Chapter 5

119 0 0
                                    

Yes Way.

Charyn's POV

"La-lala-lala-hmmmm-la-la"

Ansaya ng umaga ko! Matapos ang dalawang linggong pagdurusa sa ingay ni Queen ito ako ngayon namumuhay na ulit ng payapa! MABUHAY!

*tok-tok-tok*

"Ma'am!"Aypalaka! Putcha nagulat ako, seryoso!

"Ma'am! Ma'am Charyna!" ay kala ko joke lang yong kumakatok. Hehe!

"Andyan na po Ate Rosa! Wait lang po ng onting-onti!" at dali-dali kong tinapos ang paliligo ko at binalot ang slim kong katawan sa putim-puting towel na amoy downy.

"Dali po Ma'am! emergency po to di to joke-" aligaga niyang sabi pagkabukas na pagkabukas ko.

Bakas sa muka ni ate Rosa ang pag-aalala at panghihilakbot?

Hala! Anyare?

"Ma'am kailangan niyong pumuntang Maynila!" Oa niyang pagkakasabi.

"Bakit ano ba nangyar- ANO?! Ate Rosa pakiulit nga po yung sinabi mo, para kasing na bingi ako e" Hindi pwede!

"Ma'am kailangan niyong pumunta ng Maynila!" inulit niya nga at ganung-ganon din ung pagkakasabi.

"At saka Maam ngayon na! wag na daw po kayong magdala ng mga damit ipapamili nalang daw po kayo do-"

"Teka-teka nga muna Ate Rosa!" pagpuputol ko sa kanya.

Bahagya naman siyang tumigil at tumingin sakin na parang natatae na ewan.

"Ate Rosa, good mood po ako. Pero, Sobra naman po ata 'tong joke mo... alam mo pong wala na akong balak pumunta ng Maynila..." pilit kong pinakalma at seneryoso ang boses ko.

"Ma'am sa ayaw at sa ayaw niyo po kailangan nyo paring pumunta dun at dun na muna manirahan-" pinutol ko siya!

"ANO?!" Nakita kong napapitlag siya sa pagkakasigaw ko.

"BAKIT? Teka nasaan ba si Dad Angelo?!" Wooh! Konti nalang magpi-freak-out na ko dito.

"Nasa-byahe-na-po-siya-ngayon-pa-Maynila!-Hindi-na-niya-po-kayo-nahintay-kasi-nagmadali-na-siyang-makaalis-kaagad!" dire-diresto niyang pagkakasabi.

Ang tagal naproseso ng utak ko ung mga sinabi niya, naintindihan ko naman yung pagkakasabi pero hindi ko rin maintindihan kaya nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"MA'AM! NASA OSPITAL PO SI MA'AM ELIZABETH! NAGTANGKA PO SIYANG MAGPAKAMATAY!!!!"

How to serve a cool PRINCE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon