"Pambihira! Queen sagutin mo!"
Frustrated akong sumalampak sa kama ko. Kanina ko pa sinusubukang ma-contact si Queen pero hanggang ngayon out-of-coverage pa rin! Ngalay-ngalay ko ng ibato ang cellphone ko kung hindi lang ako naghihinayang.
Simula ng umalis si Raniel ay hindi na ako mapakali idagdag pa na hanggang ngayon ay hindi pa ito bumabalik at hindi pa ako kumakain!
Masayang umalis ito matapos niyang makatanggap ng tawag dun sa 'Elizabeth' at sinabing babalik siya agad para sabay kaming mananghalian. Pero kanina pa 'yung alas-diyes at mag-aalas dos na eh wala pa rin ito.
At yung walang kwenta at good for nothing niyang Ref ay Walang ibang laman kundi mga bottled water at iilang beer-in-can. Nakakabwisit! Hindi ba nila alam na bukod sa mga tubig at walang kwentang alak ay pwede rin yung lagyan ng pagkain? Nakakainis!
At bukod sa gutom ay kinakabahan din ako kaya napagdesisyunan ko munang manatili dito sa "kwarto" ko "daw" (na hindi mukhang kwarto ng katulong dahil sa lawak) na baka pagbukas ng pintuan niya ay may kasama na siya. At lalo akong kinakabahan pag si Queen yun!
H-hindi sa natatakot ako!
Sunod-sunod kong pinilig ang ulo ko sa huling naisip, Hell! kelan ako natakot kay Queen? Baka nga yun pa ang matakot! Ayaw ko lang dun sa idea na---NA SI Queen ay si ELIZABETH!
NO WAY!
Padapa akong humiga sa kama habang patuloy ang pagdial kay Queen. Ayaw kong nasusurprisa kaya kailangan ko siyang makausap!
~brrrrrr~
Muli naman akong napabangon ng magreklamo nanaman ang tiyan ko.
"awtsu~ wait ka lang dyan pwede? Onting hintay nalang makakalbo din natin siya okay?" at madrama kong hinimas ang kawawa kong tiyan.
Ilang sandali pa ay napagpasyahan kong bumaba para uminom. Baka madala sa tubig.
Ngunit bago pa ako tuluyang makaapak sa hagdan ay narinig ko ang tunog ng pagbukas ng pinto. Hudyat na may pumasok. Mabilis akong bumalik sa veranda ng hagdan niya at tahimik na nagtago. Umaasang wala siyang kasama kundi ang mga pagkain na kanina pa hinihintay ng tiyan ko.
Sinakop ng dalawang mahihinang nakakalukong tawa ang sala at nakahinga ako ng maluwag ng malamang may kasama siya pero lalaki. Ibig sabihin walang Elizabeth!
"I can't believe na babalik pa siya after what happened" anang pamilyar na boring na boses ng isang lalaki.
Nanatili ako sa pwesto ko. I know eavesdropping is bad pero alam ko na mas bad yung nangangako na babalik agad.
"Yeah, I know that's what I exactly thought..." Hindi makapaniwalang sagot ni Raniel.
So, yung Elizabeth nanaman pala pinag-uusapan nila. Kung kanina tiyan ko lang ang kumukulo ngayon pati lahat ng cells ko nagwawala na sa inis.
Hanggang kelan ba magiging panggulo ng buhay ko ang pangalang Elizabeth?! Please umay na umay na umay na umay na ako!
At talagang gutom na ako...
Napagdesisyunan ko ng bumaba dahil gustuhin ko mang may malaman eh Hindi na kakayanin ng tiyan ko kailangan ko na talagang marepeelan!
"Mahal mo pa?"
Agad akong napahinto sa sinabi ng kausap ni Raniel at hindi ko alam pero sa kabila ng gutom na nararamdaman ko ay nagawa ko pang maghintay sa isasagot nito.
'M-mahal? ibig sabihin minahal niya and who knows kung mahal pa rin niya?'
Ngunit sa pagkadismaya ko ay tanging malalim na "tss" lang ang naisagot nito. I wonder ano kaya ibig sabihin nun?
"Fuck! I almost forgot I have a company here! Wait dude you prepare this and I'll call her"
Nanigas ako sa sinabi ni Raniel at dali-daling umakyat pabalik sa kwarto ko at bago pa man ako makapasok ay narinig ko pa ang nagtatakang tanong ng kasama niya.
"Her?"
Isinara ko ang pintuan ko at agad nagtalakbong ng kumot para magkunwaring natutulog. Mas lalo kong idiniin ang pagkakapikit ng marinig ko ang malumanay na tawag niya.
"Maria?"
Marahan itong kumatok sa pintuan ko at mahinang tinawag ang pangalan ko.
"Maria are you there? I'm here let's eat"
Naaakit akong tumayo na at buksan ang pinto para paunlakan ang nakakagutom niyang paanyaya pero ayoko namang isipin niya na gising ako at maaaring narinig ang mga pinag-usapan nila kaya onting tiis nalang talaga promise!
"Maria is it okay to you if I---uhmm---come in?" nag-aalangan nitong tanong.
Awtomatikong umikot ang dalawa kong mata ng marinig ang tanong nito.
Hello? Bahay niya to! Siya nagbabayad ng ilaw, tubig at kung anu-ano pang utilities expense kaya malamang pwede!
Nakakainis! Hindi pa siya pumasok at suyuin ako para kumai--Wait! SUYUIN?! San galing yun!? Haist! Gutom na talaga ako. Kung anu-ano ng naiisip ko...
'Hoy! Tigilan mo na pagiging gentleman kuno at gisingin mo na ako para kumain! Come and get me ano ba!'
At bilang sagot sa himutok ko ay pinihit nito ang seradura at maingat na pumasok. Naramdaman ko ang presensya niya kaya naman lalo kong ginalingan magtulog-tulugan.
Pero imbis na yugyugin ako para magising ay naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng kama. Nakatalikod ako sa kanya pero hindi ako tanga para hindi malaman na umupo ito sa tabi ko. Hindi ganun kalaki ang kama ko pero sapat ang dalawang ako para rito kaya naman ramdam na ramdam ko ang malapit niyang presensya gayun din ang kakaibang pagkabog ng dibdib ko.
"Maria" he poked me.
muntik na kong mapatalon buti nalang inihanda ko ang sarili ko para doon.
Hinintay ko ang susunod niyang galaw ng bigla itong magpakawala ng isang malalim at mahabang buntong-hininga.
"Okay... I'm sorry" tila nagiguilty nitong sinabi. "I'm sorry for taking that long..."
Sandali akong natulala sa inasal niya. Hindi ako makapaniwala na mag-so-sorry siya sa simpleng pagkakamali na ginawa niya. I know it's a big deal for my tummy pero wala sa pinaniniwalaan kong siya ang ganoong ugali. Humbleness.
At feeling ko kung magsalita siya parang napakaimportante kung tao para pag-aksayahan niya ng panahon. Teka, ganito kaya siya sa lahat ng babae?
Nakaramdam ako ng inis sa naisip ko. Siguro nga!
Marahan itong tumayo sa pag-aakala kong aalis na ngunit laking gulat ko ng bigla nitong hawakan ang balikat ko at sa hindi malamang dahilan ay bumalik lahat ng mga nangyare kanina... yung pagyakap niya, yung mumunting halik... at...
Biglang akong napabangon dahil sa kilabot. Hindi ako makapaniwala na maaalala ko pa yung mga ganong pagyayari! Dapat sa mga ganon binabaon na sa limot!
"G-gising ka?" may halong gulat nitong tanong.
Hindi ko siya pinansin o pinakiharapan. Tumayo ako at dire-diretso ng lumabas sa kwarto.
Ayaw ko ng ganito! Yung tipong kahit ang makasama siya sa iisang kwarto ay hindi ko kinakaya dahil feeling ko any moment sasabog ako sa sobrang bilis ng takbo ng puso ko. Wala pang isang araw nagkakaganito na ko! Papaano na sa mga sa susunod na araw? Papaano na ang isang linggo? Papaano na ang mga pinlano ko? Itutuloy ko pa ba o uuwi nalang ako?
Siguro nga kailangan ko ng magpacheck-up dahil sigurado akong hindi na to normal. Hindi ako ito!