Chapter 48
Magdadalawang buwan na ang nakalipas simula nang mawala si Daryl. At sa dalawang buwan na ‘yun. Anu pa ng bang nangyayari sakin? Heto ako. Tulero. Halos mamatay na ako sa kakaisip kung asan ba sya nagpunta. Madaming tumatakbo sa isip ko, Hindi ko alam kung nasa paligid lang sya at nagtatago sakin, Kung nasa iisang lupa padin ba ang tinatapakan naming, Kung lumuwas naba sya nang bansa. Hindi ko na alam, At pakiramdam ko mababaliw na ako sa kakaisip, Kung isa man ‘to sa mga paraan ni Daryl para iparealized sakin na hindi ko kayang mabuhay nang wala sya. Pwes, tama na. Dahil sobrang hirap na hirap na ako.
“Jessica! Diyos kong bata ka!” utas ni Manang Lourdes pagkatapos ay paulit-ulit na inaalog ang balikat ko, idinilat ko ang mata ko.
Malabo sya sa paningin ko nung una pero unte-unte din itong luminaw.
“M-manang.” Paos na sabi ko,
Tinulungan nya akong tumayo.
“Bakit nakasalampak sa dito sa banyo? Dyos ko! May pas aka sa braso. Halika at gagamutin ko yan!” utas nya pagkatapos ay hinila ako papunta sa kama ko.
Umupo ako doon. Hinawakan ko ang ulo ko nang makaramdam nang pagkahilo. Basang-basa ang damit ko, ilang oras na ba akong nahimatay sa banyo? Hindi ko alam.
“Anu kaba namang bata ka!” utas nya pagkatapos ay nilagyan nang gasa ang pasa ko.
“ilang araw ka nang ganyan, Wag mo namang pabayaan ang sarili mo.” Utas nya sakin.
Kinagat ko ang labi ko, Nagpalit ako nang damit pagkatapos ay humarap sa salamin.
Tumulo ang luha sa mata ko. Paanu ako magiging ok? Halos mabaliw na ako sa kakaisip kay Daryl.
Noong unang buwan na wala sya ay walang mintis kong dumalaw ako dito sa bahay namin, Nagbabakasakali ako nab aka bumalik manlang sya dito para kunin ang iilang gamit nya. Pero.. Wala. Ni, hindi manlang nagagalaw ang mga ito. Gusto ko nang magwala at nagiiyak pero alam kong ako ang may kasalanan nang pagalis nya, Walang dapat sisihin dito kundi ang sarili ko, Kasalanan ko kung bakit wala si Daryl ngaun.. Kung bakit wala sya sa tabi ko.
Ito pala ang tinatawag nilang Regrets.. Napakasakit. Ang sakit-sakit.
“Tama nay an, Jessica. Babalik din si Daryl. Babalikan ka nya.” utas ni Manang Lourdes sabay hagod sa likod ko.
Tumungo-tungo ako pero sa likod nang utak ko, tumututul ang isip ko. Paanu kong bumalik sya pero may iba na syang mahal? Paanu kong bumalik sya pero na-fall out na pala sya sakin? Tang*na! Ikamamatay ko ata ‘yun.
Bakasyon namin ngaun sa university, Sa pasukan ay 2nd year student na ako. Dito na din ulit ako tumira sa bahay naming ni Daryl. Para atleast, kung anung oras man sya dumating ay nandito ako.
Hindi ako mapapagod, Pero aaminin kong naiinip din ako.
Grabe naman si Daryl magpa-miss. Sobrang effective.
Nagising ako kinabukasan sa tawag ni manang Lourdes sakin.
Hinawakan ko ang ulo ko pagkatapos at tumayo na sa kama.
“Ang daddy mo, Anjan.” Utas nya sakin.
Tumango-tango ako pagkatapos ay naligo na at nagbihis. Bumaba nadin ako pagkatapos.
“Dad.” Utas ko matapos syang halikan sa pisnge.
Kumunot ang noo nya sakin pagkatapos ay tinuro ang ilalim nang mata ko.
“What happen? Hindi kaba natutulog? O sa kakaiyak yan?” utas nya sakin. Kinagat ko ang labi ko nang dahil doon.
“What brings you here, Dad.” Utas ko.
Kinuyom nya ang palad nya pagkatapos ay tumingin sakin. “Jessica. Baka gusto mong bumalik nalang nang amerika?” tanung nya.
Nanlaki ang mata ko dahil doon.
“p-po?”
Hinawakan nya ang magkabilang balikat ko. “Nakikita mo ba ang sarili mo ngaun sa salamin ha? Ang payat-payat mo na. Ang lalim na ng mata mo, You should rest. Give yourself a break, masyado kang naiistress.” Aniya.
Umiling-iling ako.
“No Dad, Hihintayin kong dumating si Daryl. Paanu kong dumating sya tapos wala pala ako?” Naiiyak na sabi ko. Kinagat nya ang ibabang labi nya pagkatapos ay tinignan ako sa mata.
“kung babalik si Daryl dapat noon pa nya sinabi, You see? Hindi ka nya kinokontak. Even his parents. I really don’t know kung anung nangyari, at wala akong pakialam kung kasalanan mo man ang lahat o hindi, What I care is you.” Suminghap sya. “Your my daughter, at hindi ko maaatim na makita ka na ganyan!” Utas nya.
Tumulo ang luha sa mata ko.
“Stop turtoring yourself.” Dugtong nya.
Hinawakan nya kamay ko nang mahigpit.
“magsimula ka nang bagong buhay, Ung buhay mo dati.. Ung walang stress. Walang sakit.. at Walang Daryl.”

BINABASA MO ANG
Love Again: Daryl Enrique Story
General Fiction“before, she’s not my ideal woman, She’s so loud and crazy. I can’t stand her. Palagi syang napapahamak o nasasama sa mga gulo, Lapitin sya ng disgrasya. Mas gusto ko pang maging matandang binata kesa naman ang matali sa isang babaeng tulad nya, Per...