Chapter 2
“Jessicaaaaaaaaaaaaaaa!” tili ni Grace sakin. Agad kong inangat ang ulo ko at nakita sya.
“Graceeeeee! Wah!” utas ko tapos tumakbo para yakapin ang bestfriend ko. Nagtatatalon kaming dalawa sa saya. After 4 years, Nakita ko na din sya sa wakas.
“Oh my God! Ang laki ng pinagbago mo. Lalo kang gumanda!” utas nya. Pinitik ko ung buhok ko tapos umikot-ikot pa sa harapan nya.
“Ok ba? Papasa na ba ako kay Ash? Papansinin na ba ako nun? Tingin mo?” saad ko.
Inilayo nya ako sa kanya tapos inilagay ang daliri nya sa labi nya. “I think.. hindi padin.” Saad nya.
Hinampas ko sya sa braso. “Ang sama mo!”
“Wag ka ng umasa kay Ash. Alam mo naman ang dense-dense nun eh! Anyways, What about this Daryl?” saad nya. Napasimangot agad ang mukha ko ng madinig ang pangalang yun.
“I don’t want to talk about it Grace.”
Kinuha ng driver namin ung bagage ko tapos pumasok na kami ni Grace sa kotse.
“Paanu ang daddy mo?” tanung nya.
Itinaas ko ang paa ko tapos ipinikit ang mata ko.
“Susundin ko padin si daddy syempre, isa pa hindi pa naman kami ikakasal agad-agad. Engagement palang naman. Hello? 18 years old palang ako no? Ang bata ko pa para magpakasal. Isa pa, ni hindi ko nga alam ang itsura ng Daryl na yun.” Saad ko.
“balita ko gwapo at mayaman at nagmamasters daw un ngaun, at isa pa, sya na pala ang namamahala sa negosyo ng daddy nya.” Sabi ni Grace. Hinarap ko sya tapos inirapan.
“I don’t care grace.” Saad ko, Nakibit-balikat lang sya tapos naidlip na din ako.
Jessica Cruz. 18 years old, Nagaral ako sa states for 4 years, at dahil sa engagement thingy na yan. Pinauwi ako dito sa pilipinas. Medyo late na nga ako dahil 1st year college palang ako ngaun. Iba kasi sa ibang bansa, nagising ako ng gisingin ako ni grace pagkarating namin sa bahay.
“iidlip muna ako. Mamayang 4pm pinapapunta ako ni Dad sa office nila.” Saad ko.
“Wag mong sabihing your going to meet that man?” sigaw nya sakin. Binatukan ko sya.
“No way! Dadalaw lang ako kay Dad para malaman nyang andito na ako, Baka mag-hysterical na naman iyon na baka nag-crash ang airplane na sinasakyan ko.” saad ko.
“Eh, bakit ayaw mong tawagan?”
“Nah. Surprise dapat.” Saad ko tapos kumindat sa kanya.
Umirap sya sakin tapos tinalikuran ako. “Ok fine! Whatever! Alis na ako. Pasalubong ko ha?Padala nalang sa bahay. Babu.” Sabi nya tapos lumabas nan g kwarto ko. Tumalon ako sa kama ko tapos ipinikit ang mata ko para maidlip na.
4pm ng umalis ako at magpahatid sa driver sa office nila daddy. Naka shorts, snickers at t-shirt lang ako tapos shades since mainit talaga dito sa pilipinas, itinali ko ang long brown hair ko tapos nag lagay pa ng sunblock bago lumabas.
“excuse me ma’am, San po ba sila?” tanung sakin ng isang babae doon.
“Hmmm. Kay Daddy. Mr. Cruz. Andyan ba sya sa loob?” tanung ko.
“Wait lang po mam.” Saad nya tapos may chineck pa sa computer nya.
Inilibot ko ang tingin ko sa paligid tapos tinanggal ang shades ko. “Im sorry ma’am. Nasa meeting pa po sya. Paki wait nalang po.” Sabi nya sakin. Sumimangot ako tapos umupo sa isang upuan doon.
Panay ang sulyap ko sa relo ko. 30 minutes na ang nakalipas pero wala pa din si Daddy.
Tumayo ako dahil naiihi ako. “Excuse me, San ang cr dito?” utas ko.
“ah. Diretsyo lang po kayo tapos kapa narating nyo na ang pinakadulong pinto kaliwa lang po tapos ung glass door, sa kaliwa nun tapos kanan yun na po iyon.” Saad sakin ng janitor. Tumango ako kahit na hindi ko naman naintindihan ang sinabi nya.
Tinahak ko ang daan doon kahit na hindi ko naman alam kung saan ako papunta, Shet naman! Ihing-ihi na ako.
Naagaw ang pansin ko ang isang magandang office doon, Meron itong glass door. Teka, sabi nung janitor sa ay glass door daw. Hay salamat! Ito na ata iyon. Tumingin muna ako sa paligid bago pumasok, Pagpasok ko doon sinalubong ako ng isang magandang office. Kaninong office ba ito? Inilibot ko ang paningin ko tapos nakita ang isang cr doon. Halos nag tatatalon ako sa saya.
Pumasok ako doon. Ang linis.
“Hay salamat.” Saad ko tapos umupo na at nagsimulang umihi.
“they say fire started in heart heart hmmm hmmmm hmmmm the dark~” kanta ko habang pipikit-pikit pa. Dinadama ko ang lyrics. LOL
“Who are—WHAT THE F*CK?” nadinig kong sigaw. Idinilat ko ang mata ko, Halos lumawa ito na makita ng isang lalaking natayo sa harap ng pinto ng cr, tinignan ko ang sarili ko, Nakaupo ako sa bowl habang nakababa ang shorts ko..
What the?
“KYAAAAAAAAAAAH!!!”
![](https://img.wattpad.com/cover/10687918-288-k488613.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Again: Daryl Enrique Story
General Fiction“before, she’s not my ideal woman, She’s so loud and crazy. I can’t stand her. Palagi syang napapahamak o nasasama sa mga gulo, Lapitin sya ng disgrasya. Mas gusto ko pang maging matandang binata kesa naman ang matali sa isang babaeng tulad nya, Per...