Chapter 47
Magmamadaling nagpara ako nang taxi. Kulang nalang ay paliparin ko ito sa bilis.
“manong paki bilis po.” Utas ko, Wala akong magawa kundi ipadyak ang paa ko sa inis habang pinupunasan ang pagagos nang luha ko galing sa mga mata ko.
Walang tigil ang pagiyak ko sa loob nang taxi kaya panay ang sulyap sakin ng driver.
“Hija, Ayos kalang ba?” tanung nya sakin.
Umiling-iling ako.
“Manong, kapag hindi nyo po binilisan iiwanan ako ng fiancee ko.” Umiiyak na utas ko.
“Wag kang magalala, bibilisan ko na.” utas nya sakin pagkatapos ay binilisan ang pagpapaandar nang taxi.
Agad akong bumaba nang marating ang subdivision nang bahay naming ni Daryl, Nagmamadaling tumakbo akong paloob.
Hinihingal ako pero wala akong pakialam.
Kung hindi pumapasok si Daryl, Pwede ko pang isipin na may sakit lang sya. Pero.. Hindi.. Nagresign sya..
Hindi na ako nagdoor bell pa, Diretsyo akong pumasok nang loob nang bahay.
“Daryl!” utas ko.
Gulat na binalingan ako ni Manang. “Jessica!” utas nya.
Agad akong lumapit para yakapin sya.
“M-manang, Nagresign po si Daryl si School.” Lumunok ako. “A-andito po ba sya?” tanung ko.
Namilog ang mata ni manang Lourdes pagkatapos ay yumuko. Kumunot ang noo ko sa kanya.
“m-manang, Si Daryl po?” tanung ko.
Umiling-iling sya sakin dahilan para magsibagsakan ang luha ko sa mata.
“Umalis si Daryl, Hindi sya nagsabi kong saan sya pupunta. Basta, may dala syang iilang gamit. Tinanung ko sya pero hindi naman nagsasalita, Tumawag na din ako sa mommy at sa daddy nya, Pero hindi din nila alam kung asaan. Nagaalala na nga din ako.” Utas nya.
Nanghina ang tuhod ko kaya agad akong napaupo sa lapag. “Anu bang nangyari, huh? Jessica?” tanung nya sakin.
Umiling-iling ako. Pagkatapos ay tumayo at umakyat sa pangalawang palapag.
Tumulo ang luha ko nang hawakan ang pinto nang kwarto ni Daryl.
Pinihit ko iyon para buksan, Lalo akong naiyak nang walang bakas ni Daryl sa loob, Pumasok ako pagkatapos ay umupo sa kama nya. Niyayakap ako nang maraming ala-ala.
Pinunasan ko ang luhang tuloy-tuloy na tumutulo sa mga mata ko.
Tinignan ko ang cabinet nya, may iilang damit pa doon. Napalunok ako habang binibigyan ang sarili ko nang pagasang baka bumalik sya dahil hindi nya naman kinuha ang mga damit nya.
Kinuha ko ang cellphone ko pagkatapos at tinawagan ang numero nya pero paulit-ulit lang na operator ang sumasagot. Nakapatay ito.
![](https://img.wattpad.com/cover/10687918-288-k488613.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Again: Daryl Enrique Story
Художественная проза“before, she’s not my ideal woman, She’s so loud and crazy. I can’t stand her. Palagi syang napapahamak o nasasama sa mga gulo, Lapitin sya ng disgrasya. Mas gusto ko pang maging matandang binata kesa naman ang matali sa isang babaeng tulad nya, Per...