Chapter 18

4.6K 94 2
                                        

Chapter 18

Nakahiga na ako sa kwarto ko ngaun habang nakatingala sa kisame,Hindi maalis sa isip ko ang nangyari kanina, Ramda na ramdam ko talaga ang hininga ni Daryl malapit sa labi ko. Anung ibig sabihin nun?

Nanlaki ang mata ko sa naisip. Is he trying to… kiss me?

Wah! Hindi! Hindi naman siguro!

Pe—ro, Napahawak ako sa dibdib ko bigla. Bakit biglang tumibok ang puso ko. Kanina, Ramdam na Ramdam ko talaga ung pagpitik nito.

Ginulo ko ang buhok ko, Urgh! Mababaliw na ako sa kakaisip! Ayoko na.

Nagising ko kinabukasan ng hapon na. 4pm na ng tumingin ako sa orasan. Oh my! Hindi kasi ako nakatulog kagabi kaya ganito! Hindi ako nakatulog kagabi kakaisip sa nangyari. Mabuti nalang at walang pasok ngaun. Dahil sa nakaramdam ako ng gutom, Bumaba na ako sa salas. Naabutan ko si Manang Lourdes na nagluluto sa kusina..

“Hmm.. Manang ang bango po.” Saad ko.

Binalingan nya ako. “Juskong bata ka!” bakit hindi kappa nagbibihis?” saad nya.

“Po? Bakit po?”

Tumindig ang balahibo ko ng maamoy ang pabango ni Daryl sa likuran ko. “Darating sila papa ngaun, Limot mo na agad?” kunot-noong saad nya. Pinukol ko sya ng masamang tingin.

“Hindi ka naman ata nabagok kahapon, diba?” masungit na saad nya. Tignan mo ‘to! Kahapon ang bait-bait sakin tapos ngaun, anakngtokwa! Back to zero na naman sya.

Umisnab ako. “Masama makalimutan? Che! Dyan ka na nga! Hmp!” saad ko tapos patakbong umakyat sa kwarto.

Sinarado ko agad un tapos humawak sa dibdib ko. Anak ng tokwa! Malala na ata ako. Hoy! Walang hiyang puso! Bakit ang lakas ng tibok mo? Shet! Shet!

Naligo na ako. Ang lakas padin ng tibok ng puso ko hanggang ngaun, Tignan mo ung lalaking yun! Parang wala lang sa kanya! Sinasabi ko na nga ba. Habang ako, mamatay-matay na sa kakaisip kagabi. Ung Daryl na yun. Siguro ang sarap ng tulog nya! Peste naman oo! Baka kasi guni-guni ko lang talaga yun?

Umiling-iling ako. Hindi eh.. Imposible talaga! Urgh! Bahala na nga!

Nagayos na din ako pagkatapos noon. Mabuti nalang at natakpan ko ng foundation ung peklat na gawa ng kahapon. Nagkasugat pa tuloy ako sa mukha!

“Hija, anjan na sila.” Saad ni manang Lourdes sakin.

“opo! Bababa na ako.” Saad ko, Sinuot ko ung sandals ko tapos sumulyap ulit sa harap ng salamin,

Naka pink lace dress ako ng longsleeves. Kinulot ko ung buhok ko sa dulo tapos naglagay ng light makeup.

Naglagay muna ako ng lipgloss pagkatapos ay bumaba na.

Love Again: Daryl Enrique StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon