Chapter 8

4.3K 95 5
                                    

Chapter 8

 

 

“Manang Lourdes!” saad ko tapos agad na tumakbo para yakapin si manag Lourdes.

“Juskong bata ka! Tama na at masyadong mahigpit ang yakap mo.” Saad nya. Hinalikan ko sya sa pisnge. “Na-miss ko pa kayo! Si papa po. Kumusta na?” saad ko.

Hinaplos nya yung mukha ko “ok naman ang papa mo, kinakamusta ka. Miss ka na daw nya. Binilin nya sa akin na sabihin daw sayo na tumawag ka sa kanya mamaya.” Saad nya.

Tumango ako. “Asan ba si Daryl?” tanung nya sakin.

“Ah, nasa taas po, Tulog pa.” utas ko. Sunday naman kasi ngaun kaya wala daw syang pasok sa masters nya at sa office.

“Aba, Gisingin mo na ang mapapangasawa mo. Maghahanda muna ako ng almusal nyo bago magpahinga.” Saad nya tapos pumunta na sa kusina.

Mapapangasawa ko? Ha!

Umakyat ako sa taas tapos kinatok ang kwarto ni daryl.

“Hoy! Gurang! Gising na! andyan na si manang Lourdes!” saad ko. Idinikit ko ung tenga ko sa pinto. Tulog pa ata.

“hoy! Daryl! Gising na sabi!” saad ko. pero ekk. Wala padin. “Dary—kyah!” usal ko ng biglang bumukas nag pintuan. Kaya tadah! Naglanding aketch sa kanyang matipuno, malusong, malaki at basa nyang dibdib. Teka? Bakit basa? Napaangat ang tingin ko sa kanya. Natuluan tuloy ng tubig ang mukha ko.

Kakaligo lang ng gurang!

 

“Anu bang ginagawa mo Jessica?” utas nya sakin. Inayos ko ung tayo ko tapos nagiwas ng tingin.

“eh. Pinapatawag kana ni manang Lourdes. Dumating na sya.” Saad ko, Naglakad sya papunta sa closet nya tapos namili ng damit doon.

Eherm. Napatingin ako sa kanya. HOT DARYL.

Nakatuwalya lang sya tapos nakabalandra pa talaga sakin ang macho nyang katawan na may shining shimmering effect pa. Jusko. My virgin eyes!

My virgin eyes! My virgin eyes! Eh, hindi ko nga maalis ang titig ko sa kanya eh! Tsss. Naughty Jessica. Naughty!

“anu pang tinatayo-tayo mo jan?” saad nya sakin. Ngumuso ako. Sungit nito! Tinitignan ko pa nga ung abs nyang parang gustong magpahawak sakin eh.

Umirap ako. “Tss. Sungit gurang!” saad ko. Nakita kong napatawa sya tapos umiling. “tss. Crazy. Gusto lang akong silipan eh.” Saad nya. Napatigil ako sa paglalakad dahil sa sinabi nyang iyon. Anu daw?? Kapal much ha! Pero.. well, totoo naman! Slight.

“Hoy! Gurang ka! Ang kapal ng face mo! Sinong may sabing gusto kitang silipan? In your dreams naman no! Che! Nakakasura kaya ung muscles kaya biceps mo! Ilan bay an? One.. two.. three.. four.. five.. six.. Oh! Oh! Tignan mo six lahat!” saad ko tapos nagiwas ng tingin. Yes! Nabilang ko na din sa wakas.

“HAHAHA. Crazy girl! Gusto mo ng magpakasal? Para matikman mo na ‘to.” saad nya tapos nakangeseng humarap sakin. Hinawakan pa nya ang mapula nyang labi, Napatingin tuloy ako sa daliri nya kung saan nakasuot ang engagement ring namin.

Pinamulahan ako ng mukha. Shit. Para na talaga kaming magasawa.

“tss! B-Bastos ka t-talaga! Bakit ko naman yan titikman? In your dreams no!” saad ko tapos padabog na nagmarcha papuntang pintuan.

“Alis na ako! Manyak nito! Gurang! Che!” saad ko tapos sinarado ang pinto.

“oh, asan na si daryl?” sabi ni manang Lourdes sa akin. Habang inilalagay ang pagkain sa mesa.

“Nasa taas po, nagbibihis.” Sabi ko.

“Oh sya. Kapag bumaba sabihin mo kumain na. iidlip lang ako sandali ha? Nakakapagod ang biaje.” Saad nya. Tumango ako tapos nagsimula ng kumain.

“Hindi mo talaga ako hinintay anu?” sabi nya. Kulang nalang ay nailuwa ko ang kaning nasa bibig ko dahil sa gulat.

Binalingan ko sya tapos pinukol ng masamang tingin. “Papatayin mo ba ako sa gulat?”

“May namamatay pala sa gulat?” sabi nya tapos umupo sa tapat ko at nagsimula nading kumain. “hmm. Sarap ni manang Lourdes magluto. Di tulad ng isa dyan. Walang alam.” Saad nya.

Napatingin ako sa kanya dahil feeling ko ako ang pinaringgan niya.

“ako ba pinaparinggan mo?”

“bakit, natatamaan kaba?” saad nya. Sumimangot ako tapos inirapan sya. “Bwisit kang gurang ka! Bakit ba ako naengaged sayo tsss. Retarded!” utas ko.

 

“feeling mo naman gusto ko maengaged sayo!” saad nya. Kumulo ang dugo ko to the max dahil sa sinabi nya.

“oh edi sige, lets have a deal! Pagkatapos ng isang taon hiwalay na tayo! Sabihin natin nagaway tayo o something tsss! Nakakainis ka! Feeling mo naman gwapo!” utas ko.

Tumigil sya sa pagkain tapos binalingan ako. Oy! Hindi sya feeling. Gwapo nga. “Edi sige. Basta wag kang maiinlove sakin.” Saad nya.

“Tsss! Feeling mo naman! Hoy! Para sabihin ko sayo! May crush ako no. Ash ang pangalan nya. Kaya hindi ako magkakagusto sayo.” Sabi ko with feelings.

 

“oh, edi sige. Let’s see.” Saad nya na para bang sigurado syang maiinlove ako sa kanya.

Love Again: Daryl Enrique StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon