Chapter 1

9.7K 155 9
                                    

Girl POV. pero, Daryl Enrique muna para sa Chapter 1.

~

Chapter 1

“Mama, Sinabi ko na ayoko po, Hindi ko pa kaylangan ng mapapangasawa, 24 palang ako.” Sabi ko. Umupo ako sa swivel chair ko pagkatapos ay inihilig ang ulo ko sa may mesa.

“Daryl anak, Pagbigyan mo na ang mama. Matanda na kami ng papa mo gusto naman naming magkaroon ng apo.” Sabi nya tapos ay pumunta sa likuran ko at pinisil-pisil ang balikat ko.

Napailing ako. Hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig akong ipagkasundo sa iba ng mga magulang ko. Isang taon na din ang nakalipas, Ikinasal na si Rhea at nagdadalang tao na sya ngaun sa panganay nila ni jojo, totoong masakit ang nangyari sakin. Hindi biro ang pagpaparayang ginawa ko para sa babaeng ilang taon ko ding minahal, Pero hindi ako ganun kadisperado para magasawa kaagad, isa pa. Masyado pa akong bata.

“hindi pa naman kayo agad magpapakasal, engagement palang! Gusto lang naming ng assurance na may makakasama ka pag tanda mo.” Utas naman ni papa sakin.

“papa. Ako ang pipili ng makakasama ko, Anytime. Pwedeng-pwede.”

 

“ayaw ka na naming masaktan ulit anak.” Saad nya papa. Umirap ako tapos tumayo sa upuan.

“That topic again, Akala ko ba limot nyo na.”

“limot na naming pero ikaw hindi pa din.” Napatigil ako sa sinabi ni mama.

Hindi ko pa limot? How could I forget? Isang taon palang ang nakakalipas. Kasal na sya. Wala na talaga. Wala na. “Stop it ma.” Utas ko.

Umalis si mama sa likod ko tapos ay umupo sa sofa sa office. “Nakakapagtampo ka naman, minsan ka na ngalang umuwi sa bahay, minsan ka nalang naming makita ng daddy mo, lagi ka nalang busy sa pagtratrabaho at pagmamasters tapos di mo pa kami mapagbigyan.” Utas nya. Nagkamot ako ng ulo.

“Ma, hindi naman sa ganun, Pero bata pa ako.. Wala pa sa planu ko ang pagaasawa.”

“hindi mo naman sya papakasalan agad. E-eengaged palang naman kayo. Tsaka, oo nga’t bata ka pa, Eh, panu naman kami ng papa mo? Baka mamatay na kami e wala pa kaming apo.” Saad nya.

“Mama naman! Wag ka ngang magsalita ng ganyan.” Saad ko.

“pumayag kana please? Jessica is a good girl, Mabait syang bata.”

Nanlaki ang mata ko. “Bata?”

“Yes. A sweet and beautiful 18 years old girl.” Nakangiting utas ni mama. Napasabunot ako sa buhok ko.

“What the hell ma? She’s so young for me.”

Lumapit sakin si mama tapos hinawakan ang kamay ko. “So what? Your only 24. Anung tingin mo sa sarili mo nasa 30’s na? Common Daryl, Pagbigyan mo na ang mama please..” utas nya. Nagkuyom ako ng paa bago pumikit ng mariin. Hindi ko talaga kayang tiisin ang pag ganyan-ganyan ni mama sakin.

 

“Ok fine, you win!”

Love Again: Daryl Enrique StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon