Chapter 17

60 0 0
                                    

"Okay na ba 'to?"

"Just... move a little bit to your right Maria"

"ah... o-okay" dahan-dahan at maingat kong iginalaw ang katawan ko para maabot ang right side ng sobrang laki niyang BINTANNAA.

Oo BINTANNAA, as in windooowww. Sobrang laki kasi ang hirap tuloy palitan ng bagong kurtina at isa pa 'tong kurtinang 'to! yung totoo? sa tela ba talaga gawa 'to?

"H-how 'bout this?" hinihingal kong tanong.

Muli niyang inangat ang ulo niya mula sa kanyang laptop at bahagyang ibinaba ang suot niyang salamin.

And swear! Feeling ko maglalaway ako sa ginawa niya. Oo na! Ang gwapo niya lang kasi lalo na sa suot niyang eyeglass. As in! Babae ako, kaya natural lang naman sigurong maattract ako sa mukha niya di ba? Hindi naman porke' nagagwapuhan ako sa kanya eh gusto ko na siya. As if!

"You sure you okay there? I told you I can--" nag-aalala niyang tanong habang akmang lalapit sa 'kin.

"Kaya ko!" pigil ko sa kanya habang nakataas ang dalawa kong kamay sa harapan niya. "A-ah sorry... Okay na po ba 'to, Sir?" magalang kong tanong sabay iwas sa tingin niya.

Yes, napagdesisyunan kong 'Sir' ang itatawag ko sa kanya.

Gusto kong makita niya na seryoso ako sa pagiging katulong ko. Gusto ko ring makuha ang loob niya sa pamamagitan ng pagiging semi-formal ko at hangga't maaari pipigilan ko ang pagiging magaspang sa kanya.

I can't be rude or harsh o kahit sarcastic sa kanya, "Nice" yang salitang yan ang kailangan ko sa ngayon. In short, sa ayaw at sa ayaw ko kailangan kong magpanggap na MABAIT ako.

At ito na nga ang napala ko sa pagiging mabait ko.

"Aright" kibit-balikat niyang sagot at tuluyang naglakad pero hindi na papunta sa 'kin.

Matapos yung awkward encounter namin kaninang umaga ay parang mas naging maingat na siya sa mga galaw niya. Kinakausap niya ako pero kapag may kailangan lang siya o di kaya may itatanong siya about sa buhay ko.

Ramdam ko pa rin ang tigtig niya kaya naman ipinihit ko nalang ang katawan ko paharap sa kurtinang kanina ko pa sinusumpa.

"Bakit kasi nag-prisi-prisinta pa akong ako nalang ang magkabit sayo? Ambigat-bigat mo! Feeling ko mas mabigat ka pa sa 'kin eh." reklamo ko sa kurtinang nasa harapan ko.

Nalaman kong kakalipat lang pala niya ng unit kaya ko-konti palang ang mga gamit niya rito. Nalaman ko ring siya mismo ang namimili ng mga gamit mula sa mga kutsara, appliances pati na rin mga kurtina at maging sa carpet kung saan inoorder niya lang gamit ang laptop niya.

At yun nga, dahil multitasking ang peg niya kanina sa pag-aayos ng mga kurtina at pag-order thru internet eh ayon tinulungan ko na.

Ginusto mo 'yan! Buti nga sayo bleh! naiimagine kong sagot ng kurtina kaya naman inupakan ko.

"Ahh sumasagot ka pa.. no? lalaban ka hah? Bigat-bigat mo tapos sagot-sagot ka pa ako na nga nagmagandang loob na ikabit ka ha--"

"Sinong kaaway mo?"

"--AHHH!" kasabay ng pagsigaw ko ang isa pang sigaw "MARIA!"

*BLASH!*(tunog ng nabasag na basong may tubig. Sorry wala ako maisip) *BLAG!*(tunog ng nalaglag na pwet)

"MARIA! MARIA OKAY KA LANG?" anang nag-aalala boses.

Opo. Nalaglag po ako sa tinutungtungan kong hagdanan na may taas na walong ruler at opo walang ibang sumalo sa 'kin kundi ang sahig.

How to serve a cool PRINCE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon