Chapter 18

41 2 0
                                    

Pilit kong pinakalma ang sarili ko at dahan-dahang naglakad palabas ng kusina.

"Bruuuhhhh! Bruuuhhh! Bruuuhhh!" naiiling kong pag-aalis sa imahe ng mga nangyari kanina.

Wala akong hika at lalong wala akong sakit sa puso pero pakiramdam ko ay iniwan ako ng hangin dahil sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahilan para makaramdam ako ng sobrang panghihina. Nakahinga lang ako ng maluwag ng marating ko ang sofa ng di ako natutumba.

Madrama akong umupo habang sapu-sapo ang nagkakarera ko paring dibdib.

Hindi ako makapaniwalang nararamdaman ko ang lahat ng ito ng dahil sa kanya... ng dahil sa mga simpleng galaw niya.

Hindi ko rin alam kung anong pwersa meron siya at tuwing lumalapit siya sakin o nararamdaman ko ang hangin na nagmumula sa kanya ay nagwawala ang buong sistema ko, nawawala ako, nanghihina at parang lumulutang na 'di ko alam...

"Nababaliw na ba ako?"

Muli kong hinawakan ang malikot kong dibdib at lalo akong nakahinga ng matiwasay ng maramdaman kong tumigil na ang sobrang bilis na pagtakbo nito.

Huminga ako ng malalim at pinakiramdaman ang paligid. Abnormal. Sobrang abnormal.

Bago sakin ang lahat. Mula sa paligid, sa mga tao at kahit sa mga nararamdam ko...

Pakiramdam ko tuloy ako ang tinuturuan ng leksyon dito.

Ng tuluyan ng kumalma ang buong sistema ko ay saka naman may tumunog sa tabi ko dahilan para mapalukso naman ako sa gulat.

"Peste! Papatayin niyo ba 'ko?"

*Ring-Riiinnnggg! Ring-Riiinnnggg*

Patuloy lang ang pag-ring ng bwisit na cellphone at patuloy ko lang din itong tinitigan ng masama, umaasang tatahimik ito sa uri ng pagtitig ko.

Hindi dahil sa tinatamad akong damputin o sagutin ito kundi dahil hindi naman ito sa akin at lalong ayokong madisappoint kapag pangalan ng kung sinong babae ang makita ko.

Matapos ang ilang nakakainis na ring ay tumigil ito at hindi pa lumilipas ang isang minuto muli nanaman itong tumunog.

Tatlo pang lumipas na ring ay napagpasyahan kong silipin kung sino ang makulit na tumatawag. Nakakainis kasi! Ang ingay!

At laking gulat ko ng isang hindi isaasahang pangalan ang nakalagay sa malikot at pagtuloy na nag-bi-blink na screen.

Kung kanina pakiramdam ko'y tumatakbo ang puso ko, ngayon nama'y parang tuluyan na kong iniwan nito!

"E-eli-Elizabeth?"

Isang malaking bahagi ng utak ko ang nanunudyo at nagsasabing sagutin ko ito sapagkat nandito ang hinahanap kong tama sa lahat ng maling iniisip ko at sagot sa lahat ng tanong na gumugulo sa sistema ko at ang maliit na bahagi naman ang nagpipigil saking gawin yun.

Mahina kong pinalo ang kamay ko ng maramdaman ko ang kakaibang panginginig nito.

'Excited ako kaya nanginginig ako hindi dahil kinakabahan ako!' Sunod kong pinalo ang ulo ko matapos ng naisip ko.

'Sinong niloloko mo? Natatakot ka kaya ka nagkakaganyan!' kantyaw naman ng isip ko.

Namutla ako sa isang realisasyon. Totoo nga kayang natatakot ako na baka nga si Queen ang Elizabeth na tumatawag? Pero bakit? Bakit naman ako natatakot?

Mabilis kong pinilig ang ulo ko sa mga naiisip ko.

Imposible. 'Hindi ako excited o kinakabahan o natatakot. Galit ako. Yun ang totoong nararamdamn ko.'

Kaya naman walang anu-ano'y dinampot ko ang malikot na telepono at pinindot ito sa 'Accept Button' ngunit bago pa man ito tuluyang lumapat sa tainga ko ay biglang may humigit nito sa akin kasunod ang isang seryoso at iritadong sagot na awtomatikong nagpaharap sa akin sa kumuha nito.

"Hello?" he paused. "What made you call this time?" patuloy niya habang diretso paring nakatingin sa 'king mga mata na wari'y ako ang kinakausap.

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa bigla niyang pagsulpot at nanatili ako sa pwesto ko hindi dahil ayokong umalis kundi dahil hindi nanaman ako makagalaw.

"I'm fine. Always fine and you?"

Awkward, Kaya naman pinilit kong gumalaw.

I was about to leave ng bigla niyang kinabig ang braso ko dahilan para mawalan ako ng balanse at kasunod ang mabilis niyang paghapit sa baywang ko. And right there! Nakaramdam ako ng isang kakaibang maliliit na grupo ng kuryente na biglang dumaloy dahil sa tuluyang paglalapat ng mga katawan namin.

Mariin akong pumikit habang pinapakinggan ang mabilis niyang paghinga gayon din ang abnormal na pagkabog ng puso niya... dinig na dinig ko. Naisip ko tuloy baka naririnig din niya ang pagtakbo ng dibdib ko kaya naman mahina kong itinulak ang katawan ko palayo sa kanya.

Ngunit sa pagtataka ko ay lalo lang niyang hinigpitan ang pagkakayakap sakin dahilan para lalong maglapat ang mga katawan namin.

"Really?" he continually said while gently rubbing my back making my whole body at ease.

Hindi ko na sinubukang itulak siya ulit dahil mahirap man sabihin pero ang sarap sa pakiramdam.

Pakiramdam ko nahanap ko na ang kapayapaang matagal ko ng hindi nakikita. I feel safe, calm and... peace of mind.

Kung ganito ang pakiramdam ng taong niyayakap, edi sana matagal na akong nagpayakap kahit kay Queen. Kahit habambuhay nalang akong may kayakap maramdaman ko lang ito.

"Uh-huh?" kasunod ng pagtango niya ay ang paglapat ng baba niya sa ulo.

"I'm not mad..."

Napasinghap ako ng maramdaman ko ang mumunting halik na iginagawad niya sa buhok ko. .Ngunit siguro'y naramdaman niya ang pagkabigla ko kaya naman itinigil niya ito..

Ngayon ako naman ang natutuksong yakapin siya.

I was about to hug him back when I felt him loosen his grip on me kaya naman bigo kong ibinaba ang nakaamba ko ng mga braso.

"Are you serious?" medyo tumaas ang boses na sinabi niya dahilan para tuluyang bumitaw siya sa pagkakayakap sakin.

Hindi ko alam pero pakiramdam ko may kalakip na sigla ang pagtataas niya ng boses. Bigla akong nakaramdam ng pagkaumay at paghihina kaya naman pinili kong umupo na lamang. At naisip ko rin na mukha akong tanga kung patuloy akong tutunganga sa likod niya...

Oo, bigla siyang tumalikod pakabitaw sa 'kin. Yung kaninang kapayapaan na naramdaman ko ay napalitan ng mabigat na pakiramdam...

Lalong lang bumigat ang pakiramdam ko ng bigla siyang humarap sa akin na may malaking ngiti sa labi. Ngiti na nagpaaliwalas sa buong bahay niya at ngiti na ngayon ko lang nasilayan.

"Great!-- yeah I'm happy--you made me happy... see you soon. Bye"

And right there and then I feel sore. Hindi ko alam kung saan, basta ang alam ko may masakit sakin.

Pagkatapos niyang tapusin ang tawag ay maligayang-maligaya siyang humarap sa akin. Feeling ko tuloy napapalibutan siya ng lahat ng positive energy sa ngiting nakatagpi sa mga labi niya kumpara sakin na parang kulang nalang lagyan ng signboard with "SuperNega" on it.

"Maria!" He happily approach me. "She's coming back!"

Bigla akong nagising sa sinabi niya.

"Huh? Who's SHE?"

"SHE." makahulugan niyang tinuro ang kaliwang dibdib niya at nakakalokong tumawa ng mahina.

How to serve a cool PRINCE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon