Naging tahimik ang byahe namin ni Mang Tomas. Siguro nadama ng matanda ang masamang elementong nababalot sa akin kaya nanatili nalang siyang tahimik.
"Ma'am mag-ingat po kayo" nag-aalalang sinabi sakin ng matanda bago ako tuluyang lumabas ng sasakyan.
Tumango lang ako at pinagbilinan siya na huwag makikialam o magsusumbong kay Daddy Angelo saka agad nagpaalam sa kanya.
I'm on my way to his suit ng biglang may lumapit sa 'king magandang babae na naka-uniporme.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa at vice versa. Mga tatlong beses niya yung ginawa at saka malapad na ngumiti sakin.
"I supposed. . . your Miss Maria, right?" magiliw niyang pagtatanong.
Alanganin akong tumango at tiningnan siya ng may pagtataka.
She's holding a piece of paper and handed it to me.
"Ma'am pinapaabot po sayo ni Sir Dela Torre"
Agad siyang umalis pagkabigay sakin ng mahiwagang papel.
Kunot-noo kong tiningnan ang hawak kong papel at muling sinulyapan ang babae at laking gulat ko ng lumingon ulit ito at inirapan ako?
Tama ba yung nakita ko? Inirapan niya ako?
Dahil sa inis ko sa inasal nung babae ay marahas kong binuksan ang mahiwagang papel na hindi ko alam kung kanino nanggaling.
At Lalo akong nainis ng makita ang laman nito.
"1.1.1.8"
-Raniel"
"So, galing pala sa damuhong yun ang papel na hawak ko? Teka! para saan to?" mahina kong bulong at agad ibinulsa ang papel.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa harap ng lungga niya.
Nasagot ang tanong ko ng di ko mabuksan ang pintuan ng unit niya.
Buti nalang ipinanganak akong hindi tanga kaya't Ti-nype ko ang mga numero at 'click' bumukas ang pinto.
Napangiti ako ng malapad at agad din itong napawi ng muling bumungad sa 'kin ang walang buhay at boring niyang sala.
Hindi ko talaga lubos maisip na dito siya nakatira. Ang ini-expect ko ay isang elegante at gawa sa gintong bahay pero ito ang nadatnan ko.
Muling naging malikot ang isip ko at nakabuo ng isang haka-haka.
"Hindi kaya nagkukunwari lang siyang mayaman?" awtomatiko namang umikot ang mga mata ko sa naisip at agad itong ipinilig.
"Tss... Mahirap, may maid? oh c'mon!"
Tinungo ko ang sofa niya at pabagsak doong umupo.
Malambot. Halatang mamahalin.
Muli kong inilibot ang mga mata ko sa buong kabahayan niya.
Simple lang ang desenyo hindi ganon kagarbo pero mahahalata mong mamahalin lahat.
Hindi ako ipinanganak na mayaman pero dahil na rin sa limang taon kong pamamalagi sa mga Linel ay masasabi kong naging pamilyar na ako sa mga mararangyang bagay.
Natuon ang mga mata ko sa isang gawi, kung saan matatagpuan ang kusina niya.
Hindi pa nga pala ako kumakain buhat kaninang tanghalian at wala pa rin akong pahinga buong maghapon. Pero siguro dahil na rin sa matinding galit at pagkainis kaya hindi ko yun maramdaman.
Kaya imbis na kumain o matulog ay tinungo ko nalang ang ikalawang palapag ng bahay niya at agad nilapitan ang mahiwagang pintuan.
Hindi ko alam kung kanino itong kwarto pero malakas ang pakiramdam ko na ito ang kwarto ni Raniel kaya pinangalanan ko itong mahiwagang pintuan.
Maingat kong hinawakan ang siradura at hindi na ko nagtaka ng hindi ito bumukas.
May tatlong kwarto sa taas pero hindi ko na pinag-aksayahang tingnan ang iba.
Kaya naman napagpasyahan kong bumaba nalang ulit at doon gumawa ng plano.
Wala akong balak magtagal dito kaya naman sisimulan ko na ang pagpaplano.
Prente akong sumalampak sa malambot niyang sofa at agad kinuha sa bag ko ang dala-dala ko palaging notebook at isang ballpen.
Hinati ko sa gitna ang notebook at agad isinulat ang aking Mission Possible.
Mission Possible:
How to serve a Prince
Date started: November 8, 2013
11:26 p.m.
1. Drown him to death (Painomin ng superduperultramegang mapait at mainit na kape).
2. Poison him (Pakainin ng sobrang anghang na spaghetti)
3. Make him suffer (gumawa ng mga bagay na magdudulot ng pananakit ng katawan niya)
4. Suicidal headline (Hanapan siya ng baho)
5. Hello Wig! (Kalbuhin siya)
Mission Possible: ______________
Mission ended:_________________
MCBP ;)
Signature