Introduction.
"Hayyyyy... ang gwapo gwapo talaga niya... tapos ambait-bait pa... tapos cute din siya, matalino, mayaman, gentleman at... nasabi ko na bang pogi siya? eeeehhh!!! tapos~~"
Blah blah blah blah-
Jusko heto nanaman po kami ng magaling kong kapatid-kapatiran.
Sa tuwing uuwi siya galing Maynila yan na lang palaging bukam-bibig niya. As if naman may taong perpekto nu?!
"Hoy! Charyna di ka nanaman nakikinig!? Ayaw mo bang malaman development ng love life namin?!" galit na sita nanaman niya sakin.
"Bakit kayo na ba? hah?" At sinamahan ko pa to ng nakakainis kong pagngisi.
Sasabog na to. Sasabog na to! haha
Pero laking gulat ko ng bigla siyang ngumiti. Hindi lang ngiti! Ngiting-ngiti pa, I mean ngiting tagumpay ang loka! Dati sa tuwing tinatanong ko siya ng ganon bigla na lang siyang sisigaw at magwa-walk-out.
Anyare?
Bigla siyang lumapit sakin at madamdaming bumulong habang kinikilig...
"Malapit na... Wahahaha!!!" At saka ito tuluyang umalis?... Ng tumatawa?
Sandali akong natulala.
"Hala! First time yung magwalk-out ng masaya ah?"Napakamot ako sa naisip ko.
"Tsk, Bakit ko ba yun pinoproblema, dapat nga masaya ako e. Atleast di na siya mukang tanga" Napangiti ako ng maisip ko un.
Pero... agad ding napailing.
"Kinakausap ko nanaman sarili ko!"
Anyway...
I'm is Maria Charyna Paraiso, 17 year of age, Single (at pag sinabi kong single ibig sabihin nun literal kasi ulilang lubos na 'ko) eherm, cute lang, morena, slim, at ano pa ba? ahmmm....
AH! Oo nga pala ung kausap ko kanina ay si Queen Elizabeth Linel.
At seryoso ako dun un talaga pangalan niya.
Siya lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng kanilang negosyo dito sa probinsya. Ang nag-iisang reyna, maganda, matalino, bratenela, bongga, God's gift to men at ang nag-iisa kong kapatid-kapatiran.
Yep, Inampon ako ng tatay niya. Pero pangalan pa rin ng tatay ko ang gamit ko. Matalik na kaibigan naman kasi ni Mama at papa si Dad Angelo kaya okay lang sa kanya na kupkupin at pag-aralin ako.
At kung tatanungin niyo kung mabait sakin si Queen????
Sympre OO! haha. Hindi ko rin alam kung bakit e, knowing na lage ko siyang inaasar at saka maarte at mataray naman siya sa iba.
Pero siguro sabik siya sa kapatid kaya parang kapatid na turing niya sakin.
hmmmm... Akala niyo ako inaapi nu? Hindi ah! ako kaya nang-aapi. Haha
"CHARYNA!!!!"
Ayan na naman! Ang mala-halimaw niyang sigaw.
"Busy ako Queen! Mamaya nalang tayo magkwentuhan! Inaantok ako! K?. NIGHT!!!!" kahit tanghaling tapat! Haha.