Chapter 14
“Jes, nabalitaan mo na?” utas ni Jhowana sakin.
Inilapag ko ang gamit ko sa upuan bago sya binalingan. “Anu un?”
“Si Rj. Din-rop na ng parents nya dito.” Nanlaki ang mata ko. “Huh? Bakit?”
“I don’t know. May nakaaway atang isang bigating tao. Alam mo na, Natakot ang magulang nya. Ang hininging kapalit nung nakaaway nya ay patalsikin sya sa sarili nyang school. Imagined? Sila ang mayari nito pero pina-drop sya?” Napalunok ako.
Nilapitan ako ni Marie tapos hinawakan sa braso. “Anu ba kasing nangyari sa inyo sa Bar? Oh my Gosh! My RJ!” Utas nya na medyo naluluha pa. Napalunok ako. Sigurado akong may kinalaman si Daryl dito.
“W-wala naman. Wala akong alam.” utas ko. Dumating ang teacher namin sa sunod na class kaya umupo na kami sa mga sarili naming upuan.
“Class, settle down. I have a very important announcement to make.” Saad nya.
Napaisip ako. Alam kong may kinalaman si Daryl doon. Sigurado akong sya ang may pakana ng lahat. Pero bakit nya kaylangang gawin iyon? Napikon sya kay RJ? Nainsulto? O Dahil sakin? Umiling-iling ako. Nah! Imposible naman na ung huli.
“Magle-leave ako sa trabaho.” Umpisa nya. “Don’t worry. May substitute teacher naman na papalit sakin.” Utas nya. Sana naman gwapo ng gumanda ang view sa harap. Hindi sana matandang dalaga na katulad nya.
Pinaglalaruan ko ang ballpen ko nang tumalsik ito sa ilalim ng upuan. Yumuko ako para kunin iyon.
“i-Welcome nyo sya.”
Gumapang ako sa ilalim at sinilip-silip ang upuan ballpen ko doon, Anakng tinapa. Wala na namang tinta ‘yun dahil nalaglag!
“Ayun!” saad ko ng makita ito sa ilalim ng upuan ni Leo.
“Hoy! Leo. Excuse me!” saad ko tapos tinapik ang hita nya. Napatingin si leo sakin.
Nanlaki ang mata nya. “anung ginagawa mo dyan jessica?” saad nya. Nakaupo kasi ako sa harapan nya ngaun.. sa Gulp! Pagitan ng mga hita nya. Susmaryosep!
“MS. Cruz!” sigaw ng isang pamilyar na boses. Napaangat ang ulo ko. Nanlaki ang mata ko ng makita si Daryl sa unahan.
Shocking. Anung ginagawa nya dito?
“Anung ginagawa mo?” tanung nya. Nagtawanan ang mga kaklasi ko. Nagmukha kasi akong may ginagawang kababalaghan dahil nakaupo ako sa paanan ni leo. Eh, kinukuha ko lang naman ang ballpen ko shet na yan!
BINABASA MO ANG
Love Again: Daryl Enrique Story
Ficción General“before, she’s not my ideal woman, She’s so loud and crazy. I can’t stand her. Palagi syang napapahamak o nasasama sa mga gulo, Lapitin sya ng disgrasya. Mas gusto ko pang maging matandang binata kesa naman ang matali sa isang babaeng tulad nya, Per...
