kaagad malowbat. Nilagay ko naman iyon sa aking bag.
—
Kinusot kusot ko ang aking mga mata habang nakatingin sa salamin. Ang aga ko namang nagising naunahan ko pa yata ang alarm clock mang gising. Uminat inat muna ako bago dumiretso sa banyo upang mag hilamos.
Tumungo na ako sa kusina para kumain ng almusal. Naabutan ko nalang duon si ate na nagluluto kasama ang mga maid namin. Napalingon naman siya. "Goodmorning nia."
Nginitian ko siya. "Goodmorning." Umupo na ako sa harap ng lamesa.
Inilapag naman niya yung mga niluto nilang pagkain. "Kain ka na. May pasok ka pa mamaya."
Habang kumakain ako naalala ko nanaman si dwayne. Imbes na maging maganda ang araw ko ngayon binibwisit niya lang talaga everytime na naalala ko siya.
Nagtaka namang humarap sa akin si ate. "Oh mukang na badtrip ka? Kakanina lamang ay ang laki ng ngiti mo, tapos ngayon nakabusangot ka. Tss may period ka yata." Sabi niya habang sabay kaming kumakain.
Napailing ako. "Naalala ko kasi si dwayne, nakakainis."
"Yieee! Alam mo ba minsan yung palaging mong kaaway, yun pa makakatuluyan mo?" Nakangiting sabi niya.
Nanlaki naman ang mga mata ko. "Wala sa vocabulary ko ang pag kakaroon ng boyfriend."
Nainis naman siya. "Palibahasa kasi nerd ka, kayong mga nerds may sariling mundo."
Tumingin ako sa kanya. "Alam ko, kaya ayaw kong mag ka boyfriend eh nakakasagabal lamang sa pag aaral ko e."
"Eh paano na yan? Maglilive-in na kayong dalawa?"
Nagtaka ako bigla sa sinabi niya. "Ano? Live-in?!"
Tumango lamang siya.
Napa facepalm nalang ako. "Bakit ba kailangan pa ng ganon? Ang bata bata pa namin para diyan."
Bigla siyang ngumiti na parang nang aasar lamang. "Bakit gusto mo rin naman diba?"
Muntikan na akong mabilaukan sa sinabi niya. "Nako naman ate! Alam mo namang nerd ako hindi ako katulad nung ibang babae diyan na kung ano anong kabalastugan ang ginagawa."
"Oh pinapatamaan mo ba ako?"
Natawa ako. "Bakit ikaw ba yung natatamaan aba ilag ka rin minsan." Pangaasar ko.
"Nerd!" Sabat niya.
"Atleast tanggap ko."
Tumawa naman siya. "Weird mo talaga."
"Kumain ka nalang diyan ate. Inlove ka siguro kaya ka nagkakaganyan."
Nabigla siya. "Oy hindi noh!"
"Defensive." Tipid kong sagot sa kanya. Tiningnan ko ang orasan at malapit na palang mag start ang klase. "Aalis na ako ate! Itutuloy natin mamaya ang usapan may kailangan kang sabihin sa akin!"
Hindi ko na siya pinakinggan pa at sumakay na ako sa kotse niya.