Chapter 21
“Oh my Gosh! What happen to your face, Jessica?” bulalas ni Grace sakin. Umiling-iling lang ako. Ihatid na namin sila tita, tito at dad kahapon. Nakasimangot ako buong biaje dahil pilit kong isinasaksak sa kokote nila na wala ngang nangyari samin ni Daryl.
Pinaliwanag ko din kung bakit brief ni Daryl ung suot ko pero ayaw nilang makinig sakin, kapag tinatanung naman nila si Daryl. Ngiti lang ang tugon nito. Bwisit na Daryl!
Tapos kaninag umaga, nagpadala sila tita ng mga prutas at kung anu-anu pang healthy foods. Sa sobrang dami kasya na un pang isang buwang pagkain namin. Ang nakakaasar dun, meron pa itong letter na:
Kumain ka ng madami Jessica, Para mabilis kayong makabuo.
Literal na napasigaw ako. Walanghiya! Kahit anung sabihin ko na misunderstanding lang un, Ayaw nilang maniwala sakin!
“uy ash!” biglang sabi ni Grace. Sunod kong maramdaman ang pag urong ng upuan sa gilid ko, Umupo don si Ash.
“Hi, Jes!”
“H-hi..” sabi ko. Nagiwas ako ng tingin. Crush ko talaga ‘to.
“Pwede kayo mamaya? Around 8pm. Bar. My treat.” Utas nya. Whoa! Bar? Gusto ko ulit mag-bar. Kaso natatakot na ako. Pagkatapos nang nangyari sa bar noon.
“Oh my! Sure! Gusto ko yan! Next week exams na kaya kaylangan ng mag happy-happy ngaun!” tili ni grace. Sumimangot ako.
“eh, ikaw. Jes?” ipinatong ni Ash ung kamay nya sa mesa tapos humilig sakin. Nanlaki ang mata ko. were so close.
“Ah.. eh..” sabi ko.
“Sasama ka diba? Pagkakataon na natin ‘to para makapag-bonding.” Nakangiting sabi nya.
Oh my! Ipinapakita nya sakin ang kanyang shining shimmering smile! I can’t resist. “Ah.. Cg---“
“No!” Nanlaki ang mata ko ng biglang sumulpot si Daryl sa harapan namin, Eh?
Kumunot ang noo nya sakin. Nagiwas ako ng tingin. “Hindi pwede si Jessica. Bawal sa kanya ang mag-bar.” Matigas na tugon nya.
Gusto kong umapela, malaki na ako. Mag ni-nineteen years old na ako. Tapos ganito? Daig nya pa si Daddy kung magbawal sakin. “Bakit ba? Pwede n—mpph.” Sabi ko kaso tinakpan nya ang bibig ko. Shet!
Tumayo si Ash. “Sir, Anu po ba kayo ni Jes?” mahinahong tanung nya dito. Nagpupumiglas ako pero hindi padin ako binibitawan ni Daryl.
Nagsalubong ang kilay nya. “Jes..” utas nya.
“Yun ang tawag ko sa kanya.” Sabi ni Ash. “Can you please let her go? Di mo naman sya pag-aari, kaya bitawan mo sya. Isa pa, Nasasaktan sya.. SIR.” Dugtong nya. Nalaglag ang panga ni Chea. OHMERGERD! Hindi nga pala alam ni Ash na engaged ako sa lalaking ‘to.
BINABASA MO ANG
Love Again: Daryl Enrique Story
General Fiction“before, she’s not my ideal woman, She’s so loud and crazy. I can’t stand her. Palagi syang napapahamak o nasasama sa mga gulo, Lapitin sya ng disgrasya. Mas gusto ko pang maging matandang binata kesa naman ang matali sa isang babaeng tulad nya, Per...