Chapter 35
Nagpagulong-gulong ako sa kama ko habang tinitignan ang orasan 10: 30 na pero wala pa si Daryl. Kumunot ang noo ko. Ang sabi nya maaga syang uuwi. Tss! Ang daryl na yun!
Umupo ako sa kama pagkatapos ay niyakap ko ito. “bakit ko ba sya hinihintay? Hmp! Matutulog na nga ako!” utas ko pagkatapos ay nagtalukbong ng kumot at ipinikit ng madiin ang mata ko pero hindi ako makatulog.
Nagpalit-palit ako ng posisyon pero ganun padin, Banas kong itinapon ang unan pagkatapos ay bumaba ng kama. Binuksan ko ang pinto ng kwarto ko. Patay na ang ilaw sa salas. Malamang tulog na si manang Lourdes.
Lumabas ako ng kwarto pagkatapos ay itinulak ang pinto ng kwarto ni Daryl. Pumasok ako sa loob noon, Uminit ang pisnge ko ng masulyapan ang kama nya.
“Tss! Bwisit! Bakit ba ako nandito? Alis na nga ako.” Bulong ko. Pipihitin ko na sana ang pinto ng sumulyap akong muli sa kama. Lumapit ako tapos ay humiga doon.
Nakatulala lang ako habang nakahiga sa kama nya.
“Daryl, bakit ang tagal mo?” bulong ko.
Humikab ako ng makaramdam ng unte-unteng pagbigat ng talukap ko sa mata. This is unfair, sa sarili kong kwarto hindi ako makatulog.. Samantalang sa kwarto ni Daryl, Para bang napaka komportable ko..
Ipinikit ko ang mata ko ng maramdaman ang paghapdi nito.
*
“hmm.” Utas ko ng maramdaman ang isang bisig na nakayapos sa tiyan ko. Mabango. Ngumite ako pagkatapos ay mas lalo itong niyakap. Pero ikinagitla ko ng niyakap din ako nito pabalik.
Ginusot ko ang mata ko pagkatapos ay unte-unte itong idinilat.
Namilog ang mata ko ng makita si Daryl sa harap ko na nakapikit habang yakap-yakap ako sa bewang.
“Daryl..” utas ko pero hindi sya nagising. Sinilip ko ang wall clock, 2:30 na pala ng madaling araw. Pilit kong inalis ang kamay ni Daryl na nakapulupot sakin pero masyado itong mahigpit.
“Daryl!” utas ko tapos hinampas sya sa balikat, Gumalaw sya kaunte. Akala ko ay gigising na sya pero ikinigulat ko ng ibaon nya ako sa dibdib nya.
“Jessica, Please be queit. Im still sleepy.” Utas nya gamit ang halos paos nyang boses.
Lumayo ako sa kanya unte pagkatapos ay tinignan ang maamo nyang mukha, Nakabalot kaming dalawa ng kumot habang magkaharapan, Nakayakap pa sya sakin. Malakas ang aircon sa kwarto nya pero hindi ako nakaramdam ng lamig dahil sa mga yakap nya.
Gusto ko syang itulak pero hindi ko magawa. Anu bayan Jessica. Nahihibang kana talaga.
“Daryl..” sabi ko.
“Hmm?” tanung nya pero hindi padin dumidilat.

BINABASA MO ANG
Love Again: Daryl Enrique Story
General Fiction“before, she’s not my ideal woman, She’s so loud and crazy. I can’t stand her. Palagi syang napapahamak o nasasama sa mga gulo, Lapitin sya ng disgrasya. Mas gusto ko pang maging matandang binata kesa naman ang matali sa isang babaeng tulad nya, Per...