Chapter 10

117 0 0
                                    

Muli kong tiningnan ang suot kong relo at naiinis na napakamot.

7:23pm

"Sheet! Anong oras kaba lalabas dyang damuho ka? Lumabas kana parang awa mo na!" bulong ko sa sarili ko.

Nakakainis! Imagine mahigit apat na oras na akong naghihintay para lang makalbo siya!

Napatingin ako sa cellphone ko ng muli nanaman itong nagring at pangalan ni Daddy Angelo nanaman ang nag-appear sa screen.

Pang sampung beses niya na tong tawag kaya naman napagdesisyonan kong sagutin na ito.

"Hel--"

"Charyna~ balik ka na daw dito sabi ni Dad~" boses ni Queen?

"Sinabi mo kay Daddy kung nasan ako?!" naiinis kong tanong kay Queen.

Pagod na ako at bwisit na bwisit na dito sa paghihintay sa Prinsipe niya para lang makaganti tapos isusumbong niya ako kay Daddy?!

"No! H-hindi... K-kanina ka pa kasi niya hinahanap eh"

"Just tell him na I'm busy with your shits Okay?!" at agad kong in-end and call para kontakin ang ibang number.

"Mang Tomas pasun--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng may matanaw akong itim na sasakyang palabas.

"Mamaya nalang pala Mang Tomas!" at agad akong tumakbo sa gitna ng kalsada kung san siya dadaan ng makompirmang kanya nga ito at iniharang ang slim kong katawan.

Ito ang unang plano ko para makalbo siya. Subukan mo lang banggain ako ng tuluyan kitang mamurder!

Ibinuka ko ang dalawang braso ko at mariing pumikit habang umuusal ng dasal.

"Lord~ Patawad~ kung ako'y makasalanan~ makasalanang nila---" ayan na ang ilaw at bigla akong napamulat ng makarinig ng malakas na busina.

*BEEEEPPPP*

Ni hindi manlang dumikit o sumanggi sakin yung kotse ng hinayupak. GOOD! Takot ka pa palang mamatay.

Pero lumipas ang isang minuto hindi parin siya bumababa sa sasakyan niya.

PLAN A: FAILED

Muli kong isinara ang mga mata ko at nagkunwaring nahimatay. Ito na ang backup plan! Kala mo ha di kita makakalbo! In your dream!

Naramdaman ko ang malamig na semento kasabay ng dalawang malakas na pagbukas-sara ng pintuan ng kotse.

wait! Bakit dalawa? don't tell me may kasama siya?! May pipigil sa perpekto kong plano?!

"M-miss are you okay?" nag-aalalang tanong ng kung sino mang lalaking ito.

Infairness! Ampogi ng boses... Hula ko hindi siya to. ASA! Baka nga sipain pa ko nun sa sobrang sama ng ugali nun eh!

"Miss~?" ulit niya at tinapik ang pisngi ko.

One Sheet of paper! Ang lamig ng semento! try mo kaya akong buhatin!

And tadaaa! Parang narinig niya ang dalangin ko at dali-dali akong binuhat.

Bride style pa! Am sweet....

Naramdaman ko ang medyo nanginginig niyang braso at mabilis na tibok ng puso. Amoy ko rin ang mabango niyang pabango... SHEET! NAKAKINLOVE!

"Sigurado ako isa siya sa mga gustong maging maid mo. tss" sabi ng isa namang seryosong boses.

Muli akong nakaramdam ng inis ng maalala ko kung bakit nga pala ako nandito.

At tama ba yung nadinig ko? Ibig sabihin....

Itong nagbubuhat sakin yung paasa, player, manggagamit at walang kwentang dahilan kung bakit gusto ng mamatay ni Queen?! Ito yung kurimaw na kakalbuhin ko?! At ito yung PRINCE?!!!

A-ang bango pala niya...

Agad kong pinilig ang ulo ko... unconsciously...

"Gising na siya!" mabilis na sigaw ni-kakalbuhin-ko.

Sheet! Pano mo nalaman?!

Mabilis siyang tumakbo at isinakay ako sa sasakyan niya.

"Dalhin natin siya sa ospital!" Boses nanaman ni-kakalbuhin-ko.

"HINDI!" Matigas na tutol ni-seryoso.

Mumulat na sana ako para pigilan siya buti pinigilan ni-seryoso.

"WHAT?! dadalhin ko siya sa ospital at kung di mo trip pumunta dun pwede ka ng bumaba" maangas na pagkakasabi ni-kakalbuhin-ko.

Huh! ngayon pa siya nag-aangas ha! Sarap ng kalbuhin! kelan ba aalis tong asungot na seryosong to para masulo ko na to si-kakalbuhin-ko!

"tss... Lam mo Ran matagal ko na talagang gustong umalis DITO. Pakyu ka kasi ginawa mong pugad ng mga aspiring maid mo yung pamamahay ko. Pasalamat ka pinanganak kang kaibigan ko. Sige tol, sunod ka nalang" mahabang litanya ni-seryoso at agad lumabas ng sasakyan.

Tseh! Daming sinabi aalis din pala! FINALLY ITS MY TURN!

Akmang mumulat na sana ako ng biglang nagsalita si-kakalbuhin-ko.

"Anong kailangan mo sakin?"

How to serve a cool PRINCE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon