Chapter 2

170 3 0
                                    

Family.

"Bye Charyn! Mamimiss kita, don't worry update agad kita pag kami na! Hihihi"

Eww! Kinikilabutan ako sa kalandian niya!

Tapos na ang sembreak kaya back to Manila na siya at sigurado akong new year pa ang balik niya dito. Ang dahilan? Walang iba kundi ang nag-iisang prinsipe ng buhay niya. Simula ng makilala niya yun di na siya umuuwi tuwing Pasko.

"Update mo nalang ako pag matino kana. K?"

Inirapan lang niya ako at nagmadali ng sumakay sa sasakyan niya.

Ka-edad ko lang siya pero may sarili na siyang sasakyan, pero sympre may driver siya. Ano pa bang aasahan... rich kid eh, only tagapagmana pa.

Pero bago siya tuluyang umalis ay sumilip siya sa bintana at ngiting ngiting sumigaw.

"Bye ATE!!!!!! Whaha" at saka tuluyang umalis.

"TSS. As if naman ang laki ng agwat namin, limang buwan lang kaya-Ugh! 'Bat ba ang hilig kong kausapin ang sarili ko?!"

"Charyna. . ."

"Da-dad!"

Sinapak ko ang sarili ko mentally! Shit! Nahuli nanaman niya ko sa kabaliwan ko!

"Kausap mo nanaman sarili mo"? Aniya na may halong onting ngiti.

"Ahm... Ano kasi Dad-"

"It's okay, No need to explain ahm-again. Manang-mana ka talaga sa mama mo" nakita kung kumislap ang mga mata niya ng banggitin niya si mama.

Eh? Ganon talaga sila ka-close?

Ngiti nalang ang tangi kong naisagot.

"Charyna hindi ka ba naiinip dito?" seryosong tanong ni Dad Angelo.

"Huh? Hi-hindi naman po, bakit niyo naman po natanong yan?"

Nangako ako kay Mama na dito lang ako. Hindi ko iiwan ang mga alaala nila dito.

"Wala naman, ang akin lang, baka gusto mo ding mag-aral sa Maynila kagaya ng kapatid mo." nabigla ako sa sinabi niya. Never niya pa akong kinausap tungkol sa Maynila eh, well... ngayon Lang.

"Hindi po talaga, masaya po ako dito." as if naman kaya ko pang pumuntang Maynila sa lahat ng nangyari sa buhay ko.

"Tandaan mo lagi Charyna, wag ka sakin mahihiyang magsabi. Anak kita at obligasyon kong ibigay lahat ng pangangailangan niyo."

Oo, ganyan talaga siya kabait. Kailanman hindi niya pinaramdam na kinupkop lang niya ako. Kahit nung buhay pa sila mama, anak na turing niya sakin.

"Opo. Salamat po Dad Angelo. Sige po, akyat na po ako."

Nagmadali akong makaalis sa harapan ni Dad Angelo. Awkward na kasi ng topic. Ayoko ng ganong usapan naalala ko lang ang mga magulang ko. Ang katigasan ng ulo ko kaya sila naaksidente, nung sabay silang bawiin sakin ni Bossing. Masyadong masakit pa rin. Kahit limang taon na ang nakaraan...

Sariwa pa rin sa isipan ko ang lahat.

How to serve a cool PRINCE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon