Chapter 37

4.9K 82 3
                                    

Chapter 37

Ngaun ang simula ng pasukan. Sumulyap muli ako sa salamin bago nakasuot na ako ng uniform naming kahit first day palang naman.. Bwisit na daryl, gusto ko pa naman pumorma ngaun pero dahil sa kanya hindi ko magawa.

“Jessica.” Utas nya pagkatapos ay kumatok sa kwarto ko.

“Anjan na.” sabi ko tapos kinuha ang bag ko at binuksan na ang pinto. Tumambad sakin ang nakakunot-noo nyang mukha.

“Bakit ang tagal mo?” Aniya. Umismid ako. “Dapat nauna kana. Kaya ko naman pumasok magisa.” Utas ko.

“Tsss.” Dinig kong sabi nya pagkatapos ay hinawakan ang kamay ko ay nagsimula ng maglakad.

“Teka lang. hoy!” utas ko pero hindi nya ako pinansin.

Pagbaba namin ng hagdan ay naabutan namin si manang na naglilinis ng salas. “Alis na ba kayo? Ingat kayo.” Nakangiting sabi nya pagkatapos ay binalingan ang magkahawak naming kamay.

Uminit ang pisnge ko. Akmang hihilain ko ang kamay ko kay Daryl pero hindi nya ako pinayagan.

“Una na po kami manang,” utas nya. Mabilis syang naglakad habang hila-hila ako.

“Daryl, Anu ba. bitawan mo na nga ako.” Utas ko. Sinilip ko ang mukha nyang nakangise. Binuksan nya ang kotse nya pagkatapos ay itinapon ako sa loob.

“Aray naman!” reklamo ko.

Umikot sya tapos pumasok na din sa may driver seat. Hinampas ko sya sa braso.

“Anung problema mo? Ang sakit nun ah!” utas ko.

Binalingan nya ako tapos inilapit ang mukha sakin. Nanlaki ang mata ko sa ginawa nya.

“B-bakit?” utas ko.

Umiling-iling sya tapos hinalikan ako sa labi. Napapikit ako dahil doon. “Sa office ako ngaun, next week pa ako makakapasok sa school mo.” Aniya.

“A-anu naman..” utas ko tapos umirap. Damn! He kissed me again!

“Pumunta ka sa office ko mamaya.”

Napatingin ako sinabi nya. “Bakit?” tanung ko.

“Basta pumunta ka nalang pagkatapos ng klase mo, okey? I’ll be waiting.” Nakangiting sabi nya.

Naaninag ko ang puti at pantay-pantay nyang ipin kaya napalunok ako. Dapat ata akong kabahan kapag ganyan sya ngumiti.

“o-ok..” sabi ko. Nagsimula nan yang paandarin ang kotse, hindi ako makatingin sa kanya kaya panay nalang ang silip ko sa bintana. Pinagmamasdan ko lang ang bawat sasakyan na dumadaan doon para maaliw. Wala akong balak tignan ang gwapong mukha ni Daryl. Tsss!

“Jessica.”

“hmmm?” utas ko pero hindi lumilingon sa kanya.

“Are you okay?” tanung nya sakin. Binalingan ko sya ng tingin.

“Oo. Bakit hindi? Tinatamad pa ako pumasok.” Bulong ko.

Love Again: Daryl Enrique StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon