Chapter 21

2K 71 0
                                    

6:00 PM


Nasa kwarto ko ako ngayon nag hahanap ng isusuot sa party ni ella later.



Kanina lang sa school naalala ko yung pinagusapan namin ni ella. Umarte ako na parang walang alam na may birthday siya ngayon. Natatawa nga ako kasi nagtampo siya.


Flashback



"Bes! May regalo ka ba sa akin?" Tanong niya.



Wala pa naman yung professor namin kaya nag-usap kaming dalawa. Hays di ko kayang iwasan itong si ella, makulit eh.


Umiling ako. "Nope, ano ba meron ngayon?" Syempre sa sobra kong galing umarte. Naniwala talaga siya na wala akong alam.


"Ahh wala naman, punta ka sa bahay later may party ako." Plain niyang sabi.


"Oh! Birthday mo nga pala, sorry ha nakalimutan ko." Nag pout ako.


She just pat my shoulder. "No its okay, just come to my party. Masaya na ako na kasama ka habang nag cecelebrate"


End of flashback




Nang makahanap na ako ng isusuot, nag lagay na ako ng makeup. At binitbit ko na yung regalo ko para sa kanya saka narin ang bag ko.

Napahinto naman ako sa living room. "A-ahh pupunta karin ba sa party ni ella?" Woah. Nakaka speechless naman bakit ba kasi ang perfect niyang tingnan halos lahat na yata ng kanyang suotin nag mamatch sa kanya?


Tumango siya at ngumiti. "You look pretty. Umm yes kasama ko si diana, hindi natuloy date namin kanina. Kaya yung party nalang ni ella ang magsisilbeng date namin."



"WALA AKONG PAKE SA DATE NIYO."



Nginitian ko siya pabalik. "Ah ganon ba? Sige mauna na ako, baka kasi naghihintay si tyron sa labas."



Hinila niya ako pabalik. Napatingin naman ako sa kamay niya na nakahawak sa kamay ko.



"Siya ba ang date mo?" He asked.



"At Bakit mo naman yan naitanong?"


"Y-yes. So pwede ba bitawan mo na ang kamay ko?" Nag iba ang aura ng kanyang mga muka ng sinabi ko iyon. Ano ba ang nangyayari.




"Hello po Mam Niana And Sir Tyron. Pasok po kayo." Masayang bati sa amin ng mga maid mula sa labas.



Ngumiti lang ako, habang papasok sa loob.


Wala pa naman masyadong tao kaya nakahanap kaagad kami ng mauupan. Pero mukang ni reserve naman iyon para sa aming dalawa.



"Si ella nasaan po?" Tanong ko sa isa sa mga maid.


"Nagbibihis pa po, gusto niyo po ba puntahan?"



Sumangayon naman ako. "Sige po."


Gusto ko kasi na ako ang maunang makakita sa bestfriend ko.


"Niana?"



"Happy birthday ella!" Niyakap ko siya. Iniabot ko sa kanya yung regalo ko. "My gift."



"Grabe huh kala ko talaga nakalimutan mo na. Nakakainis ka." Sumimangot siya.



Tumawa naman ako. "Makakalimutan ko ba naman ang birthday mo? Syempre hindi."




Just A Nerd | IUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon