Chapter 44
“Anu na naman ba ang pumasok sa isip mo at umalis ka na naman sa bahay nyo ni Daryl, huh? Jessica?” singhal ni Chea sakin.
Hindi ako sumagot, sa halip ay ibinaon ko lang ang mukha ko sa unan.
“Jessica! Mahal na nung tao, Anu bang problema mo?” tanung nya ulit. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ko.
“The problem is me, chea. Hindi si Daryl.” Utas ko.
Hinila nya ang balikat ko dahilan para mapaupo ako. “Jessica. Anu bang gusto mo? Alam mo, ikaw, hindi kita maintindihan. Mahal mo si Daryl at mahal ka nya, Anu pabang iniiyak-iyak mo dyan? Bakit di nalang kayo mabuhay nang masaya. Tss!” utas nya.
Tumahimik ako.
Maaga akong umalis sa bahay namin ni Daryl kanina. Ni, hindi ko sya hinintay para makapagpaalam. Tutal hindi din naman ako nakatulog, Kaylangan ko lang nang oras para makapagisip.
Kinagat ko ang labi ko pagkatapos ay binalingan si Chea. “T-tingin mo ba, karapat-dapat pa ako kay Daryl?” utas ko.
Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko.
“Wala na akong ginawa kundi pagdudahan ang pagmamahal nya sakin.” Humikbi ako. “kahit isang beses, hindi ko pinapaniwalaan kapag sinasabi nya saking mahal nya ako, kahit na.. k-kahit na ramdam na ramdam ko naman ‘yun.”
“Jessica.”
“Ako talaga ang may problema, Chea. Ako talaga. Wala naman kinalaman si Daryl sa issue ko sa sarili ko. sobrang naiinsecure ako.. kay Rhea, siguro kasi alam ko na minahal talaga sya ni Daryl noon, Hindi ko lang siguro matanggap na nagmahal sya sa ibang babae bukod sakin.” Utas ko.
Lumapit si Chea pagkatapos ay hinagod ang likod ko.
“I understand. Pero hindi mo ba naisip, kung sino ang mahal nya ngaun? Parte nalang si Rhea nang nakaraan, ikaw ang mahal ni Daryl ngaun. Sana pinaniwalaan mo sya.” Utas nya sakin.
Hindi ako nakasagot.
My heart is aching.
Katakot-takot na sermon ang inabot k okay daddy paguwi ko sa bahay, Hindi nya daw maintindihan kung anu ba talaga ang nangyayari sakin, Buong gabi akong umiyak. Maski ako, Hindi ko din alam kung anu ang nangyayari sa sarili ko.
Ayokong mawala si Daryl sakin pero sobrang natatakot ako kung kaya ko ba talaga syang mahalin nang buo gayong sobrang daming doubt dito sa puso ko.
Nagising ako kinabukasan sa tawag nang katulong naming.
“May bisita po kayo, Ma’am.” Utas nya.
Hindi ako sumagot kaya panay ang katok nya sa kwarto ko, Nagtalukbong ako nang kumot. Ngaun ako dinadalaw nang antok, Samantalang kagabi ay hindi ako makatulog.
Ipinikit ko nang madiin ang mata ko nang mawala ang ingay nang pagkatok nang katulong sa kwarto ko, nadinig ko ang pagbukas nang pinto pero hindi padin ako gumagalaw. Im so sleepy.
![](https://img.wattpad.com/cover/10687918-288-k488613.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Again: Daryl Enrique Story
Aktuelle Literatur“before, she’s not my ideal woman, She’s so loud and crazy. I can’t stand her. Palagi syang napapahamak o nasasama sa mga gulo, Lapitin sya ng disgrasya. Mas gusto ko pang maging matandang binata kesa naman ang matali sa isang babaeng tulad nya, Per...