"Makinig ka naman sa sinasabi ko dwayne!" Sigaw ko sa kanya habang hawak hawak niya ang kanyang cellphone at tuloy parin sa paglalaro.
Napa facepalm nalang ako sa mga ginagawa niya. "Diba gusto mong mag pa tutor sa akin? Bakit ganyan ang inaasta mo, sayang lang yung pagtuturo ko kung wala kang naiintindihan."
Tumingin siya saglit sa akin ang akala ko makikinig na siya, pero mali. Bumalik ulit siya sa pag lalaro. Nakakabwisit na talaga itong lalaking to.
Inimis ko mga libro niya saka ako tumayo. "Magluluto na ako, magsawa ka diyan mag aral mag-isa. May exam kayo bukas. Wag kang mag aaral ha? Tutal yan naman ang gusto mo."
Nang makalabas ako sa kwarto narinig ko ang kanyang sinabi.
"Mga nerd talaga." Huli niyang sabi.
Nakaramdam ako ng inis, kaya bumaba na agad ako at nagtungo sa kusina upang magluto at malibang ang aking sarili. Lagi nalang akong na hihighblood sa lalaking iyon.
Matapos kong magluto inilapag ko sa lamesa yung pagkain. Hindi ko siya tinawag. Bahala siya bumaba ng kanya. Kumain nalang ako ng kumain.
Saktong dumating siya ng matapos akong kumain.
Inilagay ko yung plato ko sa lababo at sinimulang hugasan. Tahimik siyang kumakain, at ako naman naglakad paalis sa kusina.
"Saan ka naman pupunta?" Tanong niya kaya napahinto ako sa paglalakad.
Humarap ako sa kanya. "Sa kwarto mag-aaral." Hindi naman talaga ako mag aaral, gusto ko lang tumambay sa kwarto.
Umiling lamang siya. "Samahan mo ako dito. Dito ka lang." Sambit niya.
Nag crossed arms naman ako sa sinabi niya. "Bakit ba? Ano ka boss?"
Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng masama, nakuuuuu delikado itong lalaking to kapag nagalit. Hindi ko siya pinansin at umupo sa tabi niya.
Pinagmasdan ko lang siya habang kumakain.
"Ang gwapo mo pala."
"Alam ko naman iyon dati pa." He smirk.
Para tuloy akong nabuhusan ng malamig na tubig. "A-ano mali yang iniisip mo, hindi yan ang sinabi ko!" tinakpan ko ang aking bibig sa gulay.
Tumayo siya at dinala ang kinainan niya sa lababo. Sumunod ako sa kanya. "Ako na maghuhugas, nakakahiya naman sayo." Pang aasar ko sa kanya.
Hinigit niya yung plato. "Hindi, sayo ba itong plato?"
Nagtaka naman ako. "Ano bang nakain mo at naisipan mong hugasan iyang mga plato? Sira ulo ka ba?"
"Akin na sabi." Sabi ko.
Nag-agawan kaming dalawa, ng bigla kong nabitawan yung plato sa sobrang dulas. Biglang dumugo ang daliri ko dahil nabasag yung plato.
Nakita kong tumakbo si dwayne at nang makabalik siya may dala dala siyang band aid at ALCOHOL?!
Nanlaki naman mga mata ko. "Baliw ka ba! Ayaw ko ng alcohol masakit yan!
Hindi siya nag dalawang isip ng maibuhos niya sa kamay ko yung alcohol. Napaupo tuloy ako sa sakit. "Susko naman hindi ka ba marunong makinig?" Inis kong sabi sa kanya.
Kinuha niya yung daliri ko at sinipsip yung dugo. "Sa tingin mo ba gagaling yan ng walang alcohol?"
Hinigit ko naman yung daliri ko. "Baliw ka! Gusto mo bang malason? Si-sipsipin mo tapos may alcohol? Dapat ginawa mo yan bago mo lagyan ng alcohol."
Tumawa lang siya. "Cute mo talaga kapag nagagalit, concern ka na pala sa akin."
Tinaas ko ang kilay ko. "Ugh! Kailan pa ako naging concern sayo unggoy."
Bigla niyang hinalikan ang aking noo. "Tutulog na ako panget. Goodnight." Iniwan niya akong nakatunganga dito.
Tunay ba yung sinabi sa akin ni ella? Kasi nung hinalikan niya ako, may naramdaman akong kakaiba. Lalong lumakas ang tibok ng aking puso.
"Nagugustuhan na ba kita?"