Chapter 27

2K 74 4
                                    

Nasa bus na kaming lahat, katabi ko si tyron. Wala si ella eh kaya si tyron nalang ang pinatabi ko. Wala akong ka close sa mga ka klase ko. Kaya no choice kundi si tyron.

"Nagugutom na naman ako." Sabi ko.


Tumawa siya ng mahina. "Patay Gutom ka ba? Parang may mga dragon jan sa loob ng tiyan mo eh."


Tinaasan ko siya ng kilay. "Wow ha parang hindi ka nagugutom. Sige kapag ikaw nakita kong kumakain mamaya, aasarin rin kitang patay gutom."


"Joke lang." Natatawa niyang sabi.


Sa may bintana ako umupo para hindi ako masyado maboring sa loob, saka minsan nahihilo ako sa amoy ng bus. Lalo na kung sama sama yung amoy ng mga pabango ng mga classmates ko. May ka klase pa man din akong ma-aarte.

Umidlip muna ako saglit.





"Niana nandito na tayo, tara na." Bigla akong inalog ni tyron.


Kinusot ko naman ang aking mga mata saka umayos ng upo. Ang sakit ng leeg ko nakakangalay.



"Punasan mo nga yang laway mo." Pang aasar niya.



"Sira ka, wag mo nga akong inisin." Sabi ko.



"Ayy oo nga pala bawal mang inis sa mga bagong gising baka mag ka sumpong." Tumayo na siya kanyang kinauupuan sumunod naman ako at binitbit ang aking bag, yung maliit na bag lang naman.




Una naming pinuntahan ang isang museum. Magkasama kami ni tyron na naglalakad habang nililibot ang loob.



Napansin ko na parang wala si diana.





"Kasama ba si diana sa fieldtrip?" Tanong ko.




"Ang pag kaka-alam ko, hindi." Sabi niya.



"Eh paano si dwayne? Parang hindi ko yata siya nakikita."




Tumingin siya saglit sa akin. "Bakit?"





Nag crossed arms ako. "Ano? May malisya nanaman ba? Nagtatanong lang ako."





Tumawa siya. "Bakit may sinabi ba ako? Diba wala, tinatanong ko lang naman kung bakit eh. Huy ikaw ha." Tinusok niya ako sa tagiliran.





"Sige ka, kapag ako nakabasag dito ikaw ang ibabayad ko." Patol ko sa kanya.



Wala siyang ginawa kundi tumawa lang.



Matapos kaming mag libot sa museum, nag punta kami sa iba't ibang lugar hanggang sa pumunta kami sa Enchanted Kingdom, Gabi na kaya sigurado kong maganda dun.



Pumasok kami sa loob at may tinatak sa aming kamay.




Siyempre una kong hinanap is pagkain. "Tyron, tara kumain ng Ice cream!" Nag puppy eyes ako.


"Sige na nga, saan ba meron nun? Pasalamat ka nakabantay si dwayne sa akin eh." Napakamot siya sa ulo.



"Anong sinabi mo? Nabanggit mo ba si dwayne?"



"Nako hindi. Ikaw talaga kung ano ano mga iniisip mo, ano ba gusto mong flavor?" Ani niya.


"Cookies and cream."


Nang maibigay niya iyon, napangiti naman ako.


"Para kang bata, oh tissue." Abot niya sa akin.


Tumawa naman ako saka kinuha yun at pinahid sa amos ko.


Sumakay kami sa rides, at pumasok sa horror house. Naalala ko tuloy si dwayne dati, ano kaya itsura nun kapag pumasok ulit sa horror house. Daig pa ang babae kung maka sigaw.


"Sarap upakan nung multo." Inis na sabi ni tyron, pati rin siya natatakot. Walang ginawa kundi umirit kung saan saan. Lalake ba talaga siya? O may nililihim to sakin?


"Hoy sama neto, kaya nga sila multo para manakot eh baliw ka talaga." Ako naman wala akong ginawa kundi ang tumawa habang pinapanuod si tyron na sumisigaw sa loob kanina.



Umupo kami sa bench. "Jan ka muna ibibili lang kita ng tubig." Tumayo siya at umalis.



Ako naman nanahimik habang nag mamasid sa paligid. Naka kita nanaman ako ng pagkain, hay nako wala si tyron nasa kanya kasi yung pera. Hindi tuloy ako makakabili.


"Tubig mo."

Napatingala naman ako. "Salamat tyr—"

"B-bakit ka nandito? Dwayne." Sabi ko.


Ngumiti lang siya at hinila ang kamay ko kaya napatayo naman ako. Saan ba ako nito dadalhin?


Huminto kami sa isang garden na puno ng mga lantern na ibat iba ang kulay, tapos may mga butterfly na nagliliparan, pati narin ang mga fireworks.


"Ano gagawin natin dito? Baka hanapin ako ni tyron eh." Nagpumiglas ako.


"Panget, dito ka lang." Seryoso niyang sabi.



Napahinto naman ako at tiningnan siya, Tinawag niya ulit akong Panget.


"Ano bang ibig mong sabihin?"



Huminga siya ng malalim. "Panget alam ko na simula pa lamang na gusto mo na ako, nalaman ko iyon dahil kay tyron. Mag bestfriend kami, nag panggap lang kami na hindi kami mag ka kilala. Alam mo ba na sobrang saya ko nung sinabi ni tyron sa akin na mahal mo ako....


Hindi ko maintindihan ang aking pusong tumatalon sa sobrang saya. Kasi alam mo mahal narin kita. I try na hindi mag kagusto sayo kaya dahil dun sa ating rules... Gnamit ko si Diana para makalimutan ka, Pero wala ikaw talaga ang nilalaman ng puso. Mahal na mahal kita panget."





Naka tulala lang ako habang sinasabi niya yun. Hindi ako makapaniwala. So lahat ng sinasabi ko kay tyron tungkol kay dwayne sinasabi niya, buset talaga yang si tyron.




"Nananaginip ba ako?" Kinurit ko yung pisngi ni Dwayne.


"No you're not dreaming." nakangiti niyang sabi at hinawakan ang mga kamay ko.





Napapangiti ako habang naalala ko yung mga sinasabi niya sa akin. Matagal na rin pala niya akong mahal.



"Pero Dwayne, Pupunta akong America. Hindi ko kayang hindi ka kasama araw araw." Napaltan bigla ng lungkot ang aking nararamdaman.


Ngumiti siya. "Ako rin naman e. Hindi ko kaya na hindi ka kasama, nakakainis talaga kung kailan aalis ka saka ako umamin sayo. Napaka torpe ko talaga!"



Natawa naman ako sa kanyang sinabi, ngayon para siyang bata na nag sisisi sa kanyang ginawa.




"Kapag nandun ka na wag mo akong ipagpapalit ha?" Sabi niya tapos may dinukot siya mula sa kanyang bulsa.




"D-dwayne."





"Ayan wala ka nang kawala sakin. Sa mga lalaking lalapit sayo isampal mo lang yang singsing sa kailang pagmumuka."


Hinampas ko siya sa balikat. "Aray naman!" daing niya.





"Walang wala ka sa mga yun." Pabiro kong sabi.




"Talaga lang ha?"



"Oo nga!" Nag pout ako.



Nagulat ako ng bigla niya akong halikan sa labi.





He's kissing me passionately.




Pinulupot ko ang aking dalawang kamay sa leeg niya at ginantihan rin ang kanyang mga halik.

Just A Nerd | IUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon