Chapter 11
“Manang si daryl po?” tanung ko kay manang Lourdes habang nakayakap pa sa likod nya.
“hay nakung bata ka! Nakakagulat ka naman. Wala pa si Daryl. Gagabihin daw ng uwi dahil may importanteng meeting daw sya ngaun.” saad nya.
Napasuntok ako sa hangin. “Yes!” utas ko.
“anu kamo?” utas ni manang Lourdes.
Bumaling ako sa kanya tapos kinuha ang pinggan sa kamay nya. “Ah eh, wala po, Ang sabi ko. Mabuti pa magpahinga na po kayo. Ako na po ang tatapos nito manang.” Saad ko tapos tinulak sya paakyat ng kwarto.
“Sigurado kaba iha?” tanung nya sakin. Tumango-tango ako.
“ehh. Opo! Aakyat na din po ako sa kwarto pagkatapos ko dito.” Saad ko tapos nagkunwaring binabanlawan ang mga plato.
Ngumise sya sakin, “Aba’y nakikita ko talagang magiging mabuti kang maybahay. Oh sya, Sige. Ako’y magpapahinga na.” saad nya tapos nagsimulang umakyat ng hagdanan
“Ok po manang! Goodnight pooo!” saad ko.
Ilang minuto pagkatapos nyang makaakyat at hinubad ko na ang jacket na suot ko, Naka black fitted dress kasi ako ngaun tapos open ang likod. Kinuha ko ang cellphone ko sa pouch ko tapos tinext sila Jhowana.
‘Im coming.’
Syempre, planado ko na ‘to. Pagdating ni Daryl. Aakalain nya talagang tulog ako dahil maglagay ako ng unan sa kama ko tapos binalot ko iyon ng kumot. Hindi naman na siguro nya ako lalapitan at ichecheck diba? Baka nga hindi na yon sumilip pa sa kwarto ko.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Nakapaa akong tumakbo palabas para walang makarinig sa tunong ng heels ko.
Pagkalabas ko ng gate ay pumara agad ako ng taxi.
“Infinite bar po.” Utas ko habang isinusuot ang heels ko.
Pagkarating ko doon 8pm na ng gabi. Nasa labas palang ako ay dinig na dinig ko na ang malakas na tugtog sa loob, Naexcite tuloy ako. This is my first time.
Pumasok ako, Mga naglalarong ilaw agad ang nakita ko doon. Napangiti ako ng makita sila Jhowana at marie na nakangiti ay kumakaway sakin.
Lumapit ako sa kanila. Nadinig ko ang pagsipol ng mga lalaking dinaraanan ko, Napangiti ako. Tapos si Daryl, hindi na aatract sakin? Unbelievable. Tsss.
Nanlaki ang mata ko ng makalapit na ako sa kanila. “Ikaw?” utas ko ng makita si Rj kasama ang mga barkada nya.
“Invited din kami. Bakit masama?” utas nya habang nakangise sakin. Sumimangot ako. Tapos bumaling nalang kay Marie.
BINABASA MO ANG
Love Again: Daryl Enrique Story
General Fiction“before, she’s not my ideal woman, She’s so loud and crazy. I can’t stand her. Palagi syang napapahamak o nasasama sa mga gulo, Lapitin sya ng disgrasya. Mas gusto ko pang maging matandang binata kesa naman ang matali sa isang babaeng tulad nya, Per...
